Sa mga araw na dumadaan ay mas napapdalas lalo ang pag alis ng kanyang mama sa Manila, ilang beses niya ng tinanong ang kanyang yaya Maria pero parating sinasabi nito na baka may inaasikaso ang kanyang mommy, pati ang pag iiba ng itsura nito ay parating iwas ang mga sagot ng kanyang yaya.
Lumaki siyang sinusunod ang kanyang mommy kaya ayaw niyang magduda. Inaalala niya man ang kanyang mommy ay pinilit niyang sa palapit na exam na lamang siya nagfocus at ganoon din si Greg.
Isang araw ay naglakas loob ang kanyang mommy na puntahan ang ama ni Greg isa sa mga Resorts nito, walang kinalaman si Greg at Lucia sa kanyang plano.
Ang balak niya ay kilalanin ang pamilya ni Greg, dahil kung sakaling magkatuluyan sila ay alam niya kung anong klasemg pamilya mapupunta si Lucia.Pagpasok niya sa Resort at agad tumambad ang malaking chandelier sa gitna ng lobby, world class ang design, mula sa glass windows at sa mga furnitures.
Lumapit siya sa Front desk.
" Good morning ma'am, are you going to check-in ma'am?" magalang na tanong ng frontdesk clerk sa kanya." Hindi ako magchecheck in, I'm here beacause I want to meet Mr. Edward Sandejas." diretsong sagot niya dito.
" do you have an appointment?"
"wala, but can you tell him I'm Lucille, Lucia Alcantara's mom, can you please try to tell him kung anong sasabihin niya." pakiusap niya dito.
Nakatingin ang clerk sa kanya na para bang tinatantiya kung nagsasabi siya ng totoo o hindi.
" May I know who is Lucia Alcantara?" tanong ulit nito.
" It's his son's friend."
" I will try to tell to his secretary, you can sit on the waiting area while I'm calling." sabi nitong pormal.
Tinawag naman ng Clerk sa secretary ng papa ni Greg ang sinabi niya.
Habang abala sa pagbabasa ng mga reports about sa hotel si Edward ay nagulat siya ng sabihin ng kanyang sekretarya na nasa lobby nila ang mama ni Lucia? mama ba talaga ito ni Lucia? at ano ang kelangan nito?.
Hindi naman siguro ito nagbibiro kaya pumayag siyang makita ito. Umupo siya sa kanyang guess area ng kanyang office at naghintay.
Kumatok ang kanyang sekretarya at pumasok kasama ang isang babae, di mapagkakailang mama ito ni Lucia, sa kutis at mukha nito ay kamukha ni Lucia, maganda at may class ito, sa bag na nakalagay sa siko at sa suot nitong mid long dress ay para pa rin itong bata, un nga lang ay kakaiba ang kapayatan nito. Tumayo siya para batiin ito.
" I'm Edward papa ni Greg." pakilala niya dito.
Ngumiti ito at nagsalita.
" I'm Lucille, sorry If I came here suddenly..I don't know what to say or how to start.." nagbuntong hininga ito at hindi maituloy ang pananalita." May problema ba?" panatag niyang tanong dito kahit hindi niya alam kung may problema ba ito kay Greg.
" I'm sick at hindi ko na alam kung gagaling pa ako, a few days ago pinakilala ni Lucia si Greg sa akin, you have a good son I know for sure.. hindi ko alam kung nagbibilin na ako dahil I know Lucia is in good hands with Greg." diretsong paliwanag nito.
" I'm sorry to hear that, You also have a wonderful daughter at we really like her for Greg, is there anything we can do to save you from that illness?" tanong nito at nakatingin kay Lucia.
" We are broke, lahat ng pera namin na iniwan ng kanyang papa ay naubos na dahil sa sakit ko, Kahit pera para sa pag aaral ni Lucia ay wala na, I don't know how to tell her, after this semester ay baka hindi na siya muna papasok and I'm afraid for that day will come." mahabang paliwanag nito.
" I came here to tell you that please take care of my Lucia if I'm gone.." patuloy nito at iniwas ang mga mata.
Di naman alam ni Edward ang gagawin kung lalapitan ba si Lucille o hindi.
" We are willing to help you, kayo ni Lucia, baka pwede pang malunasan ang sakit mo pag pumunta sa sa ibang doctor o kaya sa ibang bansa, don't worry about Lucia's study expenses we will shoulder it, ngayon lang may ipinakilala si Greg na babae sa amin kaya alam naming mahal na mahal niya si Lucia."
Tumingin si Lucille sa papa ni Greg saka sumagot.
" I don't think it's a good idea na hihingi kmi ng financial na tulong galing sa inyo. Ayokong mag isip si Greg ng kung ano and even you."
" let's just say para sa future ni Greg kaya gagawin ko ito, I'm sure you're not coming here just to scam me, mabait na bata si Lucia, Let us help the both of you."
Natahimik si Lucille, hindi niya alam kung matutuwa ba dahil sa pagtulong nito sa kanila o hindi, pero ayaw niya ding maiwan niya si Lucia.
" can I think about it?, hindi ko ito inaasahan na tutulungan mo kami."
" yes, think about it, we are willing to help the best way we can." mahinahon niyong sinabi.
" sorry, hindi na ako magtatagal. Salamat sa oras at salamat sa pagtanggap kay Lucia." at nagshake hands ulit si Lucille at Edward saka umalis si Lucille.
Pag kauwi niya ay agad niyang sinabi kay yaya Maria ang pinausapan nila ng papa ni Edward, mas lalo siyang naguluhan pero ano ba ang iisipin niya? ang pride ba o ang kinabukasan nila ni Lucia, paano pag pwede pa siyang gumaling?.
Ang payo naman ni yaya Maria sa kanya ay tanggapin nalang ang mga tulong ng mga Sandejas sa kanila sa paraang sila ay uutang sa mga ito. Napaisip siya lalo kung ano bang dapat gagawin.
Mahal na mahal niya ang kanyang Lucia, pero itatago ba niya ang balak niyang gagawin o hindi. Sa dami ng sikretong tinatago niya ay kawawa naman ang kanyang Lucia pag malalaman nito ang lahat.
Sa dami ng kanyang iniisip ay saka lalo namang sumama ang kanyang pakiramdam, humiga siya at agad uminom ng kanyang mga gamot. Pati kanyang mga gamot ay tago para walang makita si Lucia.

BINABASA MO ANG
Unbroken Promises
RomanceGreg, a politician's grandson, smart, handsome, a man with dignity at Fearless kung anong sinabi niya ay gagawin niya, lahat ng babae ay pinapangarap siya para maging boyfriend pero isa lang ang pumukaw ng puso niya, si Lucia. Makatapos ng Interior...