CHAPTER 29

455 18 2
                                    

Avirille's POV

Dapat kanina pang nagsisimula ang seremonya ng kasal pero hanggang ngayon hindi pa rin nasisimulan dahil hindi pa dumarating si Kinoah.

Ano pa bang pinaggagawa nila? Si Justin, Levi at Kiluah wala pa rin samantalang na'ndito na ang lahat. Tanging silang apat na lang ang kulang.

Dapat nga mas nauna silang makarating dito kaysa sa'kin na bride eh.

"Mag-intay pa tayo ng kaunti, iha. Baka malapit na silang matapos," pagpapakalma sa akin ni Tita Khalil.

Wala silang alam sa kung anong nagyayari sa bahay nila dahil nagkaroon din sila ng sleep over magbabalae sa Rest House nina Mom and Dad.

"Puntahan ko na po kaya sila?" usal ko dahil makukulangan na kami sa oras.

At isa pa, kinakabahan ako. Hindi kaya may masamang nangyari sa kanila?

Hindi na ako nagpaatubili pa at lumabas sa simbahan.

"Pupuntahan ko lang po sila!" sigaw ko bago pa man makalabas. Diretyo akong pumasok sa kotse kung saan dapat sasakyan pa lang namin kapag natapos na ang kasal.

Itunuro ko sa driver ang daan papunta sa bahay nina Kinoah at sa ilang minutong byahe nakarating din kami.

Dali dali akong lumabas at tumakbo papasok. Mahirap para sa'kin ang tumakbo dahil sa suot kong gown, but I still managed to dahil gusto ko ng malaman kung ano pa ba ang pinaggagagawa nila.

"Kinoah?"

Walang sumalubong sa'kin sa sala. Hindi man lang ako nakakita ng kahit anino ng isa sa kanila.

Nagsimula akong humakbang paakyat. Baka nasa itaas sila o kaya nasa kuwarto pa rin ni Kinoah.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa direksyon kung nasaan ang kuwarto ni Kinoah. At nang makarating ako sa pinto nito nakita ko sa bandang baba ang isang bagay na hindi kanais-nais sa paningin ko.

Kasabay noon ang pagbukas ng pinto at pagluwa kay Kinoah. Bagong gising lang siya at nakahubad pa. He only wears a boxer.

Kita ko ang pagkagulat niya lalo ng makita niyang nakatitig ako sa bagay na nasa ibaba. Isa 'yong bra.

Doon na ako nawalan ng lakas. Tama nga ba ang iniisip ko? Sumikip bigla ang dibdib ko at 'di napigilan ang pamumuo ng luha sa mata ko.

He was about to speak when I ran down stairs. Nakasalubong ko pa ang tatlo; Kiluah, Justin at Levi. Lahat sila ay gulat na gulat.

Rinig ko pang tinawag ako ni Kinoah pero hindi ako nito napahinto. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ulit ako sa kotse.

"Balik na tayo sa simbahan," walang emosyon kong utos na sinunod naman ng driver.

Buong byaheng patuloy sa pag-agos ang luha ko. Ngayon pa siya nagloko? Ngayon pang ikakasal na kami? Fvck!

"Hindi na matutuloy ang kasal. Puwede na kayong umuwi lahat," saad ko. Wala pa rin akong emosyon. Nasasaktan ako. Oo, sobra.

"T-teka iha, bakit?" tanong sa'kin ni Tita Khalil.

"Tita, you should ask your son."

Bigla silang natahimik sa sinabi ko.

"Avirille, anong nangyari?" tanong naman ni Cahill na katabi ngayon si Bianca. Mukha silang nag-aalala maging ang mga taong naririto; nagtatanong ang mga mata.

Pumunta na lang ako sa unahan ng simbahan at nagsalita.

"I'm sorry po pero hindi na po matutuloy ang kasal. Thank you sa pagpunta. You can now leave. Pasensiya na po sa abala. That's all."

Kita ko ang pagkaguho ng mundo sa mukha sa parents ni Kinoah maging sa parents ko.

"Avirille baka naman puwede natin 'tong pag-usapan," pang-aamo ng Dad ni Kinoah.

"Ano bang nagyari?" Kinoah's Mom added.

"Anak," tawag pa sa'kin ni Mom. Nakaguhit ang pagkalito sa mukha.

I just bitterly smiled, "I-I'm sorry p-po." I sob. "A-ng sakit po eh."

Matapos 'yon ay tumakbo na ako palabas. Hindi na ako nag-abalang magpaliwanag pa. I left them with their mind in chaos. Hindi ako umuwi sa bahay dahil alam kong kukulitin nila ako.




Kinoah's POV

"La... got," mabagal na pagkakasabi sa'kin ng kakambal kong si Kiluah matapos masaksihan ang nangyari sa pagitan namin ni Avirille.

At may gana pa talaga siyang mang-asar.

"Sundan mo na, pre," usal naman ni Justin. Wala na akong panahon para pagbabatukan sila dahil sila ang may kagagawan ng lahat.

Oo, sila ang dahilan ng lahat. May dala pala silang mga panloob ng babae kagabi at habang tumitingin kami sa pictures ng mga babae bigla na lang nambato si Kiluah at Levi ng bra and panties at iyon ang dahilan kung bakit hindi ko rin sila kasama sa kuwarto. Pinagtulakan ko sila palabas dahil ayaw nilang tumigil sa pambabato tapos nakisali pa si Justin. Hindi ko naman alam na kumalat pala ang mga iyon pati sa labas ng kuwarto. Inabot din kami ng ala-singko kaya late kami nagising.

Agad akong bumaba at naligo kasabay ng pag-aayos sa sarili. Sinuot ko na rin ang suit ko para sa kasal. Doon na lang ako magpapaliwanag.

Wala na akong nadatnang tao sa simbahan kundi ang parents namin ni Avirille kasama na sina Bianca at Cahill.

Mayamaya pa ay dumating na rin sina Kiluah, Levi at Justin na nakaayos na rin.

"N-nasaan na ang mga tao? S-si Avirille po?"

"Ano bang ginawa mo, Kinoah? Bakit bigla na lang pinatigil ng anak namin ang kasal?"

Pinatigil? Fvck no! Hindi ito puwedeng mangyari.

"Nasaan si Avirille?" iyon na lamang ang kumawala sa bibig ko.

"Umuwi na siya."

Halos maging si excelerate ako sa pagtakbo para makapunta sa bahay nina Avirille. Hindi puwedeng matigil ang kasal! Hindi ako papayag.

Wala akong Avirille na nakita at nadatnan sa bahay nila. Tinawagan at tinadtad ko na siya ng text pero wala akong nakukuhang reply at walang sumasagot.

Bumalik ako sa simbahan at naabutan ko pa ring na'ndoon sila. Sinimulan kong ikuwento sa kanila ang pangyayari at kung bakit bigla na lang naging gano'n si Avirille na humantong sa pagpapatigil niya sa kasal.

I told them na wala si Avirille sa bahay at hindi ko ito ma-contact.

Tinry din nilang lahat na i-contact si Avirille pero tulad ko walang sumasagot. Lahat kami ay nag-aalala na kaya naisipan naming hanapin na si Avirille. Naghiwa-hiwalay pa kami at inisa-isa ang mga lugar na maaaring puntahan ni Avirille, but we found nothing.

Shit. Where the hell in this part of the world is my baby are? Damn it. Nag-aalala na ako sa kaniya.

Inabot kami ng gabi sa paghahanap kay Avirille. Ang iba ay nagsiuwian na dahil sa pagod. Ang sabi naman sa'kin ng parents ni Avirille, siguro ay uuwi rin daw ito kapag ayos na.

Sa ngayon ang magagawa na lang daw muna namin ay maghintay, baka kailangan lang daw nito ng katahimikan muna.

Is she really mad at me? Sa tingin niya ba magagawa ko pang magloko sa kaniya?

Is that what she really thinking?

MARRYING HIM [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon