Chapter 19.

987 34 1
                                    

BRACE's POV

Alam ko na sina Joaquin at Sharlene na! Di ko naman sinasadya na marinig e! Narinig ko na babes ang tawagan nila.

Aaminin ko nasaktan ako nung una! May gusto kasi ako kay Shar! Naunahan lang ako ni Nash tas ngayon naman si Joaquin.

Wala naman akong magagawa kung nagmamahalan sila pero masakit pa rin tanggapin.

Madami naman nagkakagusto sakin pero si Shar lang ang nagustuhan ko.

Alam kong masama yun pero di ko naman mapigilan. Kaibigan ko si Joaquin e at kaibigan ko din si Shar.

"So ano ang gagawin mo?"-Grae-

Nasa bahay kami ngayon nina John at naguusap. Si John at Grae lang sa barkada ang nakakaalam na seryoso ako at gusto ko din si Shar.

"Hindi ko alam pre! Akala ko pagkatapos ni Nash magkakapag- asa na ako, pero naunahan na naman ako!"-ako-

"Kasi naman sabi ko naman sayo ligawan mo na! E naghintay ka pa na makamove on sya kay Nash. Yan tuloy!"-John-

Napailing na lang ako. Mag- iisip na lang ako ng dapat kong gawin.

Nagulat kami ng dumating si Joaquin. Mukha syang malungkot.

"Gusto nyo bang uminom ng alak?"-Joaquin-

Ito ang kauna- unahang beses na nag- aya si Joaquin! Good boy yan e!

May sariling bar sina Joaquin. Ayun kasi ang isa sa mga business nila. Kahit mga minor pa kami ay pinapasok kami at nakaorder kami ng alak.

"Anong nangyari? Bakit ka biglang nag- aya?"-ako-

Mga nakaisang bote na sya ng tanungin ko sya.

"Alam nyo ba na kami na ni Shar mga pre!"-Joaquin-

Nagkatinginan kami. Sila na nga alam na namin! Pero bakit parang malungkot sya!

"O ganun naman pala e! Bat ka nagiinom? Celebration!"-John-

Biglang sumimangot si Joaquin.

"Si Nash! Yang Nash na yan! Pagkatapos nya saktan si Shar, nakamove on na sya tapos tsaka sya babalik! Kami na ni Shar e!"-Joaquin-

Hindi ko pa rin maintindihan kung anong nangyari.

"Nakita ko sila ni Nash sa bahay nila Shar magkayakap! Ang sakit!"-Joaquin-

Ha? E diba galit si Shar kay Nash?

SHARLENE'S POV

Tinatawagan ko si Joaquin. Ring lang ng ring pero walang nasagot. Iniwan ko muna si Nash sa kwarto ko at pinatulog.

Pagkababa ko ay nakita ko si mama.

"O anak? Nasan na si Joaquin? Nakasalubong ko sya kanina nung bumili ako sa may tindahan. Papunta sya dito."-mama-

Nagtaka ako. Hindi naman dumating si Joaquin e.

Nag- alala tuloy ako. Baka may masamang nangyari sa kanya!

Napagisipan ko na tawagan si Brace.

Brace: hi Shar! Napatawag ka?

Parang lasing magsalita si Brace. Maingay din ang background.

Ako: alam mo ba kung nasan ni Joaquin.

Brace: ayun o! Nagwawala na sa dance floor! Hahaha Go pre!

Ako: lasing ka na Brace! Nasan ba kayo?

Brace: hindi ako lasing Shar! Nakainom lang! Nasa may bar kami sa Pasay! Kila Joaquin to!

Alam ko kung san yun kaya pumunta agad ako dun.

Pinapasok ako ng bantay kasi kilala nya ako.

Hinanap ko agad sina Joaquin.

Nakita ko sina Brace, John at Grae! Nainom!

"O Shar! Nandito ka na pala! Tara! Inom tayo!"-Grae-

Umiling lang ako.

"Nasan si Joaquin?"-ako-

"Nandyan lang sya! Hanapin mo lang!"-John-

Tatagay pa sana sila pero pinigilan ko na sila. Nang gawin ko yun ay napatingin sila sakin!

"Tigilan nyo na yan! Tumayo na kayo, aalis na tayo dito!"-ako-

Sumigaw ako! Nagulat naman sila. Hindi ko alam kung bakit pero sinunod nila ako.

Hinatid ko sila sa sasakyan.

"Wait lang! Pupuntahan ko lang si Joaquin!"-ako-

Pumasok na ako sa loob at hinanap si Joaquin.

Ayun! Nakita ko na sya!

Nagulat ako dahil may humalik sa kanyang babae!

Parang tumigil yung mundo ko! Mas masakit ang nararamdam ko ngayon kaysa sa naramdaman ko nung nakita ko si Nash na niloloko ako!

Tumulo na ang mga luha ko!

"Akala ko iba ka!"-ako-

Para na akong pinapatay sa nakikita ko!

Hindi na naman ako makahinga!

"Shar!"

At natumba na ako. Nawalan na ako ng malay!

SharQuin Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon