Chapter 4

113 5 0
                                    

Sa mga nakaraan na araw ay puro kasiyahan ang nasa puso ni Lucia, nakapag exam siya ng maayos, confident at hindi nahirapan dahil na rin sa tulong ni Greg, si Greg naman ay ganon din. As usual ay madali lang sa kanya ang Prelim exam nila.

Nasa harapan siya ang kanyang computer at gumagawa ng report pero sa kanyang isip ay si Lucia, ang paggalaw nito, ang simple nitong suot kahit na may kaya din at ang kainosentahan nito.

Sigurado siya sa sarili na si Lucia ang babae na he wants to spend his life with at alam niyang matutuwa ang kanyang ama at lolo pagnalaman nila ang isang babaeng nagustuhan niya ay kagaya ni Lucia.

While they are having dinner ay nagsalita ang kanyang papa.

" how is your exam Greg?"

" ok naman papa, no pressure at nasagutan ko naman lahat." confident niyang sagot dito.

" that's good anak, Noon pa man alam kong kaya mo ang lahat at maipapasa mo lahat, isa nalang ang kulang sayo.." saka tumikhim ang kanyang lolo.

" I told him Edward na nung kabataan natin ay nakahanap tayo agad ng mamahalin when we were in his age." sabat na kanyang lolo sa usapan nilang mag ama.

Ngumisi siya at inayos ang kanyang mga kubyertos saka tumingin sa mga eto.

" lolo, papa I think nahanap ko na ang hinahanap ko at sa madaling panahon ay ipapakilala ko agad siya sa inyo."

" at bakit hindi bukas? I always have time." excited na sabi ng kanyang lolo.

" Just wait lolo at papa, perfect timing." sabi niya dito at ngumiti nalang.

Nagkatinginan ang kanyang ama at lolo pero di na nagsalita pa. They trust him at alam nilang sigurado siya sa lahat ng mga decision niya at mga gustong gawin. Pinagpatuloy nila ang kanilang pagkain na kung hindi usapan ay negosyo ay mga hobbies naman at nakikiusap lamang siya pag may gusto siyang tanungin.

Madaling lumipas ang mga araw at tuloy tuloy pa rin ang panliligaw niya kay Lucia hanggang isang araw ay nakita niya itong may kausap na lalaki sa park malapit sa parking lot ng school, masaya ang mga etong nagkwekwentuhan, bagama't nakaramdam siya ng selos ay pinakalma niya ang sarili saka lumapit sa mga eto. Nakangiting sumalubong sa kanya si Lucia.

" Kilala mo siya diba, si Ariel kablock namin ni Mia, Ariel si Greg." pormal niya paring pakilala sa isa't isa.

Tumango naman si Greg at ganon din si Ariel, pormal ang itsura ng isa't isa at nagpaalam naman si Ariel dahil may gagawin pa daw ito.

Naiwan silang nakaupo ni Greg.

" is he courting you?" tanong nito agad sa kanya.

" I don't think so, friendly lang siya at nagkataong sinamahan niya ako dito habang hinihintay kay Lia."

Tumango tango naman si Greg bagama't di alam ni Lucia kung anong iniisip nito. Iniba nila ang usapan hanggang sa dumating si Lia. Nang inihatid ni Greg si Lucia ng araw na yun ay bakit pakiramdam niya ay hindi siya sigurado sa sarili.

For the first in his life, he's not sure of something or maybe with someone, Lahat ng babae na nakadate niya or pinansin niya sa school ay agad nagkakandarapa sa kanya, mahalin lamang niya pero si Lucia kanina ay walang takot habang pinapakilala ang ibang lalaki sa kanya.

He doesn't know if his feeling is normal or just because he loves Lucia so much, pero he will never give up, He will show more to Lucia how much he loves her.

Mas dumaan ang araw na mas lalong alalay si Greg kay Lucia, flowers and dates all the time basta may oras sila ni Lucia, kulang nalang ang official word na they are in a relationship.

One day Lucia invited him to come and watch their speech, it's about reading a short article, Nang dumating siya sa small theater ng school ay all eyes ang mga girls sa kanya, ngumiti lang siya sa mga eto at naupo sa second row of seats katabi ng mga kaklase ni Lucia at Mia.

He saw Lucia sitting in the corner of the stage and reading something in a small paper. Maybe her speech, she's wearing a floral dress at nude heels na lalong nagpatingkad sa maputi nitong balat, napakaganda nito sa suot. Ng magsimula na ang program ay nakikinig lamang siya, hanggang si Lucia na nagbasa ng sariling article, she read an article about her dreams and how to achive it, She reads confidently at nang matapos itong magbasa ay pumunta ito ulit sa gilid ng stage.

He's thinking of buying flowers and give it to her later, pinagpatuloy ni Greg ang pakikinig at panonoud sa mga kaklase ni Lucia hanggang si Ariel na ang magbabasa. Ayaw man niyang panuorin ay kelangan niyan tapusin ang program para sabay sila ni Lucia na lumabas at umuwi.

Ariel is reading about love and sacrifice, pakiramdam niya habang pinapakinggan ang mga binabasa ni Ariel ay parang nagpapahiwatig ito ng pagmamahal kaya mas lalong di niya napigilan ang sariling magselos ng tumingin ito sa gawi ni Lucia habang nagbabasa, he feels likes he needs to walk away from that place, at ngumit naman si Lucia dito.

Tumayo siya at naglakad palabas, it's almost six in the evening, mangilan ngilan nalang ang student sa skul, naglakad siya hallway papunta sa parking lot ng biglang may sumigaw sa kanyang likod.

Lumingon siya at si Lucia hinahabol siya.

" bakit ka umalis?, pwede ba tayong mag usap?"habol na tanong nito sa kanya.

Tumango siya at naglakad patungo sa malaking puno malapit sa ground ng skul.

" galit ka ba?" tanong agad ni Lucia sa kanya.

" hindi, I told I can endure everything, I'm fine." sagot niya ditong kalmado.

" you're not, Alam kung upset ka."

"I'm ok Lucia, everything is ok."

" Ayokong mag isip ka ng kung ano ano at ayaw kung may hindi tayo pinagkakaintindihan, ayokong nagtataguan tayo ng nararamdaman."

Tumingin si Greg sa kanya na nagtataka pero nagpatuloy siya sa kanyang sinasabi.

" I like you too Greg, Sorry kung natagalan bago ko sabihin sayo but I like you too at yun ang nararamdaman ko."

Medyo nagulat si Greg sa sinabi niya at siya naman ay parang unti unti ng nahihiya dahil nakatingin lamang si Greg sa kanya. Tatalikod na sana siya pero hinagip ni Greg ang kanyang isang kamay at yumakap sa kanya mula sa likod.

" oh God, you don't know how happy I am today." bulong nito sa kanyang tenga at mas humigpit ang yakap nito sa kanyang  bewang.

Unbroken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon