CHAPTER 28

453 20 3
                                    

Kinoah's POV

Pagkauwing pagkauwi namin ni Avirille agad na sumalubong sa'min sina Tita April.

Hindi pa man kami nakakapagpahinga ay madali nila kaming pinagbihis dahil pupunta raw kami sa botique ng kaibigan niya kung saan doon sila magpapagawa ng wedding gown ni Avirille. At ako naman kailangan ng bumili ng suit at ng iba pang mga dapat bilihin.

Kailangan na raw kasing asikasuhin dahil sa isang buwan graduation na at kinabukasan noon ay ang kasal.

Buong maghapon na abala kami sa pag-aasikaso hanggang sa wakas! Natapos na rin.

Kinabukasan ay back to normal ang lahat. Oo, hindi pa naman settled ang patungkol sa mga dapat ayusin sa kasal pero bahala na roon ang parents namin habang kami ni Avirille ay babalik ang focus sa pag-aaral lalo na ngayon at matatapos na ang School year.

"Ang bilis ng panahon 'no?" Gumuhit ang ngiti sa aking labi ng biglang magsalita si Avirille.

Magkasama kami ngayon dito sa resting area ng School since lunch naman at tapos na rin pala kaming kumain.

"Dati wala ka pa sa'kin ngayon na sa'kin ka na."

Nanliit ang mata niya sa sinagot ko. Tumawa lang ako at sunod ay hinawakan ko ang kamay niya.

"Baby," Napaistatwa ako ng banggitin niya 'yon. Hindi ko talaga alam kung bakit ang laki ng epekto sa'kin ng simpleng pagtawag niya sa'kin ng 'Baby'. Damn it.

"W-wala na 'y-yang epekto sa'kin," matikas kong sambit pero binigyan niya lang ako ng hindi naniniwalang look.

"Weh?"

"Hindi ako nagiging mahina, kahit pa tawagin mo akong b-baby."

"Baby. Baby. Baby," sunod sunod niyang pagtawag sa'kin kaya naman heto ako ngayon hindi na makagalaw habang patuloy ang paglagok at pagtulo ng pawis.

Humagalpak na naman ulit siya ng tawa.

"Hindi pala ha." Damn she's teasing me.

"Baby—" Napahinto siya sa pagsasalita ng mabilis kong inilapat sa bibig niya ang labi ko kasunod noon ang pagkagat ko rito.

"Fvck Kino! Anong ginawa mo!"

"Ang daldal mo kasi."

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya at tinitigan ang labi niya.

"It's bleeding. You Kino!" Magkasalubong ang kilay niya na nakamata sa'kin. Sinisisi niya ako eh siya naman may kasalanan.

"Lagyan ko kaya nang alcohol 'yan? Para tumahimik ka na?" Lalo niya lang akong pinanglisikan ng mata.

"Joke. Halika na nga, mag ta-time na oh." Hinila ko siya ngunit sadyang matigas ang ulo niya dahil hindi siya natayo sa kinauupuan niya.

Napilitan tuloy akong buhatin siya.

"Ano ba Kino! Ibaba mo nga ako!" pagpupumiglas niya.

Hindi na ako nagsalita pa at patuloy lang na naglakad hanggang makaabot kami sa classroom niya. Doon ko na lang siya binaba. Usapan tuloy kami ng mga estudyante rito.

Days and weeks has been passed at ito na ang araw na isa sa pinakaimportante sa buhay ng isang estudyante; ang graduation.

Suot ang itim na toga kasama ang itim na graduation gown magmamartya kami pataas ng stage.

Napatingin naman ako sa babaeng katabi ko ngayon; si Avirille. Nakakatuwa lang na magkasabay kaming ga-graduate.

Ginala ko ang mata ko at naabot ko rin ng paningin ko sina Justin at Bianca, oo nga pala at sila na. Sumunod ay si Kiluah na puro babae pa rin ang libangan. At si Cahill na jolly pa rin pero lately lagi siyang nahuhuli sa'min dahil may iba na  ring pinagkakaabalahan. Ang alam namin ay may manliligaw na siya.

MARRYING HIM [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon