CHAPTER 21

446 17 5
                                    

Kinoah's POV

Natapos lang ang maghapon na kasama ko si Bianca. Paano ba naman ay pinilit kaming pagtambalin ng committee. Kahit ayaw ko ay wala na rin akong nagawa kundi ang hayaan siyang sumunod nang sumunod sa'kin.

Ang mga estyudante kasi sa magkatabing room which is room ko at ni Bianca ang naka-assign para mag-asikaso sa magaganap na School Party isang linggo mula ngayon.

Nakasalubong namin si Avirille at nang makita kong kasama niya si Justin tumalikod ako at hinila ko si Bianca palayo sa kanila. Kahit na sinabihan ko si Bianca na bukas na namin asikasuhin lahat ay pumayag na ako na ngayon na simulan.

“Wala ka na ba talagang balak kumilos, Kinoah?” tanong ni Justin. Narito pa rin ako sa condo niya.

Tumunog naman ang cellphone ko hindi pa man ako nakakasagot kaya lumabas ako.

“Hello?”

“Kinoah anak. Nalaman kong wala ka na sa bahay nina Avirille at uuwi ka na dito. Nasaan ka?”

“Ma, uuwi rin ako. Dito po muna ako sa kaibigan ko.”

“Oh ibaba ko na, dumating si Avirille.”

Napatingin ako sa cellphone ko ng patayin na ni Mama ang tawag. Si Avirille pumunta sa bahay? Bakit?

Walang ano-ano'y pumasok ulit sa loob ng condo at kinuha ang susi ng sasakyan ko. Nagtatanong ang tingin ni Justin pero hindi ko iyon sinagot.

Tinigil ko ang sasakyan ko sa 'di kalayuan sa bahay pero hindi mo pa rin magagawang matanaw kung nasa bahay ka. Bumaba ako at naglakad palapit sa gate. Nakita ko si Avirille at Kiluah na magkasama, nakatitig sa isa't isa.

Sa sandaling 'yon para bang nakaramdaman ako ng pagkabigo. Hindi ko tiyak kung anong nararamdaman ko pero nagawa nitong pakuyumin ang kamao ko at pag-igtingin ang panga ko. Tumalikod na lang ako at sumakay sa sasakyan ko para bumalik sa condo ni Justin.

Kinabukasan, hindi na ako nagulat na makitang magkasama si Avirille at Kiluah na suot rin ang school uniform namin. Pinili kong maging kalma at naglakad palayo na parang hindi sila nakita.

“So dito na papasok ang kambal mo?” tanong ni Bianca. Oo nga pala at kasama ko na naman siya ngayon.

“Mukha namang ayos silang dalawa ni Kiluah at Avirille sa isa't isa. Diba?” mapang-asar nitong dagdag.

Hindi ko na lang siya sinagot at mas binilisan ang lakad.

Isang linggo na ang nakalipas. Still the same, umiiwas lang ako kay Avirille. Hindi ko na nga pala siya nakakausap.

Nakauwi na rin ako sa bahay napag-alaman ko kasing nakatira na ngayon si Kiluah sa bahay nina Avirille.

Ngayon na ang School Party namin at maya maya lang ay magsisimula na ito. Ayon sa mga napag-usapan ng committee ang lahat ay kailangang rumampa sa stage kasama ang kani-kanilang partners. At iyon ang pagsisimula at hahayaan na nila kami sa kung anong gusto naming gawin.

Nagsimula na silang umakyat sa stage. Habang ako nanonood lang.

“Sino bang partner mo, Kinoah?” tanong ni Bianca na katabi ko ngayon.

“Wala akong balak umakyat diyan.”

“Wala kang partner 'no? Hindi ka naghanap?” tinitigan ko lang siya at nag-alis din ng tingin.

“Akyat tayo, wala rin akong partner,” dagdag niya.

Napatingin naman ako sa stage ng maghiyawan ang mga tao at doon ko nakitang si Kiluah at Avirille pala ang sinisigawan nila.

MARRYING HIM [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon