Chapter 29.

980 39 2
                                    

JOAQUIN'S POV

"Joaquin? Huy! Bakit kaba nasigaw?"-Shar-

Gising sya! Gising na si Shar!

Niyakap ko sya! Sobrang higpit na yakap!

"Panaginip ba to?"-ako-

"Hindi Joaquin."-Shar-

Sobrang saya ko!

"Gusto ko na umuwi."-Shar-

"E hindi ko alam baka di pumayag yung....."-ako-

Napatigil ako sa sasabihin ko ng pumasok ang mama ni Shar.

"Pwede ka na daw umuwi anak. Tara na. Naayos mo na ba ang gamit mo?"-Tita-

Hindi pa rin ako makapaniwala na gising na sya pero masaya ako. Umuwi na nga si Shar. Syempre hinatid ko sya.

Kung magsalita at mgkwento sya ay parang walang nangyari.

Papasok na kami sa bahay nila ng hawakan ko ang kamay nya. Napahinto naman sya.

"Okay ka na ba talaga Shar?"-ako-

"Oo. Okay ako Joaquin. Tara na."-Shar-

Niyakap ko sya at sobrang saya ko. Pagkatapos ay pumasok na kami.

"Anong gusto mong kainin Shar? Magluluto ako ng madami bilang celebration dahil nagising ka na."-Tita-

"Gusto ko po ng Spagetti, lumpia, fried chicken, cookies at coffee jelly mama!"-Shar-

"Okay maggogrocery muna ako."-Tita-

"Hindi mama! Kami na lang po ni Joaquin. Pakilista na lang po ang bibilhin."-Shar-

"Sigurado ka Shar? Baka mamaya mabinat ka."-ako-

Nag thumbs up lang sya sakin. Ngumiti na lang ako.

Pumunta na kami sa mall. Dumeretso kami sa Supermarket.

"Joaquin, Ano bang gusto mong kainin gagawan kita?"-Shar-

Nagulat naman ako.

"Graham Cake na lang. Tutulungan kitang gumawa."-ako-

"Oo nga pala tatawagan ko sina Nash papuntahin ko sila sa bahay mamaya. Party!"-Shar-

At ayun nga. Ng mabili na namin lahat ng kailangan ay naglibot muna kami ni Shar. Ako na ang nagbitbit.

"Joaquin! Papicture tayo sa photo booth!"-Shar-

Hinila nya na ako kaya wala na akong nagawa. Masaya naman.

"Sayo na lang yang mga copies! Souvenir."-Shar-

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Shar. Souvenir para saan? Hindi kaya?

"Shar!"-ako-

Pagkalingon nya sakin ay nakangiti sya. Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko kasi baka masira pa ang araw nya.

"Joaquin may request ako! Pero okay lang naman kung ayaw mo maiintindihan ko naman e."-Shar-

"Kahit ano gagawin ko. Ano yun?"-ako-

"Pwedeng bumili tayo ng couple's shirt at isuot natin ngayon?"-Shar-

Ngumiti ako.

Bumili nga kami ng tshirt na may tatak na 'I LOVE HER'(akin) at 'I LOVE HIM'(Shar).

Tapos ay naglakad kami ng magkaholding hands.

"Ang saya- saya ko Joaquin."-Shar-

Nag arcade din kami at umuwi na. Pagdating namin ay nandun na sina Nash. Nagluto na ang mama ni Shar.

"Tara gagawin na natin yung Graham Cake!"-Shar-

Sumama naman sina Nash at nanggulo lang sa kusina.

Pagkatapos ay naupo na kami sa sala. Nanood kami ng TV.

Comedy yung pinapanood namin kaya tawa ng tawa si Shar. Masaya naman akong marinig yung tawa nya.

"Luto na!"-Tita-

Masaya kaming kumain. Habang kumakain ay biglang tumayo si Shar at nakangiti.

"Gusto ko lang samantalahin ang oras na to na kasama ko ang mga taong pinaka mahalaga sa buhay ko. Mama, Joaquin, Brace, Nash, John at Grae. Thank you kasi lagi kayong nandyan sa tabi ko. Thank you kasi di nyo ako iniiwan. Salamat sa lahat lahat at lagi nyong tandaan na mahal ko kayo."-Shar-

Nagulat kaming lahat sa sinabi nya. Pero naging masaya naman kami ng ngumiti sya.

Pagkatapos kumain ay nag videoke kami.

Ng 9 pm na ay nag paalam na sina Nash.

"Uwi na kami Shar!"-Nash-

"Bye Shar!"-Brace-

Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Shar. Niyakap nya sila isa- isa ng sobrang higpit.

(Shar bakit mo ba ginagawa to?)

"Nash, sana wag ka na ulit manakit ng babae ha? Iwasan mo na ang pagiging playboy mo. Lagot ka sakin pag may sinaktan o pinaiyak pa pang ibang babae!"-Shar-

"Oo naman! Takot ko lang sayo!"-Nash-

"Brace ikaw din ha? Wag kang mambabae. Isa- isa lang dapat."-Shar-

"Promise!"-Brace-

"At kayo naman Grae at John, lagi kayong magpakabait at mag- aral kayong mabuti!"-Shar-

"Opo!"-John at Grae-

At bago sila umalis. Niyakap nya ulit isa- isa sila. At nagulat kami ng umiyak si Shar. Naiyak na din sina Nash.

"Basta tandaan nyo lagi sinabi ko?"-Shar-

"Shar! Wag ka ngang magsalita na parang aalis ka!"-Nash-

Naiyak na din ako.

"Basta!"-Shar-

Ayaw pa sanang umalis nina Nash, Brace, John at Grae  pero sinabi ni Shar na inaantok na sya.

"Joaquin! Bantayan mo si Shar!"-Nash-

Tumango lang ako.

SharQuin Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon