Kiluah's POV
Napangiti na lang akong mag-isa sa loob ng café habang pinagmamasdan si Avirille na mabilis na naglalakad palabas.
She's really interesting. Hindi ko lubos akalain na ang babaeng tinakasan ko noon ay magiging ganito ang epekto sa'kin ngayon, kung alam ko lang... sana pala hinarap ko na lang.
I still remember, that was her 16th birthday and supposedly the day they will introduce me as her so called 'kinakapatid' for they say, para hindi mabigla si Avirille tutal kapag nangyari ang pagpapakilala between us doon na ako titira sa bahay nila. And if we got the closure they have wishing for, then that's the right time to reveal that Avirille is already engaged to be married with me.
FLASHBACK
“Kiluah and Kinoah. Prepare yourself. Pupunta tayo sa Family Salamanca,” utos sa'min ni Mom. Kakauwi pa lang namin dito sa Pilipinas from States.
Ito na ang araw na pinakaayaw kong mangyari dahil ito na ang araw na maninirahan ako sa bahay ng Family Salamanca.
Mom told me everything, that I am already engaged with Mrs. April Salamanca and Mr. Ryan Salamanca's one and only daughter, Avirille Salamanca.
Sabi ni Mom, walang alam si Avirille tungkol dito. At sinabi niya sa'kin lahat dahil alam naman daw niya na wala itong epekto sa'kin lalo pa at magaling akong makisama sa babae. Bukod ro'n, sabi niya rin, wala ring alam ang parents ni Avirille na sinabi niya sa'kin lahat.
Kung ipagkakasundo lang ako sa isang kasal wala namang problema sa'kin but the fact na maninirahan ako sa bahay ng babaeng 'yon? Parang ang aga ko naman yatang natali.
I am only 16 years old!
“Kiluah please behave. Oras na ipakilala ka namin bilang kinakapatid ni Avirille, you should act like one. Huwag mong sasabihin na fiancé ka niya. May tamang oras para roon,” pagpapaliwanag sa'kin ni Mom habang katabi ko siya sa likuran kotse.
On the way na kami papunta sa Family Salamanca at ito rin ang araw ng kaarawan ni Avirille. I just smiled as a response.
Ako 'yong tipo na kalma lang sa lahat nang nagyayari kaya siguro ako ang piniling ipagkasundo kaysa sa kakambal kong si Kinoah.
But I don't want responsibilities lalo na at sa sitwasyon ngayon. And because I have one word of course I will stand for it. Masyado silang maaga at ayokong manirahan sa bahay ng Family Salamanca tapos may responsibiladad pang dinadala. Umaktong kinakapatid ni Avirille para mapalapit siya sa'kin ng mabilis? Lol. At my age I should just calm and think what's only for myself.
So yeah, I have made my decision. Tatakas ako.
Narito na kami sa bahay ng Salamanca's Family at napakaraming tao.
Nasa unahan ko si Mom habang katabi ko si Kinoah. Napangiti ako mukhang hindi papalya ang balak ko.
Kilalang kilala ko si Mom and Dad ayaw na ayaw nilang napapahiya kaya oras na tumakas ako at wala silang maipakilala alam kong wala na silang magagawa kundi si Kinoah ang iharap sa kanila.
Tumakbo ako palayo kina Mom and Dad ng makahanap ako nang tyempo.
“Kiluah!” tawag sa'kin ni Mom pero nakalayo na ako. Kita ko pa ang galit sa mukha niya pero nakatawa lang ako.
Ilang sandali pa ay may lumapit sa kanilang isang lalaki at babae na sa tingin ko ay ang mag-asawang Salamanca na.
“Iyan na ba siya?” rinig ko mula sa babae habang natingin kay Kinoah.
BINABASA MO ANG
MARRYING HIM [ COMPLETED ]
RomanceSi Avirille Salamanca ay isang graduating college student at nasa edad na dalawampu't isang taong gulang. Sa edad niyang iyon madalas sabihin sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigan na natagpuan niya na ang the one niya dahil ayon sa sabi-sabi, ba...