Chapter 12

110 4 1
                                    

Busy ang lahat sa Reception, katatapos lang ng kanilang first dance at masasabi niyang napakasweet ni Greg sa kanya. Di na siya makapaghintay na magkasarilan na sila sa kanilang honeymoon, bata pa sila pero she is excited sa bagay na yun.

Tawanan, hiyawan at asaran, puno ng kasiyahan ang kanilang kasal, ang kanyang mama ay ilang beses napaluha sa mga message  sa kanila at Ganon din ang lolo at papa ni Greg.

Alam niyang mula sa puso ang lahat ng mga sinasabi at binibilin sa kanila. Si Greg naman sa kanyang tabi ay puno ng ngiti sa labi kagaya niya. Mayat maya ay hinahalikan siya at niyayakap kahit sino ang kaharap nila.

Pati si Mia ay hindi makapaniwala na siya ay magpapakasal agad, first boyfriend niya si Greg at ngayon ay asawa na niya.

Lumipas ang Reception hanggang gumabi, nagpaalam na si Mia at Ken na umuwi dahil lagpas hatinggabi na, di nila namalayan ang oras. Kahit pagod ay punong puno ng kasiyahan ang kanilang puso bilang bagong magasawa.

Balak niyang magpaalam sa kanyang mama bago pumunta sa kwarto nila ni Greg, baka naghihintay na ito o kaya'y may hinatid pa si Ken dahil nagpaalam ito sa kanya kanina lamang.

Pagpasok niya sa guestroom ay nakita niya kanyang mommy na nakaupo ito sa sofa at agad siyang tinawag para umupo sa tabi nito. Lumapit siya dito at yumakap. Tamang tama namang dumating ang lolo at papa ni Greg para magpaalam din sa kanila.

" naku balae, ngayong magasawa na ang mga bata, hindi na ako makapaghintay na magkaapo." sabi ng papa ni Greg.

Namula siya at ngumiti dito.

" salamat, salamat dahil alam kung nasa maayos ang aking anak, kung hindi dahil sa tulong ninyo ay baka hanggang ngayon di ako panatag para sa kinabukasan ng anak ko." sabi ng kanyang ina.

" masaya kami na dumating ka iha sa buhay ni Greg, alam naming ikaw ang babae sa kanya at balae huwag kang magaalala para sa kinabukasan ng iyong anak Lucille, asawa na siya ng anak ko, kung anong meron ang anak ko ay kanya na rin."

" Sabi ko sayo anak, kaya tama lang na tinaggap mo agad ang alok ni Greg na magpakasal kayo agad, alam kung hindi ka niya papabayaan." sang ayon ng kanyang ina.

Mas napaluha siya sa narinig dahil hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam alam si Greg sa mga nangyayari at naguguilty na siya.

" huwag na kayong mag iyakan mag ina, oras ito ng selebrasyon, ikaw iha ang nagpapasaya sa apo namin kaya nagpapasalamat kami sa iyo." pang alo ng matanda sa kanila.

"Lolo, papa sana po huwag niyo pong isipin na habol ko lang po ang karangyaan kaya ako nagpakasal kay Greg kundi dahil mahal ko po talaga siya."

" alam namin iha, kami ay papanhik na, enjoy your honeymoon at babayhe pa kayo papuntang Bali bukas. Asan na ba si Greg?."

" baka nasa kwarto na namin papa, pupunta na po ako doon."paalam niya din sa mga ito.

Greg's POV
Balak niyang sunduin si Lucia sa kwarto ng mama nito pero di niya akalain ang naririnig niya mula sa mama nito, ang kanyang papa at lolo. Nagtago siya sa gilid ng pinto ng magsasalita na si Lucia, hindi niya kayang marinig kung ano pa ang sasabihin din nito.

Pinakasalan ba siya ni Lucia para mabuhay ng marangya? para maging donya?, di matanggap ng kanyang isip at puso ang mga narinig. Siya si Greg, matalino pero pagdating kay Lucia ay nabulag siya. Hindi niya akalain na iba ang habol nito sa kanya. At pati ang kanyang lolo at papa ay sumang ayon pa kay Lucia.

Tumuloy siya sa bar sa gilid ng kanilang living room, dahil lagpas hating gabi na at walang tao ay agad siyang kumuha ng malakas na inumin. Gusto niyang magising sa panaginip kung panaginip man ito.

Gusto niyang magwala sa mga nangyayari, ito dapat ang pinakamasayang araw niya pero siya pala ay naloko, lahat pala ay pagpapanggap lamang. Uminom pa siya ng ilang baso ng malakas na alak saka umalis sa bar.

May nabuong plano sa kanyang isip, sa lahat ng mga bagay na nangyari ngayon ay kakayanin niya pero hindi niya mapapatawad ang mga eto, ang kanyang asawa si Lucia, ang kanyang natitirang pamilya.

Naglakad siya papunta sa kanyang kwarto, alam niyang naghihintay na si Lucia sa kanya. Pinakalma niya ang sarili saka binuksan ang pinto ng dahan dahan.

Nasa sofa ang gown ni Lucia, siguro ay naliligo ito. Tinanggal niya naman ang kanyang tuxedo at necktie saka binuksan konti ang butones ng kanyang puting polo. Nasa sahig ang kanilang mga gamit dahil bukas ng umaga ay babayhe sila papuntang Bali, pero wala na ang kanyang saya, puno ng galit ang kanyang puso.

Lumabas siya sa Veranda, napakaganda ng tanawin, ang hardin kung saan naganap ang kanilang kasal at ang mga bitwin. Nahimasmasan lamang siya ng bumukas ang pinto ng banyo. Lumbas si Lucia na nakasilk na robang puti na may lacy design sa manggas at nakabalot ng tuwalya ang ulo.

Pumasok siya at unti unting lumapit dito. Nakangiti naman itong unti unti ring lumapit sa kanya. Ngumiti siya dito at hinawakan sa bewang.

" pagod ka na ba dahil sa kasal natin ngayon?" lambing nito sa kanya.

Hindi siya sumagot dito bagkus ay Hinila niya pababa ang tuwalya sa ulo nito, bagamat may kalakasan ang kanyang paghila ay hindi naman ngreklamo si Lucia. Nagsimula na siyang hinalikan ang batok nito at tinanggal ang tali ng roba nito.

Nagpapaubaya naman ito sa kanya. Binuhat niya ito at nilatag sa kama kasama siya. Hinalikan niya ito sa labi ng mariin na para bang sa ganong paraan ay maipadama niya dito ang kanyang galit. Pero palaban si Lucia sa halik niya. Lumayo siya dito konti para maalis niya ang roba nito saka tiningnan ang hubad nitong katawan, perpektong katawan, maliit ang bewang, katamtaman ang laki ng dibdib at higit sa lahat ay makinis.

Nahihiya man ang itsura ni Lucia at balak takpan ang katawan ay hindi niya ito pinayagan. Pero para siyang nabuhusan ng malamig na tubig ng maalala ang kanyang mga narinig.

Unbroken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon