Chapter 13

116 4 0
                                    

" what's wrong babe?" tanong ni Lucia kay Greg ng tumigil ito.

Tumigas ang anyo ni Greg at umalis sa kama saka umupo ito sa sofa at hinawakan ang ulo saka yumuko.

Agad namang tumayo si Lucia at nilapitan si Greg, hindi niya alam kung may dinaramdam ito kaya binalot niya ang katawan ng kumot at lumapit dito.

" tapos na ang drama Lucia, nakuha mo na ang lahat pero hindi ako, hindi din nagtagal ay nakita ko din what kind of woman are you!" Seryoso ang mukha nito at halatang nagtitimpi sa galit. Natigilan si Lucia sa paglapit kay Greg.

" akala mo hindi ko alam ganon ba? akala mo magpapakagago pa rin ako sayo pero hindi, Akala mo mapapaikot mo ako sa iyong mga palad. Alam ko na ang lahat nakuha mo man ang loob ng lolo at papa pero hindi ako." puno ng pait ang boses ni Greg at nagtitimpi sa galit.

Naluluha siyang tumayo at hinawakan ang kumot para makagalaw siya ng husto.

" Greg, makinig ka sa akin, mahal na mahal kita hindi sa kung ano pa man." Pinilit niyang lumapit dito pero agad itong umiwas at kinuha ang mga gamit saka tumayo at umalis.

" Hindi ko alam kung nagsasabi ka ba ng totoo o hindi, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sayo, I trust you so much to a point na hindi ko nakita kung anong klase ka."

" listen to me Greg please, listen to me.. walang araw na gusto kong..."

" stop it Lucia please, stop it, I don't want to hear anything you want to say." putol nito sa sasabihin niya.

" Greg!! Greg!" umiiyak siyang humabol dito pero ng pababa na ito sa hagdanan ay di na siya tumuloy. Agad siyang pumasok sa kanilang kwarto at nagsuot ng kung anong damit na nakuha niya sa kanyang maleta.

Ni hindi sila nagkalinawagan ni Greg, hindi pinakinggan ang kanyang paliwanag. Balak niyang habulin ito pero narinig niyang pinaandar nito ang sasakyan ng mabilis, umalis ito. Pagpasok sa kanilang kwarto ay lumapit siya sa kama at umupo kung saan nakahiga si Greg, kinuha ang unan na ginamit nito at umiyak ng umiyak.

Hindi niya alam ang gagawin, pinilit niyang pakalmahin ang sarili saka tinawagan ang number ni Greg pero hindi na niya macontact ito, ilang beses siyang nag dial ng nagdial pero parating ang out of reach.

Gustong gusto niyang tumawag sa ina pero ayaw niyang magulat ito,bukod sa nagpapagaling ito sa sakit kaya pinakalma niya ang sarili saka kinatok ang kwarto ng papa ni Greg. Sinabi niya ang lahat ng nangyari sa kanila ni Greg.

" iha, kanina ay kinompronta kami ni Greg, pinipilt naming ipaliwanag ang lahat pero galit na galit ito at hindi nakikinig sa bawat paliwanag namin, iha patatagin mo ang loob mo, kahit anong mangyari asawa ka na ni Greg, hintayin natin siya baka siya'y nagpapalamig lamang."

" saan kaya siya nagpunta?, gusto ko siyang puntahan papa, gusto ko siyang kausapin." nagsusumamo niyang sabi dito.

" galit na galit siya sa akin papa, mapapatawad niya ba ako?" tanong niya dito.

"Mahal ka niya Lucia at alam kung sapat na rason iyon para mapatawad ka niya."

Pagbalik niya sa kwarto ni Greg ay hindi na siya nakatulog pa, hindi siya mapakali at hindi niya alam ang gagawin. Kinaumagahan ay gumising siya ng maaga. Alam niyang matindi ang galit ni Greg, mapapatawad siya kaya nito?.

" papa, I don't know kung mapapatawad pa ako Ni Greg, until now di ko siya macontact, any idea where he is?" desperado niyang tanong dito.

" we still don't know, kinocontact namin ang detective para masundan siya kung saan man siya pupunta, huminahon ka iha, alam namin na mahal ka ni Greg, ikaw ang pag asa namin na magpapatawad si Greg para sayo."

Lumipas ang dalawang linggo mula ng kasal nila, araw araw ay umiiyak siya dahil di pa rin bumabalik si Greg, ang huling dinig nila sa detective ay nasa America si Greg at nag aaral. She heard he's having a luxurious life in America, buying new clothes, expensive cars and living in an exclusive area near the beach.

Di malapitan ng detective, hanggang subaybay lamang ang pwede nilang gawin, hindi ito tumawag sa kanila, no contacts, at alam niyang galit na galit ito lahat sa kanila. Gusto niyang sumunod sa America baka sakaling magbago ang isip nito pag nakita siya pero pinipigalan siya ang papa ni Greg, takot sila sa baka kung anong gawin ni Greg.

They are always telling her to be positive and never lose hope at babalik din si Greg, un ang pinaghahawakan niya, she knows Greg love her so much when they were dating before, she was his world kaya hindi ito nagdalawang isip na pakasalan siya kahit sila ay mga bata pa lamang.

She's hoping one day umuwi ito at pinatawad na sila, na ipagpatuloy na nila ang kanilang married life. When she's looking to their wedding pictures, alam niyang they are very happy, the laugh, the smile and everything about the ceremony pero natapos ang kasiyahan na yun at ngayon ay para siyang nagluluksa sa kalungkutan.

Nobody knows what happen to them, si Mia lamang ang may alam dahil pinagtapat niya dito. Their college friends and relatives know that Greg went to America to study. Yun ang dinahilan nila bagamat may nagtataka kung bakit biglaan, of course Greg's Grandfather ang father know how to reason out.

She knows her fault pero di siya binigyan ng oras ni Greg para magpaliwanag. Nextweek ay papasok na siya ulit sa University, pero ang nasa isip niya ay si Greg.

Araw araw ay hinahaplos niya ang mga gamit at larawan ni Greg, she's now using Greg's room. At mas lalong nagpapahirap sa kanya dahil everything reminds about Greg.

Unbroken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon