Chapter 10.

1.1K 39 0
                                    

SHARLENE's POV

Ano ba naman yan?! 10 am na hindi pa rin nagtetxt si Nash! Di man lang nag good morning!

Nakalimutan nya kaya na anniversary namin ngayon?

Ayaw ko sya itext,gusto ko sya ang mauna!

Napagpasyahan kong tawagan si Joaquin.

Ako: kasama mo ba si Nash?

Red: hindi e. Bakit?

Ako: wala lang!

Red: Magkasama lang kayo kahapon a.

Ako: basta may special occassion ngayon e! Sige bye!

Binaba ko na yung call.

Pumasok si mama sa kwarto.

"Nak may naghahanap sayo! Sina Brace!"-mama-

Tumakbo ako pababa! Excited ako kasi baka nandyan na si Nash!

Nadismaya ako ng yung tatlo lang ang makita ko. Wala si Joaquin at Nash.

"O di ka ba masaya na nandito kami? Nakakatampo ka naman Shar?"-Brace-

"Hindi a! Masaya ako! Ano ginagawa nyo dito?"-ako-

"Pinapunta kami ni Nash dito. Sorry daw kasi may importante syang gagawin. Happy Anniversary daw!"-John-

Ganun lang? Ang tagal ko hinintay yung araw na to e.

"Bihis ka na Shar! Mamasyal tayo!"-Grae-

Nagbihis naman ako. Pagkababa ko nandun na din si Joaquin. Ngumiti sya! Parang nawala na naman yung mata nya.

"Hi Shar! Ganda mo ngayon a!"-Red-

Medyo gumaan yung pakiramdam ko ng makita ko ng makita ko ang ngiti niya.

Umalis na kami. Pumunta kami sa mall.

"Shar! Anong gusto mo panoorin?"-Brace-

Nakaakbay sya sakin!

"Oi Brace baka mabanatan tayo ni Nash pag nalaman nya na tsumatsansing ka kay Shar!"-Grae-

"Okay lang naman diba Shar? Friends naman tayo diba?"-Brace-

Tumango lang ako. Iniisip ko pa rin si Nash. Nagtatampo ako sa kanya. Sana naman tumawag man lang sya.

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ako at hilahin ako palayo kay Brace. Si Joaquin pala!

"Naku Shar! Di ako makapapayag na tsansingan ka nyang si Brace!"-Red-

Holding hands na kami ngayon ni Joaquin.

"E bakit ikaw?"-Brace-

"Grabe talaga yang tatay mo Shar! OA!"-John-

Napangiti ako! Nawala sa isip ko si Nash.

Nagtawanan na lang kami. Nanood kami ng Insidious. Ang ganda <3

Katabi ko si Joaquin tas si Brace sa kanan ko.

May kakaiba kay Brace. Ang touchy nya ngayon! Nakaakbay na naman sya.

"Wag ka matakot Shar! Andito lang ako!"-Brace-

"Ha? Di naman ako natatakot e!"-ako-

Natawa na lang ako. Medyo sanay na ako sa pagkaplayboy ni Brace.

Bigla na naman may tumanggal ng pagkakaakbay sakin ni Brace. Si Joaquin ulit!

"Ang kulit mo Brace!"-Red-

Natawa kami. Natawa kami lalo ng makipagpalit sakin ng upuan si Joaquin!

Pinatahimik naman kami ng ibang tao kasi ang ingay namin. Hahaha

Pagkatapos ng movie ay dumeretso na kami sa Mcdo at kumain kami.

Eto na naman si Brace.

Sinubuan nya ako ng Fries tas pinunasan nya pa ng tissue yung bibig ko. Ano ba talaga trip nya?

Habang kumakain kami ay nagring ang phone ni Grae.

Nagulat kami sa reaksyon nya habang may kausap.

"Ano pong nangyari kay Nash? Nasan po kayo?"-Grae-

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"Anong nangyari kay Nash?"-ako-

"No time to explain! Tara na!"-Grae-

Hinila nya yung kamay ko at tumakbo na kami papuntang parking lot.

Habang nasa kotse kami ay nagdadasal lang ako.

Lord please! Sana okay lang si Nash.

"Magiging okay din ang lahat!"-Joaquin-

Hinawakan nya yung kamay ko!

SharQuin Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon