"mommy, bakit di mo sinabi sa akin ang lahat?". di niya na maiwasang sumbatan ito, lahat ng ari arian nila ay tinubos ng papa ni Greg, mga gastusin ng kanyang mama at mga gastusin niya.
Gusto niyang malusaw sa hiya, paano niya sasabihin lahat kay Greg ito.
" anak, gustong gusto kong sabihin sayo pero ayaw kong mas mag alala ka pa, gusto kong ibigay lahat sayo kahit sa paraang hindi ko alam kung tama ba o mali." paliwanag ng kanyang mama na nababahala din ang itsura.
" pero mommy, ano nalang ang iisipin ni Greg sa akin?, mahal ko si Greg at ayaw kong bahiran ng kasinungalingan ang relasyon nmin." di na niya maiwasang manumbat sa kanyang mama.
" anak, alam ko, pero anak saan tayo kukuha ng gagamitin natin, mahina ang katawan ko at kung hindi sa tulong nila ay baka patay na ako ngayon, hindi ko alam kung maiintindihan ka ni Greg pero ako na ang magsasabi sa kanya."
" mommy, ayokong isipin ni Greg na ginagamit natin siya at wala siyang kaalam alam, susubukan kung sabihin lahat sa kanya." determinadong sabi niya dito.
Bagama't nasa mukha ng kanyang mommy ang agam agam ay mas lalo ang kanyang nararamdaman. At hindi niya alam kung paano sisimulan lahat kay Greg.
Greg's POV
Sa ganda ng takbo ng relasyon nila ni Lucia ay wala na siyan mahihiling pa, he wants now to marry her at alam niyang papayag agad ang kanyang papa at lolo.Naalala niya noon na may binibigay sa kanya ang kanyang lolo, isang singsing na pwede niyang ibigay sa babaeng gusto niyang pakasalan at hindi na siya makakapaghintay pa.
Kahit nagtratrabaho na siya sa kanilang mga hotel at resorts ay hindi pa rin siya sanay magsuot ng formal attire, mostly ay jeans at short sleeve polo ang kanyang suot.
Isang araw ay Kumatok siya sa kwarto ng kanyang lolo para hilingin ang singsing na balak niyang ibigay kay Lucia. Handa na siyang pakasalan si Lucia.
" Greg, may kelangan ka ba?" tanong agad ng kanyang lolo habang nagbabasa ito ng newspaper.
" lolo, remember the ring that you want to give me before?, can I have it now?"
" apo, si Lucia na ba? ibibigay mo na ba kay Lucia?" masayang tanong ng kanyang lolo sa kanya.
"opo lolo, I think it's about time na ibigay ko lolo, I can't wait to be with her everyday." sabi niyang masya dito.
" masayang masaya ako para sayo Greg. We likes Lucia so much for you."
" I know lolo, and I love her so much, nasa kanya na lahat ng gusto ko at higit sa lahat ay babaeng kahit ni minsan ay hindi tumingin sa material na bagay. No one compares to her lolo and I really want to marry her as soon as possible." sabi ni Greg.
Tumango ang kanyang lolo at kinuha ang maliit na box sa study table nito at saka nakabukas ang box na binigay kay Greg.
Tiningnan ni Greg ang singsing, may malaking bato sa gitna at napapalibutan ng maliliit na diamond. Simple at napaka elegante, ginamit ito ng kanyang lola at mama at ngayon ay balak niyang ibigay kay Lucia.
He's very excited to give it to Lucia and to marry her very soon.
Nagpaalam siya sa kanyang lolo at pumasok na sa isa sa mga Hotel nila, pagpasok niya sa kanyang office ay tiningnan niya ulit ang singsing saka nagisip kung kelan niya balak magpropose kay Lucia. Susunduin niya ito mamaya sa University at iniisip niyang pag matatapos ang semester ay magpropropose na siya dito.
Napapangiti siyang nakikita ang singsing saka itinago ito sa isa sa kanyang mga drawers at pinagpatuloy na ang trabaho.
Lucia's POV
Di mapakali si Lucia mula ng nalaman niya ang ginawa mg kanyang ina, nahihiya siyang humarap kay Greg at paano sasabihin dito, hindi niya akalain na ganong kalayo ang magagawa ng kanyang ina, she can adjust kung talagang wala na silang pera pero ang humiling sa ibang tao ay ibang usapan na ito.Lumipas ang buong klase na lutang ang kanyang isip, natauhan na lamang siya ng lumabas siya sa huling klase at pumunta sa parking lot dahil doon naghihintay si Greg. Tamang tama ang dating niya dahil nandoon na si Greg at agad siyang pumasok sa sasakyan nito.
Hinalikan naman siya ni Greg ng matagal at siya naman ay humalik din nga matindi gaya ng halik nito sa kanya.
" kumusta ang klase?" tanong nito ng pinakawalan siya.
" it's fine, medyo marming requirements pero kaya ko naman." siguradong sabi niya.
" let's have dinner before I will take you home."
" oo, nagugutom na din ako at may gusto akong sabihin sayo." kabado man pero gusto niyang magtapat na dito.
" ok, seems like a serious topic pero sige let's go." sabi nito.
Nakarating sila sa isa sa mga hotel nila Greg, pagpasok ay agad silang binati ng mga empleyado at agad silang inasikso ni Greg, umupo sila sa malapit sa glass window, tanaw ang pool sa labas.
Nagorder si Greg ng pagkain nila, sa tagal nilang nagdadate ay alam ni Greg ang hilig niyang kainin.
Habang naghihintay ay panay ang halik ni Greg sa kamay niyang nakapatong sa lamesa, dumating naman ang papa ni Greg at binati sila, mukhang dumaan lamang ito ng makita sila.
"Nice to see you Lucia, kumusta ang pag aaral.?" casual na tanong nito.
"ok naman po." matipid niyang sagot.
Lumayo naman si Greg ng magring ang cellphone nito.
" tito, alam ko po ang usapan ninyo ni mommy, bakit niyo po kami tinutulungan?" tanong niya agad dito.
Gulat ang ama ni Greg, " ayoko sanang malaman niyo ni Greg pero dahil nalaman mo...mahal na mahal ka ni Greg at alam kong ganon din ang nararamdaman mo sa kanya, pamilya ka na din sa amin kaya gusto kong tumulong."
" pero hindi po alam ni Greg, ayaw kong iba ang isipin niya sa akin, balak ko pong sabihin sa kanya."
" Lucia, hayaan mong kami na ang magsasabi sa kanya, mahal ka ng anak ko at alam kong hindi ka manggagamit. Pakiusap ako na ang magsasabi sa kanya." pakiusap nito.
" at anong sasabihin mo sa akin papa? " tanong ni Greg na nakalapit sa lamesa nila ng di nila namalayan.
" na sana bilis bilisan mong kumbinsihin si Lucia para magpakasal na kayo." sinungaling naman ng ama nito.
Tumawa lang si Greg at saka nila pinagpatuloy ang kanilang date.
![](https://img.wattpad.com/cover/220862406-288-k116989.jpg)
BINABASA MO ANG
Unbroken Promises
RomansaGreg, a politician's grandson, smart, handsome, a man with dignity at Fearless kung anong sinabi niya ay gagawin niya, lahat ng babae ay pinapangarap siya para maging boyfriend pero isa lang ang pumukaw ng puso niya, si Lucia. Makatapos ng Interior...