Prologue

369 9 0
                                    

Last Semester na niya sa University ang after that he will now start to handle some businesses their Family has, Kumukuha siya ng kursong Business administration at matatapos na siya ngaung taon. Katatapos niyang makuha ang kanyang bagong schedule for the semester. As usual nakuha niya lahat ng schedule na gusto niya.

Makapangyarihan ang pamilya nila sa Laguna, bukod sa ex governor ang kanyang lolo ng ilang taon dahil sa magandang performance nito habang nasa posisyon ay gustong gusto din sila ng mga tao.

Dahil sa mga rason na yun kaya maingat siya sa kanyang mga galaw, ayaw niyang napapabalita siya dahil sa mga karatantaduhan niya, isa siyang athlete, varsity sa school at achery pa. Scholar siya at madalas isa siya sa panlaban ng eskwelehan. Maraming college student at pati high school ang nagpapansin sa kanya.

Ginagawa lahat ng paraan mapansin lamang, kung ano anong binibigay at sinasabi para magkainteres siya. Pero ewan ba niya at madali siyang mag sawa o kaya'y maturn off sa mga babae, mayaman man o pangkaraniwan.

Kung kagandahan ang pag uusapan ay halos lahat na yata ng magagandang klase na babae ay nakilala niya kaso madalas mawalan siya ng interes.

Siya si Gregory Sebastian Alonzo, half spanish dahil spanish ang kanyang mama, nag mamay ari ng ilang World class resorts at hotel. Lumaki siyang hilig din ang swimming at dahil sa mula pagkabata ay kilala na sila kaya maingat siya sa publiko.

Ang kanyang ina ay namatay nung bata pa lamang siya dahil sa sakit sa puso, kaya ang kanyang ama lamang ang nagpalaki sa kanya at mga kasambahay. Mabait ang kanyang ama at matulungin gaya ng kanyang lolo. Higit sa lahat ay hindi babaero, iisa lamang ang kanilang minahal na mga babae at un ang pilit niyang gustong tularan. Ang makahanap ng babaeng tunay niyang mamahalin.

Pumunta siya sa gym dahil sigurado nandoon ang kanyang mga barkada na athlete din ng school. Kung hindi sila naglalaro ay minsan nagcluclub sila pero iniiwasan niya makita siya ng media.

" nandito na si Greg, the mr. perfect ng campus" asar sa kanya ni ken, isang kabarkada niya.

" ulol" sabi niya dito sabawa agaw ng bola at agad tinakbo para maishoot sa ring.

Nag one on one sila paglalaro ng basketball ni Ken, pero siya pa rin ang panalo.

Dahil sa pawis ay umupo sila bench para magpahinga.

Lumapit naman sa kanya ang isang babae, classmate niya last sem at ms. University ito, maganda si Ciara at matangkad, pero ewan ba niya at hindi niya type kaya ang nangyari ay habol ng habol ito sa kanya.

" Hi Greg? pawis na pawis ka, may dala akong panyo sadali at pupunasan natin ang pawis mo" saka ito binuksan ang bag para hanapin ang panyo.

" no, it's ok Ciara, uuwi din naman na ako kaya don't bother." saway niya dito.

Tinitimpi naman ni Ken ang tumawa sa nangyayari. Alam niyang aasarin na naman siya nito.

" by the way, birthday ni Ann sa sabado, gaganapin sa isa sa mga resorts nyu, can you be my date?" malambing boses nito at tila nang aakit.

" sorry Ciara but we're going somewhere with my dad on saturday, next time, pakisabi kay Ann happy birthday." sabi niya ditong cool na cool.

Saka siya tumayo at kinalabit si Ken para umalis na sila. Nagbabye naman si Ken kay Ciara at hinabol siya.

" grabe ka pare? ano bang ayaw mo kay Ciara? bukod campus crush din ito kagaya mo ay patay na patay pa sayo" sabi nito habang naglalakad sila papuntang school cafeteria.

" I don't know pare, kahit anong gawin ko eh di ko siya magustuhan." sagot niya dito.

" sa dami ng dinate mo eh wala kang dinate for the second time, lahat sila eh first date lang, ayaw ko namang isiping may problema ka bro" sabi nitong nang aasar.

" puro ka kalokohan, nagkataon lang na hindi ko talaga sila magustuhan yun lang, alam mo naman ako..."

" oo na true love, hay ang true love dipende sa performance sa kama, ipasa mo nalang sakin ung iba, ibuild mo ako sa kanila para ako nalang habulin nila, hindi ko sila tatanggihan." sabi nito habang umiinom ng coke in can.

" ikaw pa, lahat na yata eh dinate mo na. Mauna na ako sayo" paalam niya dito saka tumayo at umalis.

Habang naglalakad papunta sa kanyang sasakyan ay tamang tama namang may nagpark sa tabi ng kanyang sasakyan. Mukhang bagong lipat ng eskwelahan dahil ngayon niya lang nakita ang sasakyan nito Hindi man bago ang sasakyan ay halatang nasa uso pa rin ang model. Hindi katangkaran ang babae pero maganda ang hubog ng katawan at mukhang nagmamadali sa kilos nito. Nakasuot ito ng skinny jeans at pink na blouse saka medyo may takong na sandal. Simple ang suot pero may dating, dahil busy ito sa pagkuha ng mga gamit sa passenger's seat ay hindi niya makita ang mukha.

Ewan ba niya kung bakit bigla siyang nacurious na makita ang mukha ng babae, at for the first time ay tiningnan niya ang isang babae mula ulo hanggang paa. Nang tumayo ang babae at ilock ang pinto ng sasakyan at tinitigan niya ito.

Malaporselana ang kutis at baby face ang mukha, parang kagragraduate lang nito ng high school. Di niya maipaliwanag ang nararamdaman, ang kanyang katawan ay tila ba nais niyang lapitan ito at halikan.

Lumakad ito sa harapan ng kanyang sasakyan at mukhang hinahanap ang building na pupuntahan.

Nagdadalawang isip siya kung lalapitan ba ito o hindi. Pero dahil di niya mapigilan ang sarili ay lumapit siya dito.

" Hi, can I help you?" tanong niya dito.

Nagulat naman ito sa biglang paglapit niya at mukhang hindi nito nagustuhan. Pasuplada itong tumingi sa kanya at tumalikod.

Umiling iling nalang siya, for the first time may babaeng di siya pinansin at tinakbuhan pa.

Unbroken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon