Joaquin's POV
"Sige po Tita! Alis na po kami!"-ako-
"Okay Joaquin! Ingatan nyo si Shar ha?"-Tita Myleen-
"Bye ma!"-Shar-
Kinuha ko na ang bag na dala ni Shar! Ready na kami sa 1 week vacation namin sa resthouse namin sa Baguio!
"Bakit nga pala di na lang natin sinama si Tita?"-ako-
"E kasi may importante pang gagawin si mama, alam mo na, busy!"-Shar-
Nasa van na kami at papunta kila Nash. Kasama nga pala ang buong tropa dito!
"Hi Nash!"-Shar-
Sumakay na si Nash. Dinaanan na din namin sina Brace, John at Grae.
Habang nasa byahe ay nag soundtrip kami!
Awit ng Barkada- Parokya ni Edgar
" Pinagtagpo-tagpo kami ng tadhana
Kahit pinanggalingan namin ay iba iba
Walang pakialam kung sa'n mapadaan
Basta't sabay-sabay kaming nagtatawanan
Basta nandiyan ang bawat miyembro ng tropa
Ang kalokohan ay hindi mawawala
Hindi na dapat pinag-iisipan pa
Lahat tayo ay dapat magsaya"
Sabay- sabay kami kumanta. Alam kong maingay pero okay lang! Nilingon ko si Shar! Sobrang saya nya! Ang laki ng ngiti nya!
Bukas na ang 3rd monthsary namin! Excited na akong ibigay sa kanya ang regalo ko!
3 oras na ang nakakalipas nabyahe pa kami. Mahaba kasi ang byahe.
Ang kaninang nagkakantahan at maingay ay tahimik na ngayon na natutulog.
Napalingon ako kay Shar. Gising sya! Nakatingin lang sa bintana.
"O! Baka gusto mo matulog babes!"-ako-
"Hindi! Gusto kong enjoyin to! Baka mamaya di na maulit!"-Shar-
Ayan na naman sya. Sabi ko wag na sya magsalita ng ganyan. Pinisil ko ang ilong nya.
"Wag ka sabi e! Ang kulit mo talaga! Enjoyin mo lahat ng moment kasi madami pang masasayang mangyayari sayo! Mahaba pa ang buhay mo Shar!"-ako-
Ngumiti sya. Hindi na sya sumagot at sumandal lang sa balikat ko.
"sige! Matutulog ako. Pasandal ha?"-Shar-
Tinitigan ko lang sya.
Kahit sa harap ni Shar ay malakas ako, ang totoo ay lagi akong nalulungkot na isipin na hindi namin alam baka bigla na lang syang....
Basta! Ayaw ko nang isipin yun! Nagdasal ako sa isip ko.
Nakatulog na din pala ako at pagkagising ko ay nasa Baguio na kami!
"Wuuu!"-sila-
Nakakita kasi kami ng madaming pine trees! Ang ganda!
Nakarating na kami sa wakas sa resthouse namin!
"Wow!"-sila-
Napalingon ako sa kanila. Nakatingin lang kasi sila sa resthouse namin at pinupuri ang ganda nito! Kasama si Shar! First time ko syang madadala dito!
"Ano? Wala ba kayong balak pumasok?"-ako-
Tumakbo naman papason sina Nash at Brace. Samantalang si Grae at John naman ay nilibot ang labas ng bahay.
Hinawakan ni Shar ang kamay ko.
"Bakit ngayon mo lang ako sinama dito? Ang ganda!"-Shar-
Inakbayan ko sya. At pumasok na kami sa loob.
Hinatid ko na si Shar sa kwarto nya. Pumunta na muna ako sa kwarto ko. Inaayos ko ang gamit ko ng biglang pumasok si Brace at Nash.
"May sarili din ba kaming kwarto?"-sila-
"Oo naman! Pumili na lang kayo kung san nyo gusto! Madami naman yan e!"-ako-
Maya- maya may kumatok ulit.
"Ang kulit nyo na...."-ako-
Nagulat ako ng sumilip si Shar.
"O shar! May problem ba?"-ako-
"Wala naman. Gutom na kasi ako. Hahaha pasensya na!"-Shar-
Natawa naman ako. Inakbayan ko sya at pumunta sa kusina. Sumunod na sina Nash at Brace.
"Nasan yung dalawa?"-ako-
"Nandyan lang yun, paikot ikot. Kainan na!"-Brace-

BINABASA MO ANG
SharQuin Love Story
Ficțiune adolescențiSharlene San Pedro and Joaquin Red Reyes fan fiction! May bonus na NASHLENE! :) Gimme 5 din! :)