Chapter 3

152 4 0
                                        

Nagulat siya at nagkaCasino na ang kanyang mama, pero for sure hindi naman siguro gagastos ng malaki ang kanyang mama, may mga gusto man siyang tanungin ay di na siya nagtanong pa dahil umalis ito.

Humiga ulit siya at natulog, halos ang kanyang yaya Maria na ang kanyang naging ina mula ng namatay ang kanyang papa, lahat ay binibilin ng kanyang mama dito. Basta masaya ang kanyang mama ay ok na siya.

Dahil kay Greg ay naeenjoy niya ang kanyang bagong school, ang gaan ng kanyang pakiramdam at di siya hirap sa mga subject niya. Nasa cafeteria ng school sila at nagisnack, paunti unti lamang niyang ginagalaw ang kanyang strawberry cake dahil di pa naman siya gutom at naghihintay sila sa susunod na klase.

" you're not hungry?" tanong ni Greg sa kanya.

" hindi, but this cake is nice kaya pinipilit kung kainin."

" I can eat that for you."

" hey, huwag na. kaya kung kainin to, saka pinagtitinginan tayo baka maya eh dumating grupo ni Ciara at maging mean sakin dito." pagtataboy niya sa pagkasweet nito sa kanya.

" I don't care about Ciara, ikaw ang gusto kung kasama and I'm happy being with you." sabi nitong diretso at hindi niya alam kung nang aasar ba ito o hindi.

" ayoko ng ganyang joke Greg, pwede ba.." pairap niyang sabi dahil parang gusto na niyang maniwala dito.

" Actually I want to ask you something pero di ko alam if this is the right place and the right time but I want to court you." diretsong tanong nito sa kanya.

Napaawang naman ang kanyang bibig, di niya alam kung ano ba ang sasabihin niya, oo masaya siyang kasama ito at maswerte siyang siya ang gusto nito.

" Naggogoodtime ka ba?" gusto niyang gisingin ang sarili dahil di niya alam kung nasa pangarap ba siya.

" it's true Lucia, I like you." nakatingin ito sa kanya ang mga mata nitong tumutunaw sa kanyang puso.

" seryoso ka ba?" paninigurado niya dito.

" very serious, I love you, first time palang kita ko sayo eh I know you took my heart away and as days passing by knowing you, I do really love you." pagtatapat nito.

" I don't know what to say, pwede bang pag isipan ko?" tanong niya dito, umaapaw ang puso niya.

" yes please, think about it." sabi nito at ngumiti.

Ngumiti din siya dito at namumula dahil di niya alam ang nararamdaman. Halos iniiwas niya ang tingin ng dumating si Mia.

" seryoso yata ang usapan dito?" tanong nito at nakatingin sa kanilang dalawa at naupo sa harapan niya

" wala, may tinanong lang siya." sagot niya dito.

" naku Greg, baka naman tinanong mo siya about calculations? kaya naging seryoso ang ang mukha ni Lucia." sumbat nito kay Greg, hindi pinansin ang sagot niya.

" no, if it is about calculations eh I will gladly help her.." sabi nitong sinsero.

"naku naku Greg, huwag si Lucia ang lokohin mo, I heard a lot about you., naku kung paasahin mo lng ang kaibigan ko eh huwag na." matapang na sagot ni Mia bagama't mukhang nakikipagbiruan lamang ang boses.

" I'm serious, actually gusto ko sa..."

Bigla niyang tinulak si Greg ng malakas, halos mahulog ito sa kinauupuan sa tabi niya.

" Actually Mia may tinanong lang siya sakin about school yun lang dahil bago tayo dito.". paiba niyang sagot dito, hindi sa ayaw niyang maglihim kay Lia pero gusto niyang pag isipan ang tanong ni Greg sa kanya bago niya sabihin dito.

" ok, nagbibiro lang naman ako, kung umasta kasi si Greg eh parang girlfriend ka niya." diretsong sagot nito.

" friendly lang satin si Greg, ayaw mo nun ung gwapo sa school eh kaibigan natin." biro niya dito.

" prinoprotektahan lang kita frend."

" thank you Lia" sabay hawak sa kamay ni Mia.

Si Greg naman ay tahimik na nakikinig sa kanila, ayaw din siguro nitong ipilit ang sarili at nabigla siya sa pinagtapat nito.

Dumaan ang mga araw na normal lamang, bagama't magkakasama pa rin sila nima Greg sa school pag walang klase ay di nito ulit binanggit sa kanya ang mga sinabi nito, pero alam niyang totoo ang sinasabi nito dahil madalas itong mas maalaga sa kanya, paghawak ng kanyang mga gamit at paghatid sa kanya o pagsundo. Di rin nagtagal ay nagtanong ulit ito at di siya nagdalawang isip na sumagot ng oo, pumayag na siyang magpaligaw kay Greg, pakiramdam niya ay nasa alapaap siya, di niya maamin pero mahal niya si Greg.

Minsan habang nakaupo sila sa bench ni Mia ay umamin na siya dito na nanliligaw na sa kanya si Greg, natuwa naman ito sa sinabi niya, suportado siya ni Mia, pero hindi niya alam kung ipagtatapat ba sa kanyang mama, paano pag tututol ito o kaya ay lumipat ulit sila sa ibang lugar.

Saka na niya sasabihin sa kanyang ina pag desidido na siyang sagutin si Greg, higit man sa lahat ay ang pangarap niyang makatapos ng pag aaral ang importante at sana ay hindi balakid si Greg dito.

Lumipas ang mga araw na puno ng saya, di niya namalayan na malapit na ang prelims nila, at dahil busy din si Greg sa pag aaral ay panay din ang gabay nito sa kanya, sa pagrereview at ano pa man.

Buong eskwelahan ay alam na may namamagitan sa kanila ni Greg, bagamat di pa niya sinasagot ito ay alam niyang pinapalagay na ng iba na magkasintahan sila, ang iba ay natutuwa pero may mga iba na naiinis sa kanya, mga ibang estudyanteng matagal ng nagmamahal kay Greg, mga babaeng kahit ni minsan ay hindi pinansin ni Greg, ang mga iba ay nakadate ni Greg at lantarang nagpapakita ng motibo dito pero wala lang kay Greg.

Hindi ito babaero at higit sa lahat ay seryoso sa pag aaral. Napakaswerte niya kung sakali. Hindi naman siya tumitingin sa kayamanan nito at higit sa lahat kung anong kapangyarihan meron ito.

Nag aalala siya sa kanyang mama, tanggap kaya nito kung sakaling magkakaboyfriend na siya, strikto ito at ayaw niyang magalit ito sa kanya, sila na lamang ang magkasama sa buhay, wala siyang kapatid at higit sa lahat ay walang ama.

Unbroken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon