Chapter 20

344 6 2
                                    

" alam kong kasalanan ko ang lahat kaya kayo nagkagulo ni Greg, at humihingi ako ng tawad doon." lumuluha ang kanyang mommy habang nagsasalita.

Agad siyang lumapit dito at inalo dahil nakaraan na ang sinasabi ng kanyang mommy.

" mommy, tapos na po iyon kaya ko nga po sinasabi na nagkikita kami ni Greg at gusto ka din po niyang makita." sabi niya ditong yakap ang kanyang mommy.

" anak masayang masaya ako na nagbalikan na kayo, masaya akong napatawad tayo ni Greg."

"opo mommy." Bagama't may agam agam siya dahil wala namang binabanggit si Greg, balikan na ba ang tawag sa sitwasyon nila ngayon?,ganito na nga ba ang set up nila? mga tanong na biglang lumabas sa kanyang isip.

" sabihan mo ako anak kung kelan mo dadalhin si Greg dito, gusto ko ding humingi ng tawad sa kanya."

" o..oo mommy"

Lumipas ang maghapon na magkasama silang mag ina, pinilit niyang iwaksi sa isip ang mga katanungan niya sa kanila ni Greg.

Greg's POV
Kasalukuyang siyang nasa kanyang office sa loob ng kanyang condo. Umalis ng maaga kanina si Lucia at ayaw siyang isama. Balak niyang kausapin ang mama nito para humingi ng tawad at balak niyang pakasalan si Lucia sa simbahan.

Nagbago man lahat sa kanya pero hindi ang kanyang puso kaya kakausapin niya ito maya pag uwi nito. Balak niyang magdinner pagkatapos ng scheduled meeting niya sa isang kaibigan.

Agad niyang inasikaso ang kanyang mga papeles at balak magreserve ng suite sa isang hotel kung saan gaganapin niya din ang kanyang meeting.

Kasalukuyang tinutulungan ni Lucia ang kanyang mama ng magtext si Greg.

'meet you tonight at Marion's Hotel. 6pm.'
Greg.

Napangiti siya dahil sa kilig pero gusto niya itong kausapin ng seryoso tungkol sa kanila. Agad siyang nagpaalam sa kanyang mama at umuwi para mag ayos.

Nagbihis siya ng wrap around na dress na color red at hanggang below the knee ang haba saka nude na sandal na may maliit na takong. Simple pero alam niyang maganda siya, kinuha niya ang kanyang bag na maliit at nagtaxi kung saan sila magkikita ni Greg.

Pagpasok niya sa hotel ay agad may naghihintay sa kanya na receptionist at sinabihan siyang pumunta sa pinakamataas na floor. Seems like the situation is familiar. Pagdating niya ay pinagbuksan siya ng pintuan ni Greg. Nalula siya sa ganda ng suite.

" Sorry kung late ako sa lakad natin." paumanhin niya dito.

" let's talk." saad nito at inanyahahan siya sa sofa.

" yes let's talk" sang ayon niya at kahit di niya alam kung ano ba ang sasabihin nito.

This should be a night na sasabihin niya ulit kay Greg ang kanyang nararamdaman pero ngayon ay di niya pa rin alam kung kaya niya bang sabihin lahat dito.

" bakit dito tayo magkikita?" tanong niya.

" to talk. I don't feel like going to have a dinner outside." sagot nito at kumuha ng alak si Greg sa maliit bar sa suite.

"drinks?" tanong nito.

" a glass of juice."

Binuksan ni Greg ang maliit na ref at kumuha ng juice sa isang bote ng orange juice saka binigay sa kanya.
Nakatingin lang naman siya dito saka umupo si Greg sa harap niyang upuan.

" so anong pag uusapan natin?" tanong niya dito.

" about us, my wife, you will be my forever wife.."

Sumeryoso ang mukha nito saka tumingin sa kanya ng diretso at binaba ang baso sa tabi nitong table.

" I'm sorry for not trusting you enough for all these years, alam kong nabulag ako sa galit and my pride maybe.."sabi nito saka Lumapit ito sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan.

" I love you at kahit pinilit kong kinakalimutan I can't, I love you so much until now, hope you forgive me and give me another chance para magsimula ulit tayo."patuloy nito

" Greg, I love you too kahit kelan ay hindi iyon nawala and I'm sorry to for not being honest to you before,God knows how much I want to tell you pero nawawala ako ng lakas ng loob noon."

" Mas ako ang dapat mong patawarin and I want to marry you again sa simbahan." sabi nito.

Tumango siya saka sila naghalikan na humantong sa maiinit na pagniniig, walang humpay ang kanilang lakas lalo na sa pagmamahal nila sa isa't isa.

Humantong sila sa kama sa pangatlo nilang pagniniig.
Nakayakap siya dito ng biglang magsalita si Greg.

" shall we eat, I'm sure malamig na ang pagkain na pinahanda ko." bulong nito sa kanya.

Tumayo si Greg at sinout ang kanyang boxer shorts siya naman ay sinout na lamang ang polo ni greg at ang kanyang panty saka sila pumunta sa maliit na dining sa suite. handa na ang pagkain at pinainit lamang nila sa microwave saka sabay kumain.

Masaya nilang pinagkwentuhan ang mga nangyari sa isa't isa habang hiwalay sila...

Kinausap ng masinsinan ni Greg ang kanyang mommy saka nila itinakda ang kanilang kasal sa Laguna, this time ay mas pinaghandaan nila ni Greg. Ginanap ang kanilang kasal sa isa sa kanilang resort at nakilala niya na din ang mga kaibigan ni Greg, si Lucas at lara at ang mga anak nito,si Marco at Cheska at ang baby din nila saka si Prince na isa lamang na single. Dahil matagal na silang kasal ni Greg.

Lahat ay masaya o mas masaya pa sa nangyari sa kasal nila ni Greg ngayon at higit ang kanilang magulang.

" Ang natitirang matinik na single ay ikaw  nalang." asar ni Greg kay Prince.

" and always be a single..." patuloy ni Prince at nagtawanan ang magbabarkada.

Pagkatapos ng kasal ay agad silang pumanhik sa kanilang suite, babyahe sila bukas for their honeymoon sa switzerland, gusto ni Greg na makita ang alps kasama siya.

Hindi niya alam kung dahil sa pagod o sa kanyang gown kaya siya hilong hilo. Kaninang umaga pa niya ito binabalewala dahil iniisip niyang dahil sa kaba lamang.

Pagkatanggal ng gown ay agad siyang nagsuot ng roba, pero ng maamoy niya ang alak  na binuksan ni Greg ay tumakbo siya sa banyo at nagsuka. Sinundan naman siya ni Greg.

" are you ok?, we can call a dr." sabi nitong may pagalala.

" I'm fine, baka pagod lang ito or maybe because i'm excited for this day kaya nahihilo ako." paliwanag niya.

" ibig mong sabihin kanina ka pa nahihilo?" medyo gulat na tanong nito.

" oo, from morning mula pagkagising." sagot niya.

Agad siyang naghilamos at naggargle pero si Greg ay tinitingnan lamang siya at sinara ang toilet bowl saka umupo.

" come here" tawag nito at ng lumapit siya ay pinaupo siya nito sa kanyang kandungan.

" I think we need a doctor for confirmation now." sabi nito.

" confirmation for what?"

Hinaplos ni Greg ang kanyang tiyan saka niya naintindihan ang ibig sabihin nito.

Tumingin siya dito ng may pangamba at tinutop ang bunganga.

Maybe yes! maybe she's Pregnant!

" I want also to be a father." saad ni Greg.

Mabilis tumawag si Greg ng doktor at kumpirmadong buntis siya. Masayang masaya nilang binalita sa lahat ang kanyang pagbubuntis at Dahil sa nasa first trimester pa lamang siya ay matutuloy pa rin ang kanilang bakasyon sa Switzerland.

Masaya siyang kasama si Greg at ang magiging anak nila habang buhay.

WAKAS

Unbroken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon