Chapter 20.

1K 35 1
                                    

JOAQUIN'S POV

"Tita! Kumusta na po?"-ako-

Dinalaw ko si Shar sa ospital. Nakita ko si Tita Myleen. Malalim na ang eye bags nya.

1 week nang hindi nagigising si Shar. Di masabi ng mga doktor kung ano talaga ang sakit nya.

Pinauwi ko muna si Tita Myleen at ako muna ang magbabantay kay Shar.

Lumapit ako kay Shar at tumulo ang luha ko. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Shar sorry! Di man lang ako nagtanong! Akala ko nagkabalikan na kayo ni Nash!"-ako-

Dinikit ko ang kamay nya sa pisngi ko.

"Sino.sya?"-Shar-

Nagulat ako. Nagsalita ba si Shar? Pero nakapikit pa rin sya.

"Shar! Gising kana ba?"-ako-

"Sino.sya?"-ulit ni Shar-

Alam ko kung sino yung tinutukoy nya. Nakita nya ako sa bar sabi ni Brace.

"Shar! Di ko kilala yung babae na yun! Kahit lasing ako, nagulat ako ng halikan nya ako! Maniwala ka sana Babes!"-ako-

Napansin kong tumulo ang mga luha ni Shar. Dumilat na sya.

"Naniniwala. Ako. Joaquin."-Shar-

Niyakap ko sya. Napagpasyahan ko na tawagin ang doktor.

SHARLENE'S POV

Nasaktan man ako sa ginawa ni Joaquin. Pinapatawad ko na sya.

Nang magawa kong makasilip sa paligid. Nakita ko na umiiyak si Joaquin.

Naawa ako sa kanya at narinig ko ang paliwanag nya.

Isa pang dahilan kaya pinatawad ko na sya ay dahil sa kondisyon ko.

Di ko sinasadya na marinig na ilang buwan na lang pala ang itatagal ko. Ayaw kong mamatay ng masama ang loob.

Naiyak ako lalo sa naisip ko.

Pagkaalis ng doktor na tinawag ni Joaquin ay lumapit ulit sya sakin.

"Tinawagan ko na si Tita papunta na sya. Okay ka na ba babes? Gutom kanaba? Sayang! Di natin macecelebrate yung first monthsary natin sa gusto mong lugar kasi nandito tayo sa ospital!"-Joaquin-

Ngumiti ako. Ngumiti din sya.

Hanggang kailan kaya ako makakangiti. Hanggang kailan ko pa kaya makakasama si Joaquin. Naiyak ako sa pag- iisip nito.

"Shar? Anong problema? May masakit ba sayo?"-Joaquin-

Umiling lang ako.

"Wala! Masaya lang ako na kasama kita! Akala ko kasi pinagpalit mo na ako."-ako-

Niyakap nya ako!

"Mas masaya ako Shar!"-Joaquin-

Sinabi ko kay Joaquin na gusto kong kumain kaya lumabas sya para bumili.

Nang umalis sya ay umupo ako para magdasal. Umiyak ako.

"Lord. Ayaw ko naman po kayong kwestyunin pero bakit ngayon pa? Ngayon pa po kung kailan masaya na ako sa buhay ko. Dati ayako nang mabuhay kasi nahihirapan lang ako. Pero ngayon na masaya na ako, tsaka ko malalaman na saglit na lang ang buhay ko. Lord please! Iextend nyo pa po ang buhay ko."-ako-

Nang idilat ko ang mata ko ay nakita ko si Joaquin sa harap ko. Naiyak din sya.

Niyakap nya ako. Niyakap ko din sya.

"Shar! Wag kang mag- alala, alam ko na maaawa sayo si Lord. Mabait ka naman at madaming nagdadasal para sayo."-Joaquin-

"Oo."-ako-

Nagulat kami ng may kumatok. Pinunasan ko muna ang luha ko.

"Pasok!"-ako-

Mga ilang segundo ang nakalipas bago bumukas ang pinto.

"Surprise!"-Gimme 5-

Nagulat ako sa kanila! Napangito agad ako. May dala silang cake at lobo.

"Hi! Shar! Buti naman gising kana."-Brace-

Niyakap nya ako. Niyakap din ako nina Brace at John.

Nakita ko na kasama nila si Nash.

"Uy! Nash!"-ako-

Yayakap sana ako kay Nash ng mapatingin ako kay Joaquin.

Nakangiti sya. Niyakap ko na si Nash!

"Buti naman bati na kayo!"-ako-

Nagakbayan sila.

"Syempre! Napatawad mo na si Nash kaya okay na!wuuu!"-John-

Ginulo nila ang buhok ni Nash. Namiss ko na makita silang nagkukulitan.

"Group hug nga tayo! Namiss ko kayo sobra!"-ako-

"Mas namiss ka namin! Ang tagal mo naman kasi natulog e! Isang linggo!"-Grae-

Sinaway naman sya ni Joaquin.

"Ha? E diba kahapon lang naman ako......."-ako-

Napatingin ako sa kanila.

Kung ganon, isang linggo akong tulog? Pano nangyari yun?

Napatulala ako. Nabalik lang ako sa sarili ko ng sumigaw si Nash.

"Wag mo na isipin yun Shar! Ang mahalaga gising kana! Tara kainin na natin yung cake! Favorite mo yan!"-Nash-

Kumuha lang sila ng tinidor at di na kami gumamit ng platito.

Masaya ako lalo na ng maglaro sila at naghabulan ng icing.

Sayang lang, di ko makasali dahil may nakakabit pa sakin.

SharQuin Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon