Kinoah's POV
"Gusto pa rin kita, Bianca," walang pag-aalinlangan kong pag-amin matapos siyang hilahin pasandal sa pader.
"K-kinoah." Tinanggal niya ang pagkakakulong niya sa akin at mabilis na tumalikod.
"I'm s-sorry, hindi ko pa alam. Natatakot ako, hindi ako handa."
Narito na ako sa kuwarto ko, nakahiga at kanina pang nakalutang ang kaisipan na wari mo'y nakatingin sa kawalan.
Patuloy pa rin kasing bumabalik sa akin ang senaryong nangyari kanina sa pagitan namin ni Bianca. That's not only the first time I confessed to her. At ito na ang pangalawang beses na ni-reject niya ako.
Three years ago, umamin ako sa kaniya, but she rejected me because that time, she already like someone else. Naging sila pa ng taong gusto niya, but their relationship failed. And now, after all, it's still her.
Alam ko nagsisimula na siyang magustuhan ako. She's just afraid because of her past relationship. Syempre, sino bang hindi matatakot? Alam naman natin na kadalasang isinasarado natin ang ating puso sa iba oras na maloko na tayo ng isa.
At ngayon, kung iyon lang ang dahilan niya, ako na ang gagawa nang paraan.
I will make her jealous.
Alam kong gusto niya rin ako ayaw niya lang umamin and in this way nagbabakasakali ako.
At syempre, hindi ko magagawa 'yon ng wala ang tulong niya. That's why I asked for Avirille's help.
Late na akong nagising kaya heto ngayon si Avirille, masama ang tingin na sa akin habang ako ay kumakain na akala mo'y mangangain.
“Puwede ka namang mauna na kung gusto mo,” pagpansin ko sa kaniya dahil halata namang gusto niya ng umalis. Natawa pa ako ng bahagya pero agad ko rin iyong pinigilan dahil sa nakaabang na mata ni Avirille. Hindi ko rin naman talaga alam na tatanghaliin ako ng gising.
“Kung puwede nga lang hindi na ako mag-aabalang parati kang hinatayin,” walang emosyong sagot nito.
Hindi na ako nagsalita pa at binilisan na ang pagkain kasunod ang pag-aayos ng sarili.
Alas-nuwebe nang makarating kami sa University kaya naman wala ng estudyante ang nasa labas.
Mabilis na lumabas si Avirille sa kotse at iniwan ako. Halatang asar sa'kin. Napatawa na lang ako at sinundan na lang siya.
“Avi,” tawag ko sa kaniya. Hindi ako sumigaw dahil malapit lang ang agwat namin sa isa't isa. Huminto siya at lumingon sa'kin.
“She's here.”
“Sino?” Nagpalingon-lingon pa siya para hanapin kung sino ang tinutukoy ko.
Humakbang naman ako papalapit kay Avirille at hinawakan ang kamay niya. Doon niya rin nakita si Bianca, makakasalubong namin siya.
“Ready?” sambit ko at nagsimulang maglakad habang kahawak kamay pa rin si Avirille.
“Ang lambot talaga nang kamay mo, ang sarap hawakan.”
“Syempre naman.” Nagtawanan kami hanggang sa malagpasan namin si Bianca. Pansin ko ang paghinto niya sa paglalakad kaya napangisi ako.
“Good job, Avi.”
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room agad kong nilingon ang likuran ko, nagbabakasakaling nakasunod na si Bianca, but I found her nothing.
Lumipas ang isang subject at ngayon ay recess na pero hindi pa rin siya bumabalik. Nasaan na siya?
BINABASA MO ANG
MARRYING HIM [ COMPLETED ]
RomanceSi Avirille Salamanca ay isang graduating college student at nasa edad na dalawampu't isang taong gulang. Sa edad niyang iyon madalas sabihin sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigan na natagpuan niya na ang the one niya dahil ayon sa sabi-sabi, ba...