SHARLENE'S POV
Nagising ako dahil sa sobrang lamig. Hindi ako sanay sa panahon na to.
Tumayo ako at nagjacket, 12 midnight pa lang kaya tulog pa sila.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig.
"Shar!"
Muntik ko nang mabuga ang iniinom ko. Paglingon ko ay nakita ko si Joaquin.
"Ano ka ba naman babes! Bakit ka nanggugulat?"-ako-
Natawa sya at lumapit sakin.
"Sorry! Bakit gising ka pa?"-Joaquin-
"Ang lamig kasi e. Ikaw bakit gising ka pa?"-ako-
Napayuko sya. Nalungkot sya.
"Hindi ako makatulog e."-Joaquin-
"Bakit naman? May problema ba?"-ako-
"Naaalala ko kasi yung huli kaming pumunta dito. 8 yrs. old ako. Kumpleto kami kasama ang mga kamag- anak namin. Sobrang saya ko nung mga panahon na yun. Palagay ko di na mauulit yun."-Joaquin-
Niyakap ko sya.
"Wag kang mag- alala Joaquin. Magiging okay din ang pamilya nyo. Tara!"-ako-
Hinila ko sya papunta sa kwarto nya. Pagpasok namin ay pinahiga ko sya.
"Anong gagawin mo Shar?"-Joaquin-
Seryoso syang nakatingin sakin. Nakaharang yung mga kamay nya sa dibdib nya.
"Bata pa ako!"-Joaquin-
Binatukan ko sya.
"Ano ba iniisip mo?"-ako-
Naupo ako sa may tabi nya at nagsimulang kumanta.
Tulog na- Sugarfree
~~~Tulog na mahal ko
Hayaan na muna natin ang mundong ito
Lika na, tulog na tayo.
Tulog na mahal ko
Wag kang lumuha, malambot ang iyong kama
Saka na mamroblema
Tulog na hayaan na muna natin sila
Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
Kung matulog, matulog ka na...~~~
At nagtagumpay ako! Napatulog ko si Joaquin masaya ako!
Bumalik na ako sa kwarto ko at natulog na din.
KINABUKASAN..
Nagising ako sa sigawan nina Brace, Nash, John at Grae.
Nagbihis ako, nagjacket at bumaba na.
"Anong ginagawa nyo? Ang ingay nyo."-ako-
"Ay nagising ka ba namin Shar? Sorry! Eto kasing si Brace ang kulit!"-Nash-
"Pano Shar mga excited na maggala. E wala pa nga si Joaquin."-John-
Speaking of Joaquin. Wala nga sya. Monthsary din namin ngayon! Excited na ako batiin sya!
Bigla namang pumasok si Joaquin.
"O san ka galing?"-Brace-
"May binili lang ako."-Joaquin-
Dumeretso na sya sa kwarto nya.
Pagkakain namin ay nagsimula na kaming maggala.
Masaya kasi bukod sa ang ganda ng view, madami ding mga adventures! Tree Fall ang paborito ko!
Nang mapagod kami ay kumain kami.
"Happy Monthsary babes!"-ako-
"Happy Monthsary din! Eto regalo ko! Kanina ko lang yan binili, nahirapan nga ako kasi wala pang bukas na mall. Hahaha"-Joaquin-
Kaya pala sya umalis kanina. Nagulat ako dahil pagbukas ko!
Isang DLSR Camera!
"Seryoso ka Joaquin?"-ako-
Nakangiting tumango sya!
Sa sobrang saya ko ay tumayo ako at niyakap ko sya!
"I love you! Thank you!"-ako-
"Basta masaya ka Shar, masaya na ako!"-Joaquin-
"Nahiya naman ako kasi di mamahalin ang regalo ko."-ako-
"Shar sabi ko nga sayo kahit di kana magregalo! Yung thought pa lang na tayo na, sapat na sakin yun!"-Joaquin-
Kinikilig ako! Inabot ko sa kanya yung regalo ko.
Pagkabukas nya ay biglang sumaya sya.
"Ang OA mo naman? Di naman maganda regalo ko e."-ako-
Regalo ko sa kanya ay 5 panyo na binurdahan ko ng pangalan nya.
"Ikaw ang nagburda nito?"-Joaquin-
"Oo! Alam ko na walang- wala yan sa regalo mo sakin pero..."-ako-
Di ko natapos ang sasabihin ko ng yakapin ako ni Joaquin.
"Thank you at nageffort ka Shar! I love you!"-Joaquin-
Masaya ako na naappreciate nya yun!
Magkayakap kami.
"Hoy PDA!"-Grae-
Natawa naman kami ni Joaquin.
"Anong meron?"-Brace-
"Monthsary namin! Niregaluhan ako ni Joaquin ng DLSR!"-ako-
"Mayaman talaga e!"-John-
Tiningnan nila ang regalo ko kay Joaquin.
"Ikaw ang nagburda?"-Nash-
"Oo!"-ako-
"Ang sweet!"-silang apat-
"Pero masama ata na panyo ang iregalo kasi ibig sabihin nun papaiyakin mo ang sya."-Nash-
"Mga pamahiin mo! Hindi totoo yun!"-Joaquin-
Nagtawanan na kami.
Ginamit ko na agad ang regalo sakin ni Joaquin at pinicturan ko sila. Masaya ako! Sobra!
BINABASA MO ANG
SharQuin Love Story
Novela JuvenilSharlene San Pedro and Joaquin Red Reyes fan fiction! May bonus na NASHLENE! :) Gimme 5 din! :)