Chapter 4.

1.3K 45 0
                                    

JOAQUIN's POV

"Tita kumusta na po si Shar?"-ako-

Nasa ospital kami ngayon. Inatake na naman si Shar ng sakit nya at hinimatay. 2 am ng tawagan ako ni Tita at sinabi na inaatake daw si Shar.

"Okay na sya Joaquin, stable na ang lagay nya. Pwede ka nang pumasok sa loob."-Tita Myleen-

Pagpasok ko sa loob ay naawa ako sa itsura ni Shar. Ang daming nakakabit na aparato sa kanya.

Lumapit ako sa tabi ng higaan nya. Hinawakan ko ang kamay na.

"Shar! Magpalakas ka naman! Please!"-ako-

Naiiyak na naman ako. Kahit ilang beses na to nangyari ay kinakabahan pa rin ako lagi.

"Sana ako na lang ang nagkasakit."-ako-

SHARLENE's POV

Nagising ako na wala ako sa kwarto ko.

Inikot ko ang paningin ko, nakita ko si Joaquin na natutulog sa tabi ko. Hawak nya ang kamay ko at umiiyak.

Pinahid ko ang luha nya. Mahal talaga ako ni Joaquin bilang bestfriend.

Kahit may sakit ako na walang lunas masaya pa rin ako. Swerte ako kay mama. Sa mga kaibigan ko at lalo na kay Joaquin.

Pumasok si mama sa kwarto. Sumenyas ako na wag muna syang maingay.

"Anak, nagpapasalamat ako dyan kay Red kasi sya ang nagdala sayo dito. Mas nag- aalala pa nga sya sakin e."-mama-

Napangiti ako at tumingin kay Joaquin.

Umalis si mama para bilhin yung mga gamot na kailangan ko.

Nagising na si Joaquin.

"O Shar! Gising ka na pala? Buti naman! Ano kumusta pakiramdam mo?"-Joaquin-

Ngumiti ako.

"Okay na ako. Ang OA mo talaga! Pero thank you ha? Sobra ka talaga magalala sakin."-ako-

"Syempre mahal kita e!"-Red-

Natigilan kami pareho sa sinabi nya.

"Bilang Bestfriend! Alam ko yun, ako din naman e."-ako-

Tumango lang sya.

Biglang bumukas yung pinto at sumilip si Nash! OMG si Nash!

"Yun! Mga pare tama na kwarto na to!"-Nash-

Sumunod naman pumasok sina John, Brace at Grae.

"Grabe! Nakakahiya, sa ibang kwarto pa kami pumasok!"-Grae-

Nagtawanan kami.

"Buti na lang pala di nyo ako kasama!"-Red-

May dala silang bulaklak at mga prutas.

"Shar! Ipagbabalat kita ng Orange kainin mo ha?"-Grae-

At yun nga. Sama- sama namin kinain yung mga dala nila.

Ang saya ko pag kasama ko sila.

Kinabukasan, nadischarge na ako sa ospital na umuwi na. Kasama ko si Joaquin :)

SharQuin Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon