Kinoah's POV
Maaga raw na umalis si Avirille sa bahay kaya wala siya ngayon. Hindi naman nito sinabi ang dahilan.
Paalis na sana ako ng maalala ko ang nangyari kagabi. Since Avirille is not here kakausapin ko muna si Tita ng kahit ako lang mag-isa.
“Tita?” tawag ko kay Tita April na nasa kusina.
“Yes Kinoah?"
“Hindi ko po alam kung saan niyo nalaman na nagpapanggap lang kami ni Avi, pero gusto lang po akong sabihing huwag niyo na pong itigil ang pagpapakasal sa'min ni Avirille.”
“B-bakit?"
“Gusto ko na po ang anak niyo,” taas noo kong tugon.
“P-pero si Kiluah ang gusto ni Avirille at siya na ulit ang fiancé niya.”
“S-si Kiluah?”
"Oo, iho, ang kakambal mo. Siya ang tunay na fiancé ni Avirille at siya ang nagkuwento sa'min lahat."
Hindi ako ang fiancé ni Avirille.
Iyan na lang ang tumatakbo ngayon sa utak ko dahil napag-alaman kong ang kakambal ko, siya pala dapat ang ipapakasal kay Avirille kung hindi lang ito tumakas.
Gusto ni Avirille si Kiluah? At saan naman nila nahagip ang bagay na 'yon?
I need to talk to Avirille about this. And also Kiluah. Kung gusto niya mang bawiin sa'kin si Avirille... I will not let him.
Hinanap ko agad si Avirille nang makarating sa School pero wala siya. I also asked Cahill pero wala naman siyang alam, hindi pa niya raw ito nakikita.
So I just texted Avirille and luckily she replied. Ang sabi niya may pinuntahan lang siya saglit dahil siya ang bibili ng materials for the experiment na gagawin nila sa isang subject.
Recess. Pumunta ulit ako sa classroom ni Avirille.
“Wala pa rin si Avirille?” I asked Cahill who is sitting at the back.
“Wala pa eh.”
“Anong oras ba 'yong experiment niyo?”
“Experiment?” asked Cahill with her face wondering.
“Yes?”
“Anong experiment? Wala kaming experiment ngayon 'no."
“W-wala?”
“Oo. Ano bang sinasabi mo?”
Wtf. So where she is? Mabilis kong nilisan ang classroom na iyon at iniwan si Cahill.
I also took my cellphone and dialed Avirille's number. Nakailang tunog na ito pero wala pa ring sumasagot kaya pinatay ko na lang.
Palabas na sana ako ng school para hanapin siya ng may tumawag sa pangalan ko mula sa likod.
I taken a back and there I saw her, Bianca.
“What do you want?” I asked her directly. Narito ulit kami sa likod ng building.
“K-Kinoah...” She hugged me so tight. “Please give me another chance. I like you and am now starting to love you.”
Napako lang ako sa kinatatayuan ko. Mayamaya ay hinawakan niya ang mukha ko at akma niyang hahalikan ng pigilan ko siya.
Aalis na sana ako para iwan siya nang mapatigil na naman ako.
“Dahil ba kay Avirille?” She paused. “Hindi na tuloy ang pagpapakasal sa inyo diba? Si Kiluah ang tunay niyang fiancé! At mas mabuting hayaan mo na sila.”
BINABASA MO ANG
MARRYING HIM [ COMPLETED ]
RomanceSi Avirille Salamanca ay isang graduating college student at nasa edad na dalawampu't isang taong gulang. Sa edad niyang iyon madalas sabihin sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigan na natagpuan niya na ang the one niya dahil ayon sa sabi-sabi, ba...