I was panic and I don't know what to do the moment I touched Kinoah. He's sick!
I told him that I will bring him to the hospital but he refuses, that's why even if I'm not into caring sick peoples I still managed to.
Ipinahiga ko siya sa kama and after that, I dressed him kahit na pakiramdam ko ang bigat ng atmosphere sa'kin.
Masyadong mataas ang lagnat niya kaya't mayamaya ay pinupunasan ko siya.
”Magpalit ka muna nang damit Kino, basang basa ka nang pawis,” usal ko ngunit ngumibi lamang ito. Hindi man lang siya mumumulat, siguro ay sobrang sakit talaga ng ulo niya.
Dahil doon, wala na akong nagawa kundi ang ako mismo ang maghubad sa kaniya at magbihis. Matapos 'yon ay nakahinga na ako ng maluwag.
Tulog pa rin siya and still mainit pa rin kaya naman natulog na lang din ako sa tabi niya. Nakaupo ako sa upuan at nakaub-ob sa kama kung saan siya nakahiga.
Buong gabi ko rin siya inalagaan, ramdam ko ang pagkaantok at pagod kaya naman mabilis na pumikit ang aking mata noong sandaling lumapat ang mukha ko sa malambot na kinapapatungan nito.
Nagising ako ng nakahiga na sa kama at wala na si Kinoah. Mabilis akong napabangon.
Gosh! Tanghali na pala!
Napatakbo ako pababa at nang makasalubong ko si Kinoah, bigla akong natigilan.
“Gising ka na pala.” He smiled at me, he's now wearing a white sando and black pajamas.
Ang guwapo.
Napailing ako ng tatlong beses ng mapagtantong matagal na akong nakatitig sa kaniya.
“M-magaling ka na?” iyon na lamang ang naitanong ko.
”Nagkasakit ba ako?” he chuckles. Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha ko. Baka wala itong balak magpasalamat sa'kin matapos ko 'tong alagaan.
“Kidding. Kumain ka na may pagkain sa lamesa. Aalis ako.”
“S-saan ka pupunta!?”
“Hindi mo na kailangang malaman.”
“P-pasama ako!” Napatitig siya sa'kin matapos kong sabihin 'yon.
“E-eh diba ikaw may kasalanan kung bakit absent ako ngayon, kung aalis ka dapat isama mo ako, ayoko ngang maiwan dito!” pagtataray ko.
Walang ekspresyon lamang siyang tumalikod sa akin at naglakad palabas kaya napasigaw ako.
“Hoy Kino!”
“Sumama ka kung gusto mo,” sagot niya kaya naman napangiti ako at tumakbo na rin palabas kahit wala pa akong bihis at ligo o hilamos man lang.
Buong byahe kaming walang imikan. Gusto ko sana magtanong kung saan kami pupunta kaso naurong ang dila ko sa tuwing sinusubukan kong magsalita at pakiramdam ko mag-uutal-utal ako kaya naman pinili ko na lang manahimik.
Tumigil ang sasakyan sa isang mataas na anyo ng lupa. Dito ay may isang malaking puno na tanaw ang kalawakan ng karagatan at ng siyudad.
Dumeretyo si Kinoah sa puno at umupo sa silong noon. Wala akong ideya sa kung anong gagawin niya dito kaya naman sumunod na lang ako sa kaniya. Nang makaupo ako sa tabi niya hindi ko siya maiwasang hindi tingnan, tutal nakapikit siya, tititigan ko muna siya.
Hindi ko maawat ang sarili ko na titigan ang mukha niya. Small curve formed at my lips as I stared at him. Pakiramdam ko ang peaceful at safe ako ngayon na nasa tabi ko siya.
Mabilis naman akong nag-alis ng tingin sa kaniya ng magsalit ito.
“Ang tahimik diba? Ito nga pala ang favorite place ko, I promised to myself na ang unang babaeng dadalhin ko dito ay pakakasalan ko.” He paused. Nagmulat siya ng mata at ngayon ay nakatitig na sa karagatan.
BINABASA MO ANG
MARRYING HIM [ COMPLETED ]
RomanceSi Avirille Salamanca ay isang graduating college student at nasa edad na dalawampu't isang taong gulang. Sa edad niyang iyon madalas sabihin sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigan na natagpuan niya na ang the one niya dahil ayon sa sabi-sabi, ba...