CHAPTER 2

1K 45 8
                                    

“ANO?! SI KINOAH ANG---” Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Cahill matapos ang reaksiyon niya. Ikinuwento ko kasi sa kaniya ang nangyari kahapon.

“Ano ba! Huwag ka ngang maingay,” pabulong na bulyaw ko.

Narito kami ngayon sa labas ng building sa may resting area kung saan kami laging nagla-lunch. Marami-rami rin ang estudyanteng narito at kung sakaling marinig nila ang tungkol dito baka maging puno kami ng tsismis. Ang i-issue pa man din ng tao sa panahon ngayon, lalong lalo na ang mga kabataan.

“So siya pala 'yong taong matagal na nating hinahanap,” bumaba na ang tono ng kaniyang boses.

“Anong natin, ikaw lang. Ikaw lang naman nagpapapaniwala sa mga ganiyan.”

“Pero Avirille, so ano? mag-a-act kayo na gusto niyo isa't isa?”

I nodded. “Uhm, parang gano'n na nga, pero sa harap lang ng pamilya namin. Still, kapag nasa public place or wala kami sa harap ng pamilya, normal lang.”

“I feel something bad or should I say... it is not bad at all? Just something fishy.” Nakakaloko ang mga ngiti niya habang sinasambit ang nakakakilabot na katagang iyon. Anong fishy fishy ang pinagsasabi niya? Iww!

“Ano na naman ang sinasabi mo, Cahill?” Mabilis niyang nilapit ang mukha niya sa'kin at bumulong.

“Ganito kasi 'yan... sa mga napapanood ko 'yong mga nag-pe-pretend like that, nahuhulog lang din sa isa't is---”

"Yuck Cahill, yuck. Magtigil ka nga, saksakin kaya kita ng tinidor?" pagbabanta ko sa kaniya habang hawak ang tinidor.

“Hindi naman kasi imposible---”

“Titigil ka o sasaksakin talaga kita?”

“Oh, zipper na nga, zipper.” Nag-act pa siya na parang sinasarado niya talaga ang bibig niya.

“Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. I'm considering him as my brother for pete's sake, I can't imagine him being my husband.”

“Pero malay mo nga---”

“May gusto akong tao, ok? At may gusto rin siyang iba. Alam mo kung gaano ako kapatay na patay kay Justin La Verdad diba!?”

“Hala, bro, patay na patay pala sa'yo 'tong si Avirille.” Nagpanting ang tainga ko matapos marinig ang mga salitang iyon na nagmula sa likod.

"Ha... la, Avi... rille," mabagal na sambit ni Cahill.

Pinandilatan ko ng mata si Cahill, para bang nagtatanong kung nasa likuran ko ba si Justin. She nodded. Ramdam ko na ang kabog sa dibdib ko, nagsisimula na ring mamula ang pisngi ko. Lagot!

Kasalanan kasi 'to ni Cahill eh!

Dahan dahan akong tumayo sa upuan ko dala ang mga gamit ko ng walang lingon lingon sa likuran dahil sa hiya. Balak kong tumakbo ng mabilis ng bigla na lang may humila sa bandang batok ng damit ko dahilan ng paghinto ko.

“Saan ka pupunta?” tanong nito. Dahan dahan ko namang iniikot ang ulo ko at doon bumungad sa'kin ang mukha ni Justin.

He smirked. Tumingin siya sa'kin mula ulo hanggang paa at paa pabalik sa ulo.

Walang emosyon niya akong binitawan matapos 'yon at umalis na rin kasama ang barkada niya.

Justin La Verdad was my ultimate crush since I was in highschool. Sobra talaga 'yong pagkagusto ko sa kaniya to the point na hindi ako nagkakagusto sa iba. To be honest, siya ang dahilan kung bakit hindi ako nagka-boyfriend.

Marami na rin ang nagbalak manligaw sa'kin, pero mga walang epekto, dahil siya ang gusto ko. Nag-iintay ako sa kaniya kahit alam kong wala akong pag-asa.

“Hoy! Malapit na mag-time, tulala ka pa riyan. Tara na!” Nabalik ako sa reyalidad nang sigawan ako ni Cahill.

“Cahill, Cahill, kinausap ako ni Justin? Kinausap ako ni Justin? Am I dreaming?"

“Gago ka? Patay na patay ka talaga? Para 'yon lang? Tara na nga.” Dahil lutang ako, nagpadala na lang ako sa hila ni Cahill papunta sa room namin.



“Parang kahapon lang todo pilit kayo sa pagtutol na huwag kayong ikasal someday, but look at now, para kayong tukong 'di mapaghiwalay,” usal ni Mom. Paano ba nama'y inilapit ni Kinoah ang upuan niya sa'kin at kung minsan ay inaakbayan pa ako.

“We're just joking that time, tita. Alam niyo namang gustong gusto ko si Avirille. Una pa lang nabihag niya na ang puso ko. Akala ko talaga kinakapatid ko siya kaya pinigilan ko, pero ngayon na nalaman kong fiancé niya ako, sobrang saya ko po,” sambit niya sa gitna ng pagkain namin ng dinner.

Napaubo na lang ako at wari mo'y mabubulunan dahil sa mga korni niyang sinabi. Yuck! What the hell is he saying? Hindi ba siya pinaninindigan ng balahibo sa mga sinasabi niya?

He smiled widely and turn his gaze on me. “Diba, honney?” Pag-akbay niya sa'kin kasabay ng pag-wink.

Halos mangisay na ako hindi dahil sa kilig ngunit dahil sa pandidiri! Iww! Parang gusto ko siyang sampalin para magising sa katotohanang nakakadiri ang ginagawa niya.

“Ayos din itong si Kinoah ah, manang mana ka sa Daddy mo,” saad naman ni Dad.

“S'yempre po,” sagot niya. Aba proud talaga ang loko ah.

Gustong gusto kong masuka at sikmuran siya ngayon din. Hindi ko alam na kailangan pala naming maging ganito ka-clingy, wala siyang sinabi! Ayoko nito!

Pilit akong ngumiti at tumango. Kahit na nababanasan ako sa kaganapan ngayon ay pinili ko na lang ding sumabay sa agos. Ano pa nga bang magagawa ko?

“Oo haha, ako rin eh, naghinayang talaga ako no'ng nalaman kong kinakapatid kita, buti na lang hindi.” Halos mapunit na ang labi ko sa napaka-plastic kong ngiti isama mo na ang mata kong halos 'di na makita.

“Diba tita? Tinadhana talaga kami.” Siniko ko siya at patagong bumulong.

“Mamaya ka sa'kin, Kino.”

Nakahinga na ako nang maluwag ng matapos ang dinner. Tulog na rin sina Mom. Sa wakas! Nakatakas na rin ako sa nakakadiring pagpapanggap na 'yan.

“Hoy Kino! Sino nagsabing kailangan nating maging ganoo---”

“That's for good, para hindi sila maghinala sa'tin,” pagputol niya sa'kin.

“P-pero---”

“Don't worry ok? Umaarte lang tayo, nag-practice lang ako kung kaya ko ba at tiningnan ko rin kung kaya mo, because I need your help.”

“H-huh?”

“Help me, I want Bianca jealous. Let's make her jealous.”

“Oh, now you need my help. Papayag ako basta tutulungan mo rin akong mapalapit kay Justin, he's your classmate isn't?”

“Deal. Let's help each other.”

MARRYING HIM [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon