Dismayado man siyang hindi nasabi ng papa ni Greg ang gusto niyang sabhin ay rerespetuhin niya kung balak nitong sila ang magsasabi kay Greg.
Katatapos nilang kumain ni Greg at niyaya siyang umupo sa harap ng pool, walang naliligo at may mga ilan ilang lang ang nakaupo din.
" nakalimutan mo ang gusto mong sabihin sa akin babe, what is it?" lambing nito.
" naisip ko lang bakit ako pa rin ang gusto sa dami ng babaeng nagkakagusto sayo?" tanong niya ditong nangingiti.
" dahil I know how pure you are at I know you love me not because of what I have, sapat na bang rason un?"sagot nito sabay kindat sa kanya.
" sapat na sapat, I love you babe." sabi niya dito at siya na nag humalik dito, di niya mapigilan ang kanyang mga luha, dahil sa bigat ng kanyang dibdib.
Naramdaman ni Greg ang luha niya kaya kumalas ito at pinahid ang kanyang luha gamit ang mga kamay.
" may nasbi na akong masama?, please don't cry."
" I'm so happy that I am with you." sagot na lamang niya.
Matagal silang nagyakapan saka siya hinatid ni Greg, hindi niya alam kung paano sasabihin ang lahat.
Dumaan ang mga araw at tuloy tuloy pa rin na matibay ang kanilang relasyon, katatapos na ng kanyang finals at tuluyan ng tumira ang kanyang mama sa Manila, di na kaya ng katawan nito ang magbyahe kaya paminsan minsan ay siya na ang dumadalaw dito. Minsan ay sumama si Greg sa pagdalaw sa Manila, pero tinataon nilang pag malakas ang kanyang mama.
Natuto na rin siyang magtipid at di masyadong gumatos mula ng nalaman niyang hindi na nila pera ang ginagamit niya.
Isang araw ay nagyaya si Greg na magdadate sila sa rooftop ng kanilang hotel. It's their monthsary kaya naghanda pa rin siya. Nagsuot siya ng black dress na hanggang above the knee ang taas saka siya naglagay ng konting make up at medyo mataas na heels.
Sanay na siyang parating may surprise ito tuwing monthsary nila, ni minsan ay hindi ito nakalimot at parating may mga regalo sa kanya.
Pumunta siya agad sa usapan nilang lugar at baka malate siya, pagbukas niya sa pintuan ng rooftop ay nagkalat ang rose petals sa floor, pink at red ang kulay at sa may gilid ay may lamesa at dalawang upuan, dahil alas sais ng hapon ay nakikita ang palubog na araw, napaka romantic ng lugar. May naghihintay namang waiter sa gilid at agad hinila ang upuan ng makita siya.
Umupo naman siya at hinanap ang kanyang cellphone sa pouch niya. Habang nagtatype siya ng message ay may mga pumasok na banda, violin ang hawak ng mga ito at magsimulang tumugtug, naguguluhan siya dahil napakaespesyal ang surprise ni Greg ngayon.
Di niya tinuloy ang pagmessage kay Greg at pinanoud ang banda, napakaromantic pakinggan ang music nito. Saka niya nakitang lumabas si Greg sa pinto, may hawak itong bulalak at kahit ruggedlook ito ay napakagwapo pa rin. Tumayo siya para salubungin ito.
Lumapit si Greg sa kanya at binigay ang bulaklak. Tinanggap niya ito ng buong puso. Akala niya ay uupo na sila pero biglang nag kneel down si Greg, gusto niyang magising sa panaginip.
Humarap siya dito at nagsimulang magsalita si Greg.
"I love you Lucia and I can't wait to be with you for the rest of my life, will you marry me?" tanong nito saka nilabas ang singsing.
" Greg, I love you too at... I want you to..." hindi niya masabi ang nasa loob niya, gusto niyang maging tapat dito pero ng makita niya kung paano siya titigan ni Greg ay tumango siya.
" yes Greg, I will marry you.." sabi niya at humalik siya dito.
Nilagay nito ang singsing sa kanyang kamay at alam niyang espesyal na singsing ito.
" galing yan kay mama at ngayon ay ikaw naman ang magsusuot. Masayang masaya ako na pumayag ka, We are still young but I want you to know that I can't wait to be with you, I will support you with your dreams."
" ako din Greg, bata pa tayo pero gusto kung tuparin natin lahat ng pangarap natin."
Walang kasing saya ang nararamdaman nila at di nagtagal ay plinaplano na nila ni Greg ang kanilang kasal, gusto nilang intimate ang wedding at pagmatatapos na siya sa pag aaral ay saka sila magpakasal ng magarbo.
Gaganapin ang kanilang kasal sa hardin nila Greg, konti ang bisita, ang papa at lolo ni Greg saka ang judge na kilala ng mga ito at si Ken. Sa kanya naman ay ang kanyang mama, si aling Maria at si Mia.
Nakalimutan niya ang kanyang lihim na dapat sabihin kay Greg, si Greg naman ay walang kasing saya sa pagpapakasal nila.
Dumating ang araw na pinakahihintay nila, their wedding day. Naglagay sila ng maliit na stage sa garden at nilagyan ng mga bulaklak at white curtains, saka may mga upuan sa harap at sa gilid ay mesa ng pagkain.
Nagsuot lamang siya ng puting gown na lace, Vneck ang neckline hapit sa katawan saka may nilagay na maliit na flowers at ginawang crown kapartner ng kanyang gown, parang nasa fairytale ang labas ng kanyang itsura.
Sa bahay na nila Greg sila nagprepare ng kanyang mama, yaya at bestfriend na si Mia.
" ang ganda mo friend, sana makahanap din ako ng Greg". biro nito.
" salamat friend, Makakahanap ka din ng own Greg mo."
Ang kanyang mommy at yaya naman ay panay ang iyak ng makita siya. Yumakap siya sa mga ito at sabay sabay silang lumabas sa guestroom.
Paglabas niya sa Garden ay nakita niyang nakatayo si Greg sa gilid ng stage, wearing his black tuxedo, napakgwapo nito sa suot at inayos ang medyo mahaba nitong buhok, gumawa ito ng manbun at lalong mas lumakas ang dating nito, sa gilid nman ni Greg ay nakatayo ang papa nito, ang lolo at si Ken saka sa kabila ay si Mia at ang kanyang yaya.
Napakaromantic at very solemn ang kanilang kasal , mabilis lamang ang kanilang palitan ng vow pero ramdam nila sa isa't isa ang bawat salitang sinabi nila sa isa't isa, puno ng pagmamahal. Di nagtagal ay hinalikan na siya ni Greg sa labi patunay na kasal na sila.
BINABASA MO ANG
Unbroken Promises
RomanceGreg, a politician's grandson, smart, handsome, a man with dignity at Fearless kung anong sinabi niya ay gagawin niya, lahat ng babae ay pinapangarap siya para maging boyfriend pero isa lang ang pumukaw ng puso niya, si Lucia. Makatapos ng Interior...