CHAPTER 35

749 20 3
                                    

Avirille's POV

Hatinggabi na rin ng mapagdesisyunan naming matulog. Napasarap kasi sila sa pagkukuwentuhan. Oo, sila lang dahil buong kuwentuhan nila hindi ako nagsasalita sa sobrang pagkailang pati na rin si Kinoah. Paano'y kami ang pulutan nila at tungkol pa sa honeymoon ang usapan. Tuwang tuwa talaga silang asarin kami. Grr.

Dahil doon nagpaalam muna ako kay Kinoah na hindi ako matutulog kasama siya dahil kina Cahill at Bianca muna ako. Bukod sa naiilang talaga ako lalo pa kapag naaalala ko ang naudlot na dapat mangyari sa'min kanina isama pa ang mga pang-aasar ay gusto kong makachikahan ang dalawang babaeng ito.

"Wala ba talagang nangyari sa inyo ni Kinoah? Ilang araw na nakalipas ah?" sabay pang tanong ni Bianca at Cahill.

"Wala nga, ok? 'Wag niyo na nga ako tanungin. Gabing gabi na matulog na tayo." Humiga na ako at nagtalukbong ako ng kumot.

Sumunod rin naman sila. Alam kong pagod rin sila.

Kinabukasan, ay nagising na ako dahil
sa nakakarinding tili ni Cahill.

"Ano ba 'yan Cahill ang ingay ingay mo," bulyaw namin dito ni Bianca.

"Sorry, peace yow."

"Ano bang meron?"

"Kasi guys, diba nanliligaw sa'kin si Clarence. Excited na 'ko mamayang gabi kasi sasagutin ko na siya AAAAAAA!" tili nito.

Oo nga pala at naikuwento na niya sa'kin minsan ang tungkol sa lovelife niyang si Clarence. Nawala sa utak ko dito nga pala iyon nagtatrabaho sa isla.

"Diba na'ndito 'yan? Wala akong masyadong na-eencounter na lalaking trabahador dito, mamaya isama mo ako riyan ng makilatis ko 'yan," sambit ko.

"Sama rin ako syempre," dagdag ni Bianca.

Ngumiti lang siya at tumango.

Bumangon na rin kami at nag-ayos saka lumabas. Kailangan naming i-enjoy ang natitirang oras dito dahil mamayang gabi pagkatapos ng hapunan ay aalis na agad kami para umuwi. Dapat nga ay tanghali na agad ang alis namin kaso na-extend dahil sa mga kararating pa lang.

Lahat kami, ang parents ko at parents ni Kinoah at Kiluah, si Bianca, Justin, at Cahill ay sabay sabay na lumusong dagat. Nagsabuyan pa kami ng tubig at ang aasaran ay nariyan.

"Are you happy?" Kinoah suddenly ask.

Narito kasi ako sa dalampasigan. Nakalupagi habang nakatawang nakatingin sa kanila na nag-eenjoy sa tubig.

Umupo rin si Kinoah sa tabi ko at lumupagi rin.

"Yes, I'm happy. Very happy," I answered.

"Look what I just found." Ipinakita niya sa akin ang isang bato.

Ang batong iyon. Iyon ang ihinagis niya rito sa dagat na may nakasulat na pangalan namin.

Sa sobrang tuwa ko ay kinuha ko iyon mula sa kamay niya. Paanong nakuha niya ito?

"Teka nasaan sina Cahill at Kiluah?"

"Umahon kanina eh. Hindi ko alam kung nasaan."

"Puwede ko bang itago na lang ito?" nanginginang pa ang mga mata ko habang tinatanong iyon.

"Oo naman." He smiled and kissed me on my lips.

"Swimming na ulit tayo?" pag-aaya niya kaya naman lumusong na ulit kami sa dagat.

Sumapit ang gabi at heto na kami ngayon magkakaharap. Pinanggigitnaan namin ang isang mahabang lamesa. Kung kagabi ay puro napakaeespesyal ng gamit at pagkain, iba ngayon dahil sa dahon ng saging lang kami kakain at mga simpleng putahe lang ang nakahayin. Isa pa magkakamay lang kami. Ang sabi nila 'boodle fight' daw ang tawag dito.

Pagkatapos naming mag-pray ay sumigaw ako, "So let's eat!"

Napansin ko naman na kanina pang matamlay at nakayuko itong si Kiluah at Cahill kaya sinigawan ko sila.

"Hoy Kiluah and Cahill! Ano kayo riyan? Mukha kayong pinagsakluban ng langit at lupa. Last night na natin ngayon dito oh." Nagtinginan lang ang dalawa.

Sinang-ayunan din ako ng lahat at doon sabay na ngumiti ang dalawa.

