SHARLENE'S POV
Pagkadilat ko ng mga mata ko ay lumingon ako. Nakita kong madami na namang aparato ang nakakabit sakin.
Nakita ko si Mama at Gimme 5 sa may gilid ko.
"Mama!"-ako-
"Shar! Mabuti naman at gising kana!"-
Lumapit sila sakin.
"Okay ka na ba Shar?"-Joaquin-
Iniisip ko kung ano ang nangyari bago ako makapunta dito sa ospital. Tiningnan ko ang orasan, umaga na pala!
Ano nga bang nangyari?
Nagkakasayahan kami ng Gimme 5 at bigla na lang akong inatake ng sakit ko.
"Ilang araw ako tulog?"-ako-
Natatakot akong marinig ang sagot pero pinilit ko pa rin.
"2 weeks"-mama-
Tumulo bigla ang luha ko. 2 weeks akong walang malay? Pano nangyari yun? Ano ang nangyari nung nakaraang 2 linggo?
"Wag ka nang umiyak Shar! Ang mahalaga gising kana!"-Joaquin-
Niyakap nya ako.
"Mama gusto ko na po umuwi."-ako-
Nanghihina ako.
"Anak di ka pa pwede umuwi mahina ka pa e. Dito ka na muna."-mama-
Nalungkot naman ako.
Nagdasal ako sa isip ko.
"Lord. Ano po ba ang nagawa kong kasalanan? Bakit ako po ang may gantong sakit? Nagpakabait naman po ako."-ako-
Naiiyak na naman ako! Ang bigat sa puso ko.
Maya- maya ay nagpaalam na sina Nash para kumain. Umalis din muna si mama. Naiwan naman Joaquin.
"Shar. Wag ka nang umiyak ha? Nasasaktan kasi ako lalo."-Joaquin-
Niyakap ko si Joaquin.
"Sorry! Nadamay ka pa. Akala ko kasi handa na ako. Akala ko kasi okay na sakin na mamatay. Akala ko kasi kaya ko nang iwan kayo! Pero dahil sayo Joaquin. Natakot ako! Natakot akong mamatay. Ayaw ko kayong iwan!"-ako-
Umiyak ako. Napaiyak din si Joaquin.
"Hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ko kayo makakasama pero sana matagal pa. Gusto ko pang ipakita sayo ang pagmamahal ko Joaquin."-ako-
Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin.
"Lalo na ako Shar. Kung pwede lang na yakapin kita sa lahat ng oras. Hindi na kita bibitiwan."-Joaquin-
Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.
"Tandaan mo to Shar! Matagal ka lang mabubuhay. Matagal pa tayong magkakasama. Magpapakasal tayo sa future! Promise ko yan sayo."-Joaquin-
Lalo akong naiyak sa sinabi nya.
"Sana nga Joaquin."-ako-
Pagkatapos nun ay natulog na ako.
Pagkagising ko ay wala si Joaquin.
"Nasan sya?"-ako-
Si Nash at Brace ang kasama ko.
"Umuwi muna sya para magbihis. Ilang araw na kasi syang di nakakauwi. Babalik naman agad sya Shar."-Nash-
"Pwede bang magrequest ako sa inyo?"-ako-
"Kahit ano Shar."-Brace-
JOAQUIN'S POV
Nasa kwarto ako ngayon at nag aayos ng gamit ko. Babalik agad ako sa ospital para bantayan si Shar.
Napadako ang tingin ko sa picture namin sa tabi ng kama ko.
Bigla na naman akong napaiyak.
Malaki ang ngiti ni Shar sa picture namin na yun. Masayang- masaya sya.
Ngayon di ko na sya nakikita nakangiti. Lagi na lang syang naiyak.
"Bakit naman kasi sa dami ng tao sa mundo. Bakit si Shar pa ang nagkasakit? Lord maawa naman po kayo sa kanya. Pagalingin nyo po sya. Pahabain nyo pa sana ang buhay nya."-ako-
Tumayo na ako at umalis. Bago ako pumunta sa ospital ay binilhan ko muna si Shar ng mga bulaklak.
Pagkabukas po ng pinto ay nakita kong masayang nakikipag usap si Shar kina Nash at Brace.
"Hanggang kailan ko kaya makikita at maririnig ang tawa mo Shar?"-ako-
"O nandyan kana pala Joaquin!"-Shar-
Masaya sya! Parang kanina lang naiyak sya. Masaya ako na nagagawa nya pa ring maging masaya.
"O may dala akong pagkain! Tara kain na tayo!"-ako-
-------------
Annyeong!
Nakakakilig ang NashLene scenes sa last episode ng LUV U! 12/21/14 <3 <3
BINABASA MO ANG
SharQuin Love Story
Fiksi RemajaSharlene San Pedro and Joaquin Red Reyes fan fiction! May bonus na NASHLENE! :) Gimme 5 din! :)