Kinoah's POV
Kakahatid ko lang kay Bianca, it's already 4:30 pm nang agad ding akong nagliko para balikan siya. Naisip kong yayain siya ngayon din para pumunta sa favorite place ko.
Narito na ako sa harap ng bahay ni Bianca, huminto ako at suot ang malawak na ngiti ay bumaba ako.
Sa pagbaba ko ay natigilan ako sa kinatatayuan ko. Ang ngiti ko ay napalitan ng galit.
“K-kinoah,” gulat na sambit ni Bianca.
Kumuyom ang kamao ko at nandilim ang paningin ko. Sinugod ko ng suntok si Levi. Anong karapatan niyang halikan ang girlfriend ko!
“H-hey tama na 'yan,” awat sa'min ni Bianca pero hindi pa rin kami natinag, patuloy pa rin kaming nagpapalitan ng suntok.
“Kinoah! Please stop! I-I'm sorry, K-Kinoah.” Sa pagkakataong iyon, ay natigilan ako.
“Bakit ka nag-so-sorry?”
“G-ginusto ko 'yon, I'm sorry, mahal ko pa rin talaga si Levi. A-akala ko kasi kapag sinagot kita mabilis ko nang makakalimutan si Levi, pero hindi pa rin eh. I'm sorry.” Her tears began to fall. Parang gusto ko na lang maglaho sa mga sinasabi niya. Sana pala hindi na ako bumalik, sana pala hindi na ako bumaba.
Hindi na ako nagsalita pa at bumalik sa kotse saka paharurot itong pinaandar.
Pinagsusuntok ko ang pader nang makarating ako sa kuwarto. Tangina! Nang makaramdam ako ng pagod ay tumigil na rin ako at napaupo sa kama. Mayamaya ay bigla na lang bumukas ang pinto.
“K-kinoah...” Napaangat ako ng tingin, si Avirille.
“What happened?” She asks, she looks worried.
“We're done.”
Avirille's POV
Nalaman ko na mahal pa ni Bianca ang ex niya at ginamit niya lang pala si Kinoah.
Sa mga nalaman ko, ako ang nasasaktan para kay Kino at isa pa hindi ko lubos akalain na magagawa ni Bianca ang bagay na iyon.
Kasalukuyan kong ginagamot ang sugat ni Kinoah, nakakatakot siya. Napaka-plain ng aura niya. Gusto ko sana siyang biruin, pero nawawalan ako ng lakas ng loob lalo na at alam kong nasasaktan siya ngayon.
“S-sa labas muna ako matutulog,” sambit ko matapos ang pagbebenda ko sa kamay niya ngunit hindi pa man ako nakakatayo ay nahawakan niya na ang kamay ko.
“Dito kana, ako ang matutulog sa labas,” pigil niya. Tumayo siya sa kama at agad na lumabas.
Hindi na rin ako dumepensa pa dahil nakakatakot talaga siya. Humiga na lang ako at pumikit.
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng pagka-uhaw. Alas-dose pa lang, nakakatamad man pero pinili ko pa ring bumaba.
Napatigil ako nang makita si Kinoah sa kahimbingan ng tulog niya sa couch. Wala siyang kumot at mukha siyang lamig na lamig kaya't umakyat akong muli para kuhain ang kumot niya.
Akma kong ilalapat sa kaniya ang kumot nang bigla niya akong hilahin dahilan para mapaibabaw ako sa kaniya.
Nagulat ako at noong makita ko ang mukha niya, tulog pa rin pala siya. Agad akong tumayo sa pagkakaibabaw sa kaniya at mabilisan siyang kinumutan.
Papaalis na sana ako ngunit napatigil din agad. Nakaramdam ako ng kabog sa dibdib nang sandaling mapakatitigan ko ang kabuuan ng mukha niya. Ang guwapo pala niya. Napangiti ako at bahagyang lumapit sa kaniya.
Palapit ako nang palapit hanggang sa hindi ko na alam ang ginagawa ko. Nawala ako sa sariling katinuan at nailapat ko sa kaniya ang labi ko.
When realization hits me na mali ang ginawa ko, tumakbo ako paakyat sa kuwarto.
BINABASA MO ANG
MARRYING HIM [ COMPLETED ]
RomanceSi Avirille Salamanca ay isang graduating college student at nasa edad na dalawampu't isang taong gulang. Sa edad niyang iyon madalas sabihin sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigan na natagpuan niya na ang the one niya dahil ayon sa sabi-sabi, ba...