"So everybody is happy na. Let's eat!" sigaw ko at doon nagsimula ang laban. Joke. Nagsimula na kaming kumain.

Nagsubuan pa kaming lahat. Kumbaga ay kung sino ang nasa kanan sila ang magsusubo sa nasa kaliwa nito, paikot ikot lang. Ang saya, parang gusto kong tumigil muna ang oras.

Habang tinititigan ko ang isa sa kanila bumabalik ako sa nakaraan. Kung iisipin parang ang bilis ng mga pangyayari. Dati lang parehas kaming tutol sa kasal ni Kinoah but look are we now, happily married. Kung dati ay ayaw magpatalo ni Kiluah ngayon na'ndito siya at suportadong suportado kami at may sarili na ring lovelife. Itong si Cahill mukhang inlove na inlove sa manliligaw niyang si Clarence... oh wait. Should I say boyfriend niya na? Nakalimutan ko na nga pa lang dapat kikilatisin ko muna 'yong lalaki, pero ayos na 'yon kung sa'n masaya ang best friend ko roon din ako. Itong si Justin, parang kailan lang patay na patay pa ako sa kaniya at 'di mo rin aakalaing matagal na pala itong may pagtingin kay Bianca kaya ngayon sila na. Si Bianca naman hindi mo lubos maisip na mas mabait pa pala sa'kin, char. I mean iba talaga ang pagkakakilala ko sa kaniya noon kumpara ngayon. Sobra siyang mapagkakatiwalaan.

And lastly itong mga parents namin ni Kiluah. Kung may dapat mang dapat pasalamatan sa lahat na na'ndito sa hapagkainan ay sila 'yon. Sa kanila naman talaga nagsimula lahat eh.

"Are you done?" tanong sa'kin ni Kinoah na nakaabang sa pinto.

"Yes. Tara na," sagot ko.

Lumabas na kami ng Rest House at nagpunta sa daungan.

Tiningnan ko muna ang batong hawak ko na may pangalan namin ni Kinoah at inilagay ito sa bitbit kong bag.

Inakbayan ako ni Kinoah at ako naman nakahawak sa bewang niya.

"Ayos na ba lahat?" sigaw ko.

"Teka wala pa si Kiluah at Cahill," sagot ni Justin.

"Oh ayan na pala sila!" pagturo ni Bianca sa paparating.

"Avirille! Avirille! Kami na!" maiyak iyak na sambit ni Cahill.

"Ha?"

"Kami na ni Clarence! Aaaaaa!"

"Akala ko kanina pa naging kayo?"

"Hindi ngayon lang. Ang saya ko!"

"Congrats yieee," pang-aasar ko pa.

"Oh ikaw Kiluah ayaw mo bang magbalita?" pagsagi ni Cahill dito.

Napatingin naman kaming lahat kay Kiluah.

"B-bakit?" utal niyang tugon.

"Ako na nga lang magsasabi. Ganito kasi 'yan, binigyan na siya ng chance ng babaeng gusto niya. Sino 'yon? Si Czarine? Ayieee," panunukso pa ni Cahill kaya natawa kaming lahat.

Bahagya namang namula ang tainga ni Kiluah at nauna na sumakay sa sasakyan para makauwi.

"Ewan ko sa inyo!" sigaw nito.

Hindi kami mahinto sa kakatawa hanggang sa Nagsisakayan na rin kaming lahat.

Bago pa man kami makaandar ay may isang babae at lalaking dumating at wumagayway sa amin. Nakasuot sila ng uniform, nagtatrabaho sila dito.

"Ingat kayooo!" sigaw ng dalawa.

Napatingin na lang ako kay Kiluah at Cahill na bahagyang namula. Hindi ko kasi aninag kung sino ang babae't lalaking iyon para silang magkamukha. Pero ng makita ko ang ekspresyon ng dalawang ito nalaman kong si Clarence at Czarine iyon. Kaya naman pala. Sus.

Sumandal na lang ako sa braso ni Kinoah. Napatingin naman siya sa'kin sunod noon ay ang paghalik niya sa labi ko.

"I love you, baby," he whispered. At doon para na naman akong nabuhusan ng malamig na tubig.

"I-I l-love you too, b-baby." Ok. Hindi na ako nag-iisa dahil parehas na kaming na-stuck haha. 'Di pa rin talaga nagbabago ang lahat sa'min. Still nandito ang kakaibang feeling.

Ganito 'ata talaga kapag tunay kang nagmamahal. Parang lahat ng nangyayari sa inyo ng partner mo pakiramdam mo lagi, nagsisimula pa lang kayo.

MARRYING HIM [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon