JOAQUIN'S POV
Nilingon ko si Shar na nasa tabi ko. Hinawakan ko ang kamay nya.
Nakapikit sya at dinadama ang malakas na simoy ng hangin.
Nasa Tagaytay kami ngayon at nagpipicnic.
Napalingon naman ako kila Nash, Brace, John at Grae na naglalaro na parang bata.
Pagkalingon ko ulit kay Shar ay nakatingin sya sakin. Nginitian ko sya.
"Ay wait lang! Ang perfect ng moment na to."-Shar-
Kinuha nya sa bag yung video camera na ako ang may regalo sa kanya.
Nagsimula syang magvideo.
"Nash! Tingin kayo!"-Shar-
"Hello! Video ba yan o picture?"-Grae-
"Video! Sige magsalita lang kayo!"-Shar-
"Videohan mo ako Shar!"-Brace-
Nagtumbling sya. Nang magsawa sina Brace ay umalis muna sila para mag bbq.
"Ikaw naman Joaquin! Magsalita ka lang ng magsalita. O sagutin mo na lang mga tanong ko."-Shar-
"Okay! Hello! Gwapo ba ako dyan Shar?"-ako-
"Oo naman! Tinatanong pa ba yan? Okay first question, ano ang happiest moment mo?"-Shar-
"Walang duda, yung araw na sinagot mo ako at naging tayo!"-ako-
"Nakakakilig naman! Hahaha. Second, gano mo ako kamahal?"-Shar-
Ngumiti muna ako.
"No word can explain or describe how much i love you. Yung pagmamahal na 100% binigay ko! Handa ako mamatay para sayo. Kung pwede ko lang ibigay ang buhay ko sayo, gagawin ko. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Ganun kita kamahal!"-ako-
Napatingin ako kay Shar at naiyak na sya. Niyakap ko sya.
"Please. Joaquin, pag nawala na ako, kayanin mo please! Hindi ko kayang umalis kung hindi mo kakayanin Joaquin."-Shar-
Ngumiti ako kahit naiyak ako.
"Para sayo Shar! Gagawin ko lahat."-ako-
5 pm kami umuwi. Habang nasa van kami ay nakahiga si Shar sa balikat ko.
Paghatid ko kay Shar ay umuwi na ako.
SHARLENE'S POV
Ang saya saya ko ngayon! Feeling ko wala nang makakasira ng araw ko!
Nakahiga lang ako sa kama ko.
Wala akong magawa kaya nagrecord ako ng pagkanta ko habang naggigitara.
Kasama Kang Tumanda- Toni Gonzaga
Habang nagrerecord ay naiyak ako at inulit ang favorite part ko.
"Sasamahan kita kailanman, mahigit kumulang di mabilang. Tatlumpung araw sa isang buwan, umabot man tayo ng 3001."
Pinahid ko ang luha ko at nagsimulang magsalita sa video.
Maya- maya ay may tumawag si Joaquin sakin.
"Overnight tayo dyan sa bahay nyo Shar bukas!"-Joaquin-
"Sige! Masaya yan!"-ako-
Kinabukasan, Mga 6 pm dumating ang Gimme 5.
"Wuuuu! Pillow fight!"-Nash-
"Agad- agad? Kain muna tayo! Parang gusto ko mag ihaw ng marshmallow!"-ako-

BINABASA MO ANG
SharQuin Love Story
Ficção AdolescenteSharlene San Pedro and Joaquin Red Reyes fan fiction! May bonus na NASHLENE! :) Gimme 5 din! :)