Chapter 14.

1.1K 37 0
                                        

JOAQUIN's POV

Papunta ako kila Shar! Habang naglalakad ako ay naalala ko yung sinabi ng doktor.

"In her case, it is assumed na 6 months na lang ang itatagal nya!"-Doktor-

Umiyak si Tita Myleen.

"Wag na po kayong umiyak. Magdasal na lang po tayo! Walang sakit na hindi mapapagaling ng Diyos."-ako-

Hindi naman talaga ako madasalin. Nagsimula lang yun dahil sa kagustuhan ko na gumaling si Shar.

Nakarating na ako sa bahay nila Shar! May pasok kami ngayon at dahil break na sila ni Nash, ako na naman ang kasabay nya.

SHARLENE'S POV

"Sorry talaga Shar! Alam kong imposible na mabalik ang tiwala mo sakin. Sana lang maging magkaibigan pa rin tayo!"-Nash-

Nakaluhod pa sya.

"Sorry Nash! Hindi ko pa mapapatawad sa ngayon ang ginawa mo. Bigyan mo pa ako ng time."-ako-

Nasa canteen kami! Break time! Kasama ko ang Gimme 5.

Naiinis pa rin ako kay Nash pero medyo naaawa ako sa kanya. Di kasi sya pinapansin nina Brace. 1 month na din ang nakakalipas ng niloko nya ako.

Umalis na si Nash pagkasabi ko nun.

"Nakakainis talaga si Nash! Gusto mo Shar bugbugin namin sya?"-Brace-

"Wag na! Magkakaibigan kayo at ayoko naman na dahil lang sakin ay masira yun!"-ako-

"Shar! Yun na nga e. Magkakaibigan tayo pero sinira nya!"-John-

Napangiti lang ako.

"Ang swerte ko sa inyo guys!"-ako-

Naggroup hug kami.

Pagkatapos ng break ay bumalik na kami sa room.

Lesson. Lesson.

"Shar! May gusto ka bang puntahan?"-Joaquin-

Nabulong lang sya.

"A bakit mo natanong?"-ako-

"Wala lang. Ano san?"-Joaquin-

Nag- isip ako! Matagal ko nang gustong makapunta dun!

"Sa Zoo!"-ako-

"Okay!"-Joaquin-

Pagkatapos ng klase ay uwian na!

"Parang gusto ko pumunta sa mall, mag arcade!"-ako-

"Sige Shar tara! Brace, John Grae sama kayo?"-Joaquin-

"Wow! Bilis kausap a?"-ako-

"Oo sasama kami! Tara na!"-Brace-

Inakbayan nya pa ako.

Habang nasa mall kami ay nag ikot lang kami.

"Shar! Baka may gusto kang bilhin sabihin mo lang!"-Joaquin-

Ang weird ni Joaquin! Parang masyado syang mabait sakin!

"A wala naman!"-ako-

Nag arcae kami! Magkasama kami nagshu shoot sa basketball! Natalo ko pa nga sila e!

"Ano? Wala pala kayo e!"-ako-

Nagtawanan lang kami!

"Papicture naman tayo!"-Joaquin-

Nagpapicture naman kami! Ang cute nga kasi siksikan kami sa photo booth! Hahaha.

"Ang cute naman natin dyan!"-Grae-

Kumuha kami ng kanya- kanyang kopya!

Bumili kami ng ice cream tapos nag ikot ikot habang nakain. Napadaan kami sa tindahan ng mga camera!

Napatigil ako! Matagal ko na talagang gusto ng DLSR!

Napatingin sakin si Joaquin!

"Gusto mo nyan?"-Joaquin-

Napatingin ako sa kanya! Mahal kaya yun! Hindi ko kaya bayaran sa kanya! :)

"Hindi no! Ano ka ba?"-ako-

Pero gusto ko talaga nun!

Pagkatapos namin mag ikot umuwi na kami. Malamang sabay kami ni Joaquin!

Habang naglalakad kami ay napatingin ako kay Joaquin! Dala nya yung mga binili nya para sakin.

"Ang bait mo talaga ngayon. Kung tratuhin mo ko feeling kk malapit na akong mamatay!"-ako-

SharQuin Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon