JOAQUIN'S POV
"Pakigising mo nga si Shar Joaquin."-Tita-
Maaga akong pumunta kila Shar. Kinakabahan ako pero di ko alam kung bakit. Sana mali ang kutob ko!
Kumatok ako sa may pinto. Hindi sya sumasagot kaya pumasok na ako.
"Shar gising na."-ako-
Umupo ako sa may kama nya.
"Shar."-ako-
Niyugyog ko na sya.
Napatingin ako sa mukha nya. Nakangiti sya. Hinawakan ko ang pisngi nya at naramdaman ko na malamig na sya.
"Shar! Shar! Shar gising! Di magandang biro yan Shar!"-ako-
Nilapit ko ang tenga ko sa dibdib nya pero wala akong narinig.
"Shar. Shar!"-ako-
Umiyak na ako.
"Shar! Ang daya mo!"-ako
Patuloy pa rin ang pag- iyak ko.
"Ang aga mo namang umalis. Bakit di mo muna ako hinintay? Bakit?"-ako-
Niyakap ko sya.
Narinig ko na may tumakbo papasok sa kwarto.
"Joaquin!"-Nash-
Napalingon ako sa kanila na umiiyak. Napaluha na sila.
"Tunext kami ni Shar at pinaalala nya samin yung kasunduan kaya nag- alala kami at pumunta dito."-Brace-
Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Iniisip ko na lang na isang masamang bangungot to.
"Tatawagin ko si Tita Myleen."-Grae-
"Hindi! Hindi to totoo! Kailanhan ko nang magising sa panaginip na to! Inaantay na ako ni Shar!"-ako-
Nakatingin lang sakin sina Nast at Brace.
Hinagod nila ang likod ko kaya lalo akong napaiyak.
5 days later.
"Okay lang ako."-ako-
Paulit- ulit akong tinatanong ni Brace kung okay lang ako.
"Kailan mo sya titignan. Eto na ang last chance mo Joaquin."-Nash-
Huminga muna ako ng malalim. Tumayo ako para tingnan si Shar na nakahiga dun sa kauna- unahang pagkakataon. Tumulo ang luha ko.
Ang sakit. Ang sakit!
Hindi ko na napigilan. Humagulgol na ako.
"Ilabas mo yan. Wag mo nang kimkimin."-Nash-
"Shar! Shar! Sorry di ko mapigilan! Sorry kung di ko natupad ang pangako ko na hindi ako masyadong iiyak. Sorry!"-ako-
Lumapit sakin sina Brace. Naiyak na rin sila.
Hinimas ni Nash ang likod ko.
Naiyak na kami. Alam ko na hindi matutuwa si Shar pag nakita nya kaming malungkot pero hindi ko na kaya na pigilin.
Libing nya na ngayon at kagaya ng napag- usapan ay nakadress sina Nash at Brace.
Naiyak pa rin sila kahit na katawa- tawa ang itsura nila para sa ibang tao.
Wala akong nararamdaman habang nililibing na sya kundi sobrang sakit. Hindi ko kaya! Napatumba na ako at nilapitan naman ako nina Nash. Umiiyak pa rin kami.
Nang matapos ang libing ay nakaupo lang ako sa may puntod nya. Lumapit sakin sina Nash, Brace, John at Grae.
Lumapit din samin si tita Myleen.
Napatingin ako sa mga mata nya at namamaga na iyon. Niyakap ko sya at niyakap nya din ako.
May hawak syang isang box. Inabot nya sakin yun.
"Ano po to?"-ako-
"Nakita ko yan sa kwarto ni Shar at para sa iyo yan."-Tita-
Niyakap ko muna sya at nagpaalam na syang uuwi na.
Binuksan ko na ang box pagdating namin sa bahay. Sinamahan ako nina Nash dahil baka daw may masama akong magawa sa sarili ko.
Nakita ko dun ang maraming CD na may iba- ibang title. Nakita ko sa unahan ang CD na may title na 'Libing Ko'. May note na dapat kasama ko ang buong gimme 5.
Pagkabukas namin sa TV ay bumungad samin ang nakangiting mukha ni Shar.
[Hello Gimme 5 na mga gwapo, cute at mababait! Kung pinapanood nyo to ngayon malamang nalibing na ako. Umiiyak kayo no? Hindi kayo sumunod sa usapan natin! Ha JOAQUIN REYES, NASH AGUAS, BRACE ARQUIZA, JOHN BERMUNDO at GRAE FERNANDEZ!]
Medyo natawa kami kahit naiyak pa rin.
[Oo nga pala Nash at Brace! Nakadress ba kayo?]
"Oo!"-Nash at Brace-
[Sa palagay ko naman sumunod kayo kasi takot kayo na multuhin ko kayo? Pero eto na nga! Natanggap nyo na malamang yung box na iniwan ko sa kwarto ko para sa inyo! Bawat CD dyan ay may label. Panoorin nyo okay? At oo nga pala! Please! Magpakabait kayo! Alam ko naman na puro kayo kalokohan! Tandaan nyo lagi na Mahal na Mahal na Mahal ko kayo! Mag- iingat kayo lagi ha? Pakibantayan si Joaquin ha? Pati si mama! Bantayan nyo! Bye bye!]
Pagkatapos ng video ay hindi namin napansin na di na kami naiyak. Ngumiti ako kahit nalulungkot pa rin ako.
"Maganda yung naisip ni Shar, di natin sya masyadong mami miss!"-Grae-
"Oo nga!"-Nash-
Napangiti naman ako.
"Thank you Shar!"-ako-
----------------
Sorry po sa ending ko! Kung di nyo po nagustuhan! Sorry sorry ! :)
Salamat sa lahat ng mga magbabasa !
Vote nyo po! Thanks! :)

BINABASA MO ANG
SharQuin Love Story
JugendliteraturSharlene San Pedro and Joaquin Red Reyes fan fiction! May bonus na NASHLENE! :) Gimme 5 din! :)