Chapter 1

189 5 0
                                    

Sino kaya ang babaeng yun? bakit ganito ang nararamdan niya dito, bukod sa nacucurious siya ay may iba pa siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag.

Pinaandar niya ang kanyang bagong kotse at agad umuwi sa bahay nila. Sa laki ng mansion nila ay hindi niya na makita kung nasa bahay ba ang kanyang papa at lolo, tatlo silang lalaki sa bahay. Ang lolo niya ay bagamat matanda na ay nakikita pa rin ang kanyang kakisigan. Hindi naman papahuli ang kanyang ama. Ang mga eto ay nagmahal ng wagas sa isang babae lamang, at kaya siguro yun din ang gusto niyang mangyari sa kanya, darating ang babaeng totoong magmamahal sa kanya at mamahalin niya.

Umupo siya sa kanilang malawak na balcony, di mawaglit sa isip niya ang mukha ng babae.
Nasa malalim siyang pag iisip ng biglang magsalita ang kanyang lolo.

" kumusta ang enrolment mo?"

"lolo, ok naman po, nakuha ko ulit lahat ng gusto kung oras para sa mga klase ko." mayabang niyang sabi dito.

" that's good, alam mo bang nung kaedad mo ako, pagkatapos ko ng college ay nag asawa na kami ng lola mo, matagal kaming magkasintahan kaya pinakasalan ko na siya agad"

" lolo sa panahon ngayon, maaga sa edad ko ang mag asawa, darating din tayo sa panahon na yun."

" lahat na yata pinakilala ko sayo, dapat ngayon eh may napusuan ko na, pero lahat ay kinikilala mo lang."

" ewan ko ba lolo, baka nagmana ako sa inyo ni papa, ang babaeng mamahalin ko ay siya lang ang gusto kong pakasalan."

" mabuti yan apo pero huwag masyadong mapili, tumatanda na ako, gusto ko pang magka apo sa tuhod." biro nito sa kanya.

Tumango tango lamang siya at nagpaalam para pumunta sa sariling kwarto. Wala siyang laban pag ganon ang sinasabi ng kanyang lolo.

Naligo siya at nagpahinga sa kanyang kama. Dahil sa pagod sa pakikipaglaro ng basketball at sa enrolment niya ay nakatulog siya.

Lucia's POV
Nasira ang araw dahil sa lalaking gustong magpakilala sa kanya, oo hindi mapagkakailang gwapo at malakas ang dating nito, napakagwapo nito sa buhok nitong medyo mahaba at wavy, at tinalo sa likod, manbun yata ang tawag doon kung di siya nagkakamali.

Simple ang suot nito at halatang pawis pero di niya type ang masyadong confident sa sarili. Halatang nagpapansin ito sa kanya. Tuloy nawalan siya ng focus eh kelangan niya pang matapos ang enrolment niya ngayon. She's new in the University, lumipat sila ng tirahan ng mamatay ang kanyang papa, pinagbili nila ang kanilang shoe manufacturing company but still they are rich, gusto ng kanyang mama na lumipat ng tirahan para makalimutan ang kanyang papa and she respects that.

Nahanap niya ang registrar ng school, umupo siya sa tabi para imessage ang kanyang kaibigan.

" Lucia?, sorry late ako." biglang nasa harapan niya ito ng magsisimula siya sanang magtext dito.

" it's ok, tapusin na natin ang pag enroll para makaalis na tayo."

" bad mood ka ulit?, mama mo ba o lalaki?"

" no, hindi si mama, pero oo there's a one guy na nagpapasin kanina sakin kadarating ko palang."

" as usual, they can't resist your beauty. Hayaan mo na, huwag mo ng isipin pero pag gwapo eh ituro mo sakin pagmakikita natin sa susunod."

Umirap siya dito saka tumayo at nauna ng pumunta sa linya para sa pagkuha ng schedule ng klase, ayaw niyang patulan ang asar nito sa kanya. Bukod sa nasa bago siyang school ay hindi pa siya nakakaadjust sa bagong lugar.

Pagkakuha nila ng schedule nila ay agad silang umalis at kumain sa isang fast food, Si Mia ang bestfriend niya, bagamat di ito kasing yaman gaya ng niya ay maykaya din ang pamilya, they are both eighteen years old, katatapos lang ng debut niya three months ago ng namatay ang kanyang papa dahil sa cancer. Mahirap sa kanyang ina ng mawala ang kanyang papa kaya minsan ay paiba iba na rin ang mood nito at nagsisimula ng lumabas kasama ang mga
kaibigan para mawala ng kalungkutan.

She has no problem about it basta happy ang kanyang mama. Ang importante ay sapat pa rin ang kanilang pera para mabuhay ng maginhawa. Di niya kakayanin kung pati ang kanyang ina ay mawala sa kanya. At tama ang kanyang ina, status is very important dahil mas binibigyan ka nila ng halaga pagmaganda ang estado mo sa buhay.

She is a  fine art student, pareho sila ni Mia, mahilig sa pagdrawing, pagpinta or kung ano ano pa, she wants to be a interior decorator someday at sa tingin niya ay tama ang course na napili niya. Sabay silang lumipat ng school pero si Mia ay nakatira sa isang apartment.

Two years from now ay matutupad na niya ang kanyang pangarap, di siya laki sa layaw, prim ang proper ang pagpapaki ng kanyang mama sa kanya, lumalabas siya pero pinipili niya kung saan siya pumupunta at kung sino ang kasama. Pagdating sa pakikipagboyfriend ay ngayong taon palang siya pinayagan ng kanyang mama para makipag date kung may magustuhan siyang lalaki.

Pati sa pananamit, gusto ng kanyang mama ay class pa rin, sumasabay siya sa uso pero pili pa rin ang kanyang mga suot. hindi sa conservative dahil nagsusuot naman siya ng miniskirt minsan.

" ang lalim ng iniisip mo? gwapo ba?" gising sa kanya ni Mia.

" pwede ba, sino?"

" sino pa eh di yung nagpapasin sayo kanina, siya ba iniicip mo?"

" no, I'm just thinking about the future, tapusin na natin to ng makauwi na tayo." sabi niya dito at pinagpatuloy ang pagkain.

" ok, I believe you". sabi nito at kumain na din.

Pagkatapos nilang kumain ay umuwi siya kasama ni Mia, wala ang kanyang mama. lumabas daw ito sabi ng isa nilang maid.

Dumiretso siya sa kanyang kwarto at agad silang nahiga ni Mia saka tiningnan ang schedule na meron sila sa school, magkablock sila kaya pareho silang ng subject maliban lang isa, dahil kumuha siya ng isang advance class dahil gusto niyang matapos agad.

At dahil mahina siya sa Math ay un ng klase na kinuha niya in advance para kung di niya maipasa ay pwede niya ulit ulitin.

Unbroken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon