Chapter 2

135 6 0
                                    

Pagkatapos ng isang linggo ay pasukan na kaya busy sa school ng dumating si Greg, lahat ay nakatingin sa kanya, rugged look ang itsura niya, di niya kayang magsuot ng mga formal o slacks man lang, un ang kaibahan niya sa kanyang ama at lolo. Puro pormal kung magsuot ang mga eto.

Pagpasok sa classroom ay asaran silang magkakbarkada kasama si Ken, ang bestfriend niya, dahil last semester na ay halos lahat ay naghahanda na para sa paggraduate, siya naman ay maghahanda na rin para pag aralan ang kanilang mga negosyo.

Kung girlfriend ang pag uusapan ay halos wala siyang naging girlfriend dahil kung hindi niya nagustuhan ay agad niyang dinederetso.

Ganon din kabusy si Lucia dahil sa hirap maghanap ng classroom ay ganon din kahirap makipagkilala sa mga ibang tao, kung may nagpapalipad hangin ay agad niya itong iniiwasan kesa makapag salita ng hindi maganda.

Lumipas ang buong maghapon at sumapit na ang advance class niya, nauna ng umuwi si Mia. Pagpasok niya sa classroom  ay puno lahat ng upuan, palinga linga siya hanggang makita niya ang lalaking nakabangga niya noon. Bumulong ito sa katabing lalaki at tumayo kaya nagkaroon ng space kung saan pwde siyang umupo. Binaba niya ang kanyang pride at umupo sa tabi nito.

Para itong microscope kung tumingin sa kanya,taas hanggang baba, buti nalang simpleng hapit na tshirt ang suot niya at skinny jeans saka rubber shoes.

"Hi, I'm Greg." bati nito sa kanya ng makaupo siya sa tabi nito.

" not interested." mahinahon niyang sagot at tumingin sa harap. Ito naman ay nakatingin pa rin sa kanya, di niya mawari kung masaya ba siyang binibigyan siya nito ng pansin o maiinis.

Dumating ang professor nila at agad may pinapagawa sa kanila by parter. Ang kapartner niya ay ang lalaking nasa kanyang tabiwala siyang magawa kundi maging parner ito.

Pagkakita niya sa gagawin nila ay para siyang naging bato, hindi niya alam kung paano gagawin bukod sa mahirap ang math ay advance pa ang klase na ito.

Tumingin sa kanya si Greg saka ngumiti. Gusto niyang matunaw sa hiya, ayaw niyang mapahiya dito.

" can we start? anong gusto mo sagutan ung number one or number two?." tanong nito.

" ehhh... pwdeng sayo nalang yung number one at sakin ung number two?." tanong niya dito.

" sure, mas mahirap ang number two, mahirap ung formula na tutularan..pero.."

" Advance class ko to, pwedeng iguide mo ako. Di ko talaga maintindihan." sabi niya ditong halos pulang pula ang mukha. Kung pwede lang kunin siya ng lupa ngayon ay magpapakuha siya!

" Ganon ba, sure I can teach you." sabi nito sabay kindat. Para bang balewala dito ang kanyang pagsusuplada.

Lumipas ang klase nila na si Greg halos ang gumawa at nagexplain ng mga dapat nilang gawin. On time naman nilang naipass ang kanilang nagawa kaya laking ginhawa niya.

Nang matapos ang klase ay nagsorry siya dito.

" sorry if medyo naging masungit ako sayo. I'm Lucia." saka niya nilahad ang kanyang kamay.

" Greg, Greg Sandejas." saka nito inabot ang kanyang kamay at pinisil.

Bakit parang naginit ang kanyang pakiramdam. Kamay lang niya ang pinisil nito. Sabay silang lumabas sa classroom saka naman pinakilala ni Greg ang mga kaibigan nitong naghihintay.

Pagkauwi niya ay di niya mawari ang pakiramdam. Bakit si Greg ang parating nasa isip niya. Para mawaglit sa kanyang isipan ito ay ginawa niya nalang ang kanyang mga reports.

Sa araw araw na dumarating ay naging panatag na ang loob niya kay Greg bukod sa classmate niya ito tatlong araw sa isang linggo ay mabait ito at handang tumulong sa lahat ng kelangan niya, pati si Mia ay napapansin na rin minsan ang pagiging close nila ni Greg, bagamat wala namang sinasabi si Greg kung may gusto ito sa kanya ay bakit parang nararamdaman niya namang sweet ito sa kanya.

Minsan ay may dala itong snacks para sa kanya pagnagkikita sila sa klase.

Di lingid sa kanya na kilala pala si Greg at ang pamilya nito, bukod sa mayaman ay matalino, halos lahat ng ibang babae sa campus ay nagpapapansin kay Greg, minsan ay may nagtanong na sa kanya kung girlfriend ba siya ni Greg, pero iisa lang ang sagot niya. Magkaibigan sila.

Pero kung sakali bang liligawan siya ni Greg ay sasagutin niya? di mapagkakailang may nararamdaman siya dito, pero wala siyang experience kung paano magkaroon ng boyfriend.

Inlove na yata siya. Bukod sa kabaitan at matalino ito, siya lang sa University nila ang pinapansin ni Greg. Pero ayaw niyang magkaboyfriend bukod sa gusto niyang makatpos ng pag aaral ay ayaw niyang magalit sa kanya ang kanyang ina.

Gusto nitong makatapos siya at makapagsimula ng negosyo, kung tutuusin ay un naman talaga ang gusto niya pero bakit ngayon ay parang nag iiba na ang kanyang plano.

Bakit ngayon ay pinapangarap niyang kasama si Greg sa mga plano niya, bakit siya nangangarap na maging sila? baka naman bilang kapatid o kaibigan lang talaga ang turing ni Greg sa kanya, sa lalim ng kanyang iniisip ay di niya namalayan na pumasok ang kanyang mama sa kanyang kwarto.

" my dear, how are you?" yun ang tawag ng kanyang mama sa kanya, bagamat malambing pero tila iba na ang tinig ng kanyang mama ngayon.

Agad siyang nahimasmasan at bumangon sa kanyang kama, umupo siya siya at kumuha ng unan para ilagay sa kanyang mga binti.

" ok naman ako mommy, naka adjust na ako sa bago kung school, how are you?"

Ngumiti ang kanyang mama at iniwas ang mata, parang sa mga nagdaang araw ay hindi niya napansin ang kanyan ina, mas lalo itong pumayat at maputla.

" I'm fine my dear, eto nag eenjoy ako sa mga bago kung kaibigan, do you like your new school?"

"ok naman mommy, may nameet na rin akong mga bagong kaibigan, sila tita melinda? how are they?"pagiiba niya sa usapan.

" we are fine, minsan nga lang sumama sakin si tita Melinda mo at marami pa rin silang inaasikaso sa kanilang mga megosyo, anyway dear I just came here to say hi and bye, I'm going to meet my new friends tonight at baka maglalaro kami sa casino." humalik ito sa kanyang pisngi at umalis na.

Unbroken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon