CHAPTER 30

516 18 1
                                    

Avirille's POV

Kung kahapon ay sobrang saya ko at excited dahil sa kasal, ngayon naman ay sobra akong wasak.

Akala ko hindi na siya magloloko eh. Akala ko matino siya. Paano niya nagawa 'yon sa'kin? Buti nakatulog pa siya at talagang sarap na sarap sa tulog kaya na-late? Haha. Tangina ang sakit.

Parang gusto ko na lang maglaho bigla kesa laging tumakbo sa isip ko na may kasama siyang babae buong gabi at nagsalo sila sa iisang kama.

Iniisip ko pa lang na nagdikit ang balat nila para ng sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit. 'Yon pa kayang ginawa nila ang bagay na 'yon?

Ang bagay na 'yon!?

"B-Bakit ngayon pa?"

Napasigaw na lang ako dahil sa sakit. Dito man lang mailabas kong lahat ng nasa loob ko. Narito ako ngayon sa favorite place ni Kinoah; kung saan siya nangako na ang unang babaeng dadalhin niya rito ay ang babaeng pakakasalan niya. Tahimik at magaan sa pakiramdam ang lugar na ito kaya pinili kong dito muna magpunta.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at kung minsan ay humahagulgol pa. Mabuti na lang at walang nagpupuntang tao rito.

Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko pero hindi ko man lang iyon binibigyang pansin. Alam kong sila 'yon at ayokong may makausap habang ganito pa ang pakiramdam ko. Gusto ko munang matahimik at mapag-isa.

Inabot ako ng gabi sa pag-iyak dito. Napatingin na lang ako bigla sa engagement ring na suot ko. Dapat sa harap pa ito ng altar tatanggalin at papalitan ng marriage ring at dapat si Kinoah ang gagawa noon pero sa ngayon parang nadadala ako ng emosyon upang alisin na 'yon sa daliri ko.

Akma kong aalisin ang singsing sa daliri ko nang makarinig ako ng isang boses.

"Avirille."

Ang boses na iyon. Ang malamig at walang emosyong boses na 'yon. Kilalang kilala ko kung kanino galing.

Napatingin ako sa tagiliran ko at hindi nga ako nagkakamali. Si Kinoah.

"Avirille, let me explain."

Sumikip ang dibdib ko nang sabihin niya ang mga salitang 'yon. Explain? Ano? Nainip na siya at hindi niya na mahintaypa ang aming kasal kaya naghanap siya ng ibang babae?

"I-Iwan mo na ako, Kinoah."

"Avirille, pakinggan—"

"Ano? Ano pa bang dapat kong malaman? Ayoko ng maalala, Kinoah dahil ayokong alalahanin kasi m-masakit. S-sobrang s-sakit." I sob.

Tumayo ako at akmang iiwan siya ng yakapin niya ako.

"Pagpaliwanagin mo muna ako, Avirille," he whispered. Pakiramdam ko pa ay napapangiti siya.

Masaya ba siya? Masaya ba siya na hindi na kami ikakasal? He's really imposible.

Itinulak ko siya at sa oras na 'yon nakahanap ako ng tyempo para makatakbo.

"Avirille!" paghabol niya sa'kin. Malapit niya na akong maabutan kaya kahit ayaw ko pinilit kong sabihin ang salitang 'yon kahit labag sa kalooban ko.

"Baby, stop."

Kita ko kung paano siya naistatwa. Lalakad na sana ulit ako ng bigla siyang humakbang. Kailangan ko ulit siyang patigilin. Tama, tatawagin ko ulit siya sa ganoong tawag.

"Baby!"

He stopped again, but later gumalaw ulit siya palapit sa'kin.

Paatras ako habang paabante siya.

MARRYING HIM [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon