CHAPTER 5

602 39 3
                                    

Kinoah's POV

Pagkalabas namin sa restaurant ay huminto si Bianca sa likuran nang pader na hindi kalayuan sa paradahan.

“I-I'm sorry, Kinoah. Naaalala ko siya. Hindi ko pa kayang makisama sa kapatid niya,” she sobs.

I immediately went towards her to comfort her.

“I understand. Gusto mo na bang ihatid na kita? Magpahinga ka muna.” Bigla siyang tumayo at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay hinalikan niya ako sa aking labi.

In a snap, I found myself kissing her back. Mayamaya ay nakita ko ang Mom ni Avirille na papalapit sa direksyon namin na mukhang nakita na ako.

Hindi ko magawang bumitaw sa halik dahil sa oras na gawin ko iyon, makikita ni tita si Bianca.

Bigla namang nahagip ng paningin ko si Avirille na sa tingin ko ay papunta sa paradahan. I immediately cuffed Bianca's neck at sa pagbagsak niya agad kong hinila si Avirille ng mabilis at isinandal sa kabilang pader saka madaliang hinalikan.

Mabuti na lang at hindi nahalata ni Tita April ang mga pangyayari.

Kakauwi ko lang dahil inihatid ko pa si Bianca pauwi sa kanila. I just told her na nahimatay siya idinahilan ko na rin ang masama niyang pakiramdam kung kaya't siya'y nahilo.

Nahagip agad ng paningin ko si Avirille. Nakasuot na siya ng pantulog. Mabilis siyang nag-iwas tingin sa'kin at ibinalin ang pansin sa pagpunta sa kusina.

Napayuko na lang ako. Hindi ko siya masisisi kung naiilang man siya ngayon sa'kin, siguro bukas ay lalaon din iyon.

Nagpatay malisya na lang ako at umaktong parang walang kakaibang nangyari para ng sa ganoon ay mabawasan ang bigat ng atmosphere.

“Hindi pa ba dumadating sina tita?” tanong ko kay Avirille na nasa tapat ng refrigerator.

“H-hindi pa. Mamaya baka dumating na rin sila.” She smiled, widely.

Bago yata 'to ah? Si Avirille sumasagot ngayon sa'kin ng maayos?

“Hinatid ka ni Justin?” sunod na tanong ko, pilit ko pa ring inaalis sa kaniya ang pagkailang. Hindi pa rin ako sanay na ganito siya, dapat nga sa mga oras na ito ay nagbabangayan na kami.

“O-oo.”

Sandali pa'y dumating na sina Tita at Tito kasama ang dalawang hardernero. Teka bakit sila na'ndito? Ang alam ko ay bukas pa ang duty nila at isa pa, gabi na.

“Yong mga sinabi kong gamit na kailangan ni Avirille pakilipat sa kuwarto ni Kinoah. Salamat.” Agad namang sumunod si Manong Ben at Ricky matapos i-utos 'yon ni Tita April.

“T-teka, Mom ano pong inuutos niyo sa kanila?” pagtatakang tanong ni Avirille. Maging ako ay naguguluhan.

“Oh, iha at iho na'ndiyan na pala kayo”  nakangising sambit ni tita.

“M-mom! Dad! Bakit po nila dinadala sa kuwarto ni Kinoah ang mga gamit ko?” kuwestyon ulit ni Avi.

“Simula ngayon hindi mo na gagamitin ang kuwarto mo. And oh oh, don't dare to disobeyed me,
wala ka ng magagawa, ila-lock ko na ang pinto ng kuwarto mo," sagot ni tita kay Avi.

“Mas maganda kung nasasanay na kayong magkasama,” dagdag naman ni tito Ryan.

Nagkatinginan naman kami ni Avirille. Kita ko ang pagkabilog ng kaniyang maliliit na mata at ramdam ko ang kaba niya.

“Mom! Huwag niyong sabihing---”

“Yes! From now on, sa kuwarto ka na ni Kinoah matutulog.”

MARRYING HIM [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon