Chapter 5

103 5 0
                                    

Pinaharap siya ni Greg, at humarap naman siya dito ng nahihiya, siya na ang nagtapat ng kanyang nararamdaman.

Tumingin siya dito ng diretso at nakatingin din ito sa kanya. Hinalikan siya ng banayad, ingat na ingat, nagtagal ang kanilang halik, wala silang pansin sa kapaligiran bagama't walang tao ay nasa eskwelahan pa rin sila. Tumigil ito sa paghalik sa kanya saka sila nagyakapan.

Kung masaya si Lucia ay mas masaya si Greg, they celebrated their love by eating an expensive dinner at halos gabi na ng magkahiwalay sila. Greg always kisses her in every chance he has and she enjoys it.
Wala palagi ang kanyang mama kaya si yaya Maria niya ang parating sumasalubong sa kanya pag umuuwi siya.

Wala naman itong sinasabi dahil sa taas ng kanilang gate ay hindi makikita kung sino ang nasa labas, pag magdodoorbell lamang siya saka darating si yaya Maria niya para buksan ang gate. Minsan lamang nakita ng kanyang yaya si Greg ng minsang umuwi siya at naghihintay sa gate ang kanyang yaya.

She is barely Eighteen years old pero pakiramdam niya ay she wants more, more than kissing. Nang gabing iyo ay hindi siya nakatulog at nasa cloud nine ang pakiramdam.

Kinaumagahan ay agad niyang pinagtapat kay Mia na boyfriend na niya si Greg, halos tili ito ng tili ng sinabi niya. Masaya din ito sa kanya. Si Greg naman ay ganon din, sinabi niya na rin sa kanyang mga kaibigan na girlfriend na niya si Lucia, halos nag asaran ang lahat, who would thought na si Lucia ang babaeng hinahanap niya.

During lunch time ay nagkita sila ni Greg at kumain ng lunch with their friends, lahat ay masaya para sa kanila, at ganon din naman sila sa isa't isa. Nang matapos ang lunch at habang naglalakad sila papunta sa klase niya biglang tumigil si Greg at humarap sa kanya.

" I don't know if this is right pero I don't want to see you with other man." sabi nitong napakasinsero.

Napangiti siya at tumango.
" oo na, I love you at ayokong may mga bagay tayong hindi pinagkakaintindihan at kung Si Ariel ang tinutukoy mo ay hindi di kita ipagpapalit sa kanya. " sagot niya naman dito.

Nagpatuloy sila sa paglalakad ng pangiti ngiti pa rin siya sa asal ni Greg.

" at bakit panay ang ngisi mo diyan?" tanong nito sa kanya.

Napatawa na siya at saka sumagot dito. " hindi ko alam na very posessive pala ang boyfriend ko."

" dapat lang, you're mine now." sabi nito sabay akbay sa kanya at sabay naglakad.

Mas nagiging sweet sila sa araw araw na dumarating, mas maalaga ito sa kanya at gusto na siyang ipakilala sa kanyang ama at lolo.

Di niya alam kung ready na ba siya? hindi pa alam ng kanyang mama na may boyfriend na siya at ngayon ay gusto ni Greg na ipakilala na siyang pormal sa pamilya niyo. Bagama't hindi nagpipilit si Greg na makilala ang kanyang ina ay alam niyang darating ang araw na kelangan niyang ipakilala ito.

She loves him so much, she is sure of that pero paano pagtututol ang kanyang mama?, nakokonsensya siya dahil walang kaalam alam ang kanyang mama na may boyfriend na siya.

" may problema ba?" katatapos lang ng klase niya ng mapansin nitong matamlay siya ng pauwi sila.

" wala naman, I'm just wondering kung anong sasabihin ni mommy pag nalaman na may boyfriend na ako." pagtatapat niya dito.

" Hindi kaya maaakit ang iyong mama sa aking charm?" pagbibiro nito.

" well hindi ko alam, sana nga ganon, I'm just afraid what her reaction will be.."

Hinagip ni Greg ang kamay niya at hinawakan nito ng mahigpit.

" I love you Lucia, I will do everything para matanggap ako ng mama mo, don't worry about it, ipapakita ko sa mama mo na I will never hurt you."

Masaya siya sa sinabi ni Greg sa kanya at mas naganahan siyang pumasok sa skul at mag aral.

Dumating ang araw na sinabi ni Greg na dadalhin siya sa bahay nila, Naghanda siya ng maaga, kahapon ay dumaan siya sa spa at salon para handang handa siya at fresh, pinili niya ang isang mid sized dress na medyo hapit, color baby blue ito, halos nagmukha siyang mas bata but she likes it.

Lumabas siya sa gate nila at tamang tama namang dumating si Greg. Pagtingin nito sa kanya ay alam niyang nagustuhan nito ang suot niya.

Pagdating nila sa bahay nila Greg ay namangha siya sa ganda at laki, the design of the house is very modern, parang lumiit bigla ang tingin niya sa bahay nila pagkakita sa bahay nila Greg.

Parang kinabahan siya bigla at medyo natatakot lumabas sa kotse. Nang buksan ni Greg ang sasakyan ay may alinlangan siyang bumaba.

" are you ok? you're hands are cold."

"I'm nervous Greg, baka anong sabihin ng papa at lolo mo."

" They are good people at alam kong magugustuhan ka nila." kumbinsi ni Greg sa kanya.

May kaba man siya ay huminga siya ng malalim at lumakad sumabay kay Greg pagpasok sa malaking pintuan. Dumiretso sila sa dining area at nakaupo na doon ang papa ni Greg at Lolo nito.

" papa, lolo meet my girlfriend si Lucia." pakilala nito.

" nice to meet you po."

Tumayo ang mga eto at lumapit sa kanya saka nikipagkamay.

" just call me lolo fernando iha, welcome to the family." sabi ng lolo ni Greg pagkatapos nakipagkamay.

" nice meeting you iha, call me papa." sabi naman nito.

" thank you po." sagot niya sa mga eto saka siya ginabayan ni Greg para umupo saka umupo ito sa tabi niya, mababait ang lolo at papa ni Greg.

Minsan ay patanong tanong ang mga ito sa kanya saka siya sumasagot, masayang kausap ang mga eto, nag enjoy siya sa dinner na halos di niya namalayan ang oras.

After dinner ay umupo sila sa living room para uminom ng coffee saka nagpaalam si Greg para iuwi na siya sa bahay nila.

" iha, welcome anytime in our house." habol ng lolo nito.

Masaya ang pamamaalam nila sa isa't isa. Alam niyang tanggap siya ng pamilya ni Greg.

Nang nakasakay na sila sa sasakyan para ihatid siya ni Greg saka niya lang naramdaman ang pagod. Hindi niya namalayan na nakauwi na pala sila. Huminto ang sasakyan sa harap ng bahay nila.

" You have a wonderful father and grandfather Greg." puri niya dito.

" kahit di ko pa kilala ang mama mo, alam kung you also have a wonderful mother, the way I see you napalaki ka din niya ng maayos." balik puri nito sa kanya.

" pagnagkita kami ni mommy, I will tell her about us, gusto ko din makilala ka niya." sabi niya dito ng unti unti ulit lumapit sa kanya si Greg.

Unbroken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon