Avirille's POV
I've been staring at the sky for almost ten minutes, watching how stars sparkling and how the moon shines to lighten up the darkness.
Narito ako sa veranda ng rest house na tinutuluyan namin ni Kinoah. Alas-onse na ng gabi but I'm still here, awake and alive.
Wala na rin sila dito at tanging kami na lang ni Kinoah ang natira. Ang sabi kasi nila paniguradong magiging busy na kami sa mga susunod na araw kaya ngayon pa lang mag-enjoy na kami na kaming dalawa lang habang hindi pa kami mag-asawa.
Napatitig ako sa singsing na nakasuot ngayon sa kamay ko. Hindi pa ako nakuntento at itinaas ang kamay ko saka ulit ito tinitigan.
Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging ganito rin kaayos ang lahat.
I never thought that the man who always mocking me are the one I'm going to marry. Hindi ko akalain na ang taong nakilala ko simula noong labing-anim na taon palang ako at ang nakasama ko sa loob ng limang taon ay ang taong makakasama ko habambuhay. Hindi lang basta makakasama kundi makakasama sa pagbuo ng pamilya.
Napansin ko naman na maunti ang stars sa kalangitan. May naalala ako bigla.
"Bakit gising ka pa?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Kinoah. Bigla siyang umupo sa tabi ko.
I smiled.
"Hindi ako makatulog. Akala ko tulog ka na?"
"Nagising ako."
"Oo, halata nga." I laughed.
Mayamaya pa'y hinawakan niya ang kamay ko at ako naman sumandal sa balikat niya.
"Ang unti ng stars 'no?" sambit ko.
"Ibigsabihin, malaki ang chance na babagsak ang ulan at kaunti ang chance na ito'y mapipigilan."
Napa-angat ang ulo ko sa sinabi niya at napatitig sa kaniya.
"Parang 'yong feelings ko sa'yo no'ng nagsimula," he added.
I'm stuck. Alam ko na ang ibig niyang sabihin.
"When your feelings towards a person got started, it will be harder for you to prevent yourself from falling." He paused.
I just smiled. Alam kong itutuloy niya ang sasabihin niya kaya naman nang ibuka niya ang bibig niya ay sinabayan ko siya.
"Few stars refers to one's feelings and supposedly rain refers to the stage where you are already falling."
Magkasabay namin iyong sinabi. Kita ko rin na gulat siya.
Alam ko iyon dahil sinabi na sa akin ni Kiluah iyon before. Alam pala nila parehas 'yon, talaga ngang magkambal sila haha.
"A-alam mo 'yon?" mabilis niyang tanong.
"Yes."
"Saan mo nalaman?"
"Ikaw sa'n mo natutunan 'yan?" balik na tanong ko.
"Kay Mama, bata pa lang kami ni Kiluah sinabi niya na 'yan sa'min. Paulit-ulit pa nga kaya nasaulo ko na."
Oh. I see, kaya pala.
"Ikaw?"
"Basta haha." I laughed at pagkatapos ay ikinulong niya ako sa kaniyang bisig.
Sobrang saya ko ngayon na hindi ko na kaya pang maipaliwanag. All I know is I feel secured in his arms.
"Aaaa aray!" sigaw ko nang madanggi ang sugat ko. Oo nga pala! Nadapa ako kanina sa kakahuyan. Nakalimutan kong may sugat pala ako.
BINABASA MO ANG
MARRYING HIM [ COMPLETED ]
RomanceSi Avirille Salamanca ay isang graduating college student at nasa edad na dalawampu't isang taong gulang. Sa edad niyang iyon madalas sabihin sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigan na natagpuan niya na ang the one niya dahil ayon sa sabi-sabi, ba...