SHARLENE'S POV
Nasa bahay ako ngayon kasama si Red. Umalis kasi si mama e kaya sinasamahan nya muna ako.
"Bro! Magtapat ka nga sakin! Sino sa Gimme 5 ang crush mo?"-Red-
Nagulat ako sa tanong nya! Sasabihin ko ba? Bestfriend ko naman sya e!
"A ikaw?"-ako-
Biglang naging seryoso si Joaquin! Tumawa naman ako!
"Joke lang hahahaha"-ako-
Nagalit ata sya!
"Sorry po!"-ako-
At ayun nga ngumiti na naman sya! :)
"Pero seryoso Bro sino nga?"-Red-
Huminga muna ako ng malalim!
"Wag mong sasabihin ha?"-ako-
"Oo! Promise!"-Red-
"Si Nash!"-ako-
Nagulat sya!
"Bat si Nash pa? Bat di na lang si Grae o si John?"-Red-
Nagtaka ako!
"Anong problem kay Nash?"-ako-
"Alam mo naman kung gano katinik sa babae yan si Nash at Brace diba?"-Red-
Oo alam ko!
"Crush lang naman e!"-ako-
Ngumiti sya!
"Okay! Nagaalala lang ako sayo! "-Red-
"Alam ko naman yun!"-ako-
Bumaba si Red para kumuha ng meryenda.
Nagbukas ako ng Twitter ko. Madalas ko kasing istalk si Nash e.
Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa nakita ko. Nagpost si Nash ng picture nila ni Alexa sa Twitter.
Hindi ako makahinga! Binuksan ko yung drawer ko! Nasan na ba yung gamot ko?
Natumba na ako!
"Bro!"-ako- mahina lang.
Tumatakbong lumapit sakin si Joaquin. May kinuha sya sa bag nya, yung gamot ko!
"O Shar! Huminga ka ng malalim! Kaya mo yan Shar!"-Red-
Lumuluha na ako. Kahit lagi tong nangyayari sakin di pa rin ako sanay.
Si Joaquin naman alalang- alala. Naluluha na din sya.
"Hinga ka Shar!"-Red-
Makalipas siguro ang 10 minutes, bumalik na sa dati ang paghinga ako.
Napayakap lang ako kay Joaquin.
"Buti na lang meron ka nung gamot ko! Thank you Bro!"-ako-
"Wala yun Bro! Okay ka na ba? Gusto mo dalhin kita sa ospital?"-Red-
"okay na ako! Thank you talaga! Nakakainis lang, sana mamatay na lang ako para hindi na nangyayari sakin to!"-ako-
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan Shar! Hindi mo ba naisip yung mga taong nagmamahal sayo?"-Red-
Galit sya! Ano na naman problema nya?
"Okay! Sorry! Di na mauulit!"-ako-
"Ano na naman ba kasi ang nangyari?"-Red-
Pinakita ko sa kanya ang picture ni Nash at Alexa.
"Kaya sinabi ko na wag si Nash! Masasaktan ka lang!"-Red-
"Okay lang yan! Nagulat lang siguro ako."-ako-
Napailing na lang si Joaquin.
JOAQUIN's POV
Hays. Ayaw ko talaga na nahihirapan si Shar!
Gagawin ko ang lahat para maging masaya sya at humaba pa ang buhay nya!
Kung kailangan ko nga idonate sa kanya yung puso ko, gagawin ko basta maging okay sya!
Ang problema ko ngayon ay may gusto si Shar kay Nash! Pano na yan? Masasaktan lang si Shar pag nagkataon e! Kagaya nung nangyari kanina.
Umuwi na ako ng dumating ang mama ni Shar.
Malaki ang bahay namin pero malungkot. Mayaman nga kami pero wala naman akong kasama. Bukod sa mga maids namin ay wala na!
Sa pamilya lang ni Shar ako nakaramdam ng pagmamahal e.
Bago ako matulog ay nagdasal muna ako.
"Lord sana po pagalingin nyo na si Shar! Madami pong nagmamahal sa kanya! Kahit yung ilang taon na buhay ko sa kanya nyo na lang po ibigay!Amen!"-ako-
Ganito lagi ang dinadasal ko. Si Shar lagi!
![](https://img.wattpad.com/cover/27927431-288-k531017.jpg)
BINABASA MO ANG
SharQuin Love Story
Novela JuvenilSharlene San Pedro and Joaquin Red Reyes fan fiction! May bonus na NASHLENE! :) Gimme 5 din! :)