Chapter 15

127 4 1
                                    

After 8 years...

Pagod na pagod si Lucia galing sa trabaho, madaming customer kanina sa office ni Mia at Ariel, sa dami ng orders at renovations sa designs para sa mga bahay at buildings ay sumakit ang kanyang buong katawan.

Naligo siya at inayos nag sarili saka tinawagan ang kanyang mama, nasa bahay ito ng kanyang tita Melinda at ang nag aalaga ay si yaya Maria. Sa araw araw na dumarating ay ipon ng ipon na lamang ang kanyang ginagawa, para sa sakit ng kanyang mama na bagamat bumuti ay may mga gamot pa rin itong dapat inumim.

Malaking tulong sa kanya na Meron ang kanyang tita Melinda, ayaw na niyang sumama pang makitira sa bahay ng mga ito, kalabisan na dahil sa tulong na natatanggap nila.

Pagkababa niya sa kanyang telepono ay humiga sa kanyang double bed, maliit ang kanyang inuupahan pero ok na basta't nakakatipid siya.

Dadalawin niya ang kanyang mama bukas at may pinapakuha itong mga papeles na nasa kanya. Binuksan niya ang kanyang maliit na closet at nilabas ang isang box na naglalaman ng kanilang mga lumang gamit, hinanap niya ang papel na bilin ng kanyang mommy. Agad niya itong nilabas at nilagay sa bed table, isasara na niya sana ang kahon ng makita ang kanyang lumang coin purse. Bakit nga ba niya itinago ito? Binuksan niya ito at nakita ang kanyang mga singsing, kung ibenta niya kaya? alam niyang mahal ang mga ito, Pero hindi, ibabalik niya pa rin ito kay Greg. Binalik niya ito sa kahon at nilagay ang kahon sa kabinet at nahiga sa kama.

Ilang taon na nga bang magkahiwalay sila? halos walong taon na silang walang communication sa isa't isa. Iniwan nila ng kanyang mama ang Laguna ng alam niyang hindi na babalik di Greg, ilang beses silang pinigilan ng papa ni Greg at lolo nito pero hindi sila nag paawat. Alam niyang buwan buwan ay may tinatanggap silang sustento galing sa mga eto at pagkaraan pa ng ilang buwan ng umalis sila ay may pinadala ulit ang mga ito na isa pang account na nakapangalan sa kanya para ulit sa kanilang sustento, parang doble doble na halos ang natataggap nilang mag ina. Pero pinilit niyang di ginalaw ang nga iyon, pinaskasya nilang mag ina ang  naiwan sa inutang ng kanyang mama at agad siyang nagtrabaho.

Hindi na niya pinagpatuloy ang pag aaral at nagtrabaho na lamang, sales clerk sa mall sa araw at waitress siya sa gabi sa hotel. Nagawa niyang makaipon para sa kanyang mama at sarili.

Umuupa siya sa maliit na apartment dito sa Manila at lalong mas nakakaipon siya ng magtayo si Mia at Ariel ng kanilang interior designing office four years ago, dahil halos tumutulong din siya sa pagdesign ay dumami din ang kanilang customers. Mataas ang sahod sa kanya ni Mia kaya masaya na siya at mahal niya ang kanyang trabaho.

Hindi lingid sa mga ito ang nangyari sa kanila ni Greg at inintidi na lamang sila ni Greg. Parang namanhid siya sa lahat ng nangyari pero pinalagay niya na lamang na kasalanan niya kaya hindi na siya kayang mahalin ni Greg.

May kontak ang lolo ni Greg at papa nito sa kanila pero madalas ay iwas siyang kausapin ang mga ito kaya ang kanyang mama ang madalas nilang tawagan, Madalang siyang dumalaw sa mga ito at kahit kelan ay hindi na nila pinag usapan pa si Greg. Hinihintay niya na lamang kung may mabalitaan siyang may asawa na si Greg sa Amerika, pero baka wala ding mga balita ang mga ito.

Kung ano ano ang iniisip niya. Pinilit niyang matulog para maaga niyang mabisita ang kanyang mama bukas.

Kinabukasan ay agad siyang nag ayos at lumakad para puntahan ang kanyang mama, dun na lamang siya mag aalmusal para sabay sila ng kanyang mama, bumili siya ng ilang pasalubong para dito at ilang mga gamit kahapon para hindi masyadong pabigat ang pagtira ng kanyang mama sa bahay ng tita Melinda niya.

Nagyakapan sila ng kanyang mama at kumain kasama si yaya Maria.

" kumusta ang trabaho mo anak?"

" ok naman mama, maayos ang naipatayong negosyo ni Mia, kaya malaki din sahod ko." masayang balita niya dito.

" mabuti kung ganon, hindi natin natupad ang pangarap natin para sa iyo, patawad anak."

" mommy, ok lang po ako ang importante eh malusog tayong dalawa, lalo ka na mommy."

" salamat anak. bago ko pala makalimutan. tumawag ang papa ni Greg, naatake sa puso ang lolo Fernando, nasa hospital daw ito at kalalabas lang kahapon."

Natahimik siya sa narinig, nag alala siya para dito.

" dadalawin ko nalang po sila sa susunod na linggo mommy, sa off ko, dun po ako mag iistay ng sabado at linggo, gusto ko po silang kumustahin."

" maganda yan anak, kahit panay ay iwas natin ay pamilya sa rin siya ni Greg."

" opo mommy at napakabuti po nilang tao sa atin."

Dadalawin niya ang mga eto, kahit matagal na siyang hindi dumalaw sa mga ito pero nag aalala pa rin siya kay lolo Fernando.

Mabilis Lumipas nag araw kaya naghanda na siya kanyang gamit para sa pagpunta sa Laguna, nagbus siya at nagpahatid sa tricycle papunta sa mga Mansion ng Sandejas. Pagkadoorbell niya ay halos masaya siyang sinalubong ng mga katulong.

" surprise!" sabi niya sa mga ito.

" Naku lalo kang gumanda at sumeksi" puri ng mga ito sa kanya ng mga kasambahay. Nagpasalamat na lamang siya sa mga papuri ng mga ito.

Yumakap siya sa mga ito at pumasok sa Mansion. Kinuha ng kasambahay ang bag niyang may kalakihan at ipinasok sa kwarto ni Greg, ang kwartong ginagamit niya pag umuuwi siya sa Laguna.

Nagulat siyang napalitan ng bagong bedsheets at kurtina sa mga bintana, parang kalilinis din ang kwarto pero hindi naman alam ng mga ito na darating siya.

Mukhang may sasabihin ang katulong pero di nito naituloy dahil tumawag ang kanyang mama, sinara niya ang pinto ng kwarto at sinagot niya ito habang nilagay ang mga gamit sa kama saka dumiretsong naligo pagkatapos ng kanilang paguusap. Lumabas siya sa kwarto at Pumunta muna siya kusina para uminom ng tubig saka inayos kunti ang sarili, sa suot niyang middle size dress na chekered ang design ay mukha pa rin siyang bata at saka nadoll shoes lamang siya. Nagpolbo siya kunti at tumaas sa hagdan para makita si lolo Fernando.

Unbroken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon