Chapter 16

149 4 0
                                    

Sumilip siya at nakitang niyang nasa tabi ng lolo Fernando ang papa ni Greg pero sa may bintana ito nakatingin.

Kumatok siya sa pinto bago pumasok.

" iha? how are you? this is really a surprise." masayang bati ng matanda sa kanya.

Lumapit siya dito at yumakap sa matanda.

" I miss you po lolo, pasensiya na at ngayon lang po ako nakadalaw." hingi niya paumanhin dito.

Umiyak ang matanda. mas humigpit ang yakap niya dito.

" I can't believe na sa ganitong paraan makukumpleto tayo." sabi nito.

Humiwalay siya dito ng nagtataka saka niya napansin na may nakaupo sa may bintana, ang lalaking ni kailanman ay hindi niya akalain na makikita pa, sa pagtitig nito sa kanya at sa paghangod ng tingin nito sa kanya na may pagtataka.

Tumingin din siya kay Greg, Ibang iba na si Greg sa itsura, very authoritative at pormal ang itsura nito, using a white fitted polo at slacks ay alam niyang marami ng nagbago dito.

" ha..hi, how are you?" halos di niya mabigkas ang gusto niyang sabihin. Pinapakalma ang sarili.

" I'm fine." malamig namang sagot nito sa kanya.

Mahabang katahimikan ang dumaan, wala siyang masabi at ganon din siguro si Greg.

" let's go eat first Greg, Lucia." pagiiba ng usapan ng papa ni Greg, napansin siguro nito ang kanilang nakakailang na pagkikita. Agad lumabas si Greg sa kwarto ng kanyang lolo at inalalayan muna nila ng papa ni Greg na makatayo ang matanda saka sila sabay sabay na bumaba.

" Hindi namin alam na darating ka iha kaya di namin pinaalam na dumating si Greg." sabi ng papa ni Greg.

" it's ok po, mabuti na rin po yun para makapag usap po kami." sagot naman niya.

Hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng lakas para sabihin ang mga eto pero sa sa isip niya ay gusto muna niyang tumakbo palayo dito dahil hindi niya pinaghandaan ang pagkikita nila ngayon.

Pagpasok nila sa dining area ay nakaupo na si Greg at parang may binabasa sa sariling cellphone. Nang makaupo na ang matanda ay saka naman siya umupo sa tabi ni Greg.

Iniiwasan niyang magkita sila sa mata o kaya ay magsabay na kumuha ng pagkain, pinilit niyang lunukin lahat ng kanyang sinusubo kahit sa totoo lang ay ilang na ilang siya. Ang mga eto lamang ang nag uusap at nakininig na lamang siya.

Kilig na kilig naman ang mga katulong na nakatingin sa kanila ni Greg. Pero iniiwas niya lang ang tingin. Sa tagal ng kanilang dinner ay halos nalaman niya na lahat kung anong nangyayari kay Greg, may sarili din itong negosyo at nagtratrabaho sa isang kompanya sa Manila, all this time ay nasa Manila pala silang pareho. Balak na din itong hawakan ulit ang kompanya ng pamilya. A very succesful man indeed.

" iha kelan ang balik mo sa Manila?" biglang tanong ni lolo Fernando sa kanya.

" Bukas po" matipid niyang sagot.

" dalas dalasan mo ang pagdalaw samin dito iha lalo na at mas tumatanda na ako." lambing ng kanilang lolo.

" opo lolo."

Walang reaskyon si Greg at kumakain lamang ito ng tahimik. Nang matapos ang panghapunan ay tumaas si Greg sa sariling kwarto, kaya pala malinis at may mga gamit doon na akala niya ay nilagay lamang doon yun pala ay mga gamit ni Greg, kinalat niya pa mandin ang gamit sa kama.  Ipakuha niya kaya ito sa katulong, naku baka lalo itong magtaka sa kanilang sitwasyon. Haharapin niya na ba si Greg?, bahala na!

Greg's POV
He's busy preparing all the papers para sa meeting ni Lucas, He's Lucas asisstant, friend and also a business  partner. Uupo na sana siya sa kanyang upuan ng makita niya ang isang envelope sa kanyang mesa. Alam niya kung saan galing yun. Sa kanyang papa o kaya'y ang kanyang lolo.

Twice a year ay matatanggap siyang greeting cards or birthday invites pero ni minsan ay hindi siya interesadong pumunta. He's still angry tuwing iiniisip niyang pinaikot siya kasama na si Lucia at ang mama nito. Hindi niya akalain na babayaran nila si Lucia para lang pakasalan siya at pumayag naman si Lucia, Hearing from them that night, gumuho ang mundo niya, the pain he feels is so strong that he needs to run away at baka may magawa pa siyang masama sa mga ito lalo na kay Lucia, the woman he cherished and loved dearly.

Knowing that the card is from his family, tinitingnan niya lang ang mga ito at agad tinatapon. For years he never heard anything from his wife, for sure enjoying the luxury his family can give. Nasaktan niya man eto for leaving her pero mas nasaktan siyang she's never honest with him.

Binuksan niya ang envelope, it's a normal card, not ang invitations or greetings. Binuksan niya para basahin ang nasa loob.

Greg,
How are you my son?, your lolo had an heart attack yesterday, he's in the hospital right now.
Hope you can visit him.

Papa

His lolo, his lolo is sick. Binaba niya and card at tinaas nag ulo konti, naguguluhan siya, kahit gaano kalaki ang galit niya gusto niya pa ring makita ang kanyang lolo but is he ready to face Lucia?

Sa tagal ng panahon kahit ni minsan hindi niya naisip na hiwalayan ito, girls come and go pero all are just short relationships. Is it time to fix things?. Sumakit ang ulo niya sa pag iisip. Pinikit niya ang mata.

" family problem?." biglang nagsalita si Lucas sa gilid ng office niya, nakatingin sa labas. Hindi siya sumagot.

" I know you Sandejas. Pero I'm waiting for you to tell me about it." patuloy nito sa pagsasalita.

Sinabi niya lahat about his background and he's married with Lucia but he didn't say anything why they are not together.

Tumango tango lang naman ito.

" sooner or later you need to face them." payo nito.

Wala siyang reaksyon at pinagpatuloy nila ang trabaho nila ni Lucas.

At ngayon ay nagkita na sila ni Lucia, mixed emotions ang nararamdaman niya. A guilt? anger? or love?..

Samantala sa living room ay naglakas loob magtanong si Lucia sa matanda dahil sa kanyang pangamba, ayaw niyang gumawa ng gulo. Atubli man ay nagtanong pa rin siya.

" lolo pwede po bang gamitin ko nalang po ang isang guestroom ngayong gabi?"

" of course iha, but I hope you and Greg could talk."

" opo, mag uusap po kami." kahit kabang kaba siya kung paano kakausapin si Greg.

Hindi na niya kilala ang Greg na nakikita niya, pakiramdam niya ay ibang tao na ito, but still her feelings for him is still strong. Pero kelangan niyang kausapin ito.

Nang nakatulog na si Lolo Fernando ay saka naman siya naglakas ng loob kumatok sa kwarto ni Greg.

" come in" sabi nitong malamig ang boses.

Pumasok siyang dahan dahan.

" kukunin ko ang mga gamit ko, sorry, hindi ko alam na nandito ka." sabi niya dito at inayos ang mga gamit niyang kinalat kanina, nilagay sa kanyang bag at dumaan sa likod ni Greg para pumunta sa banyo at kunin ang gamit niyang pinanligo kanina.

Unbroken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon