CAPÍTULO uno

21 0 0
                                    

"Hola, Papá" sagot ko sa teleponong kanina pa tumutunog. Nandito ako ngayon sa hotel na tinutuluyan ko sa Spain.

"Felicidades, hijo!" masigla at nananabik ang boses.

Bahagya kong hinila ang kurtinang tumatakip sa napakalaking bintana na yari sa salamin.

"Hindi talaga ako nagkamali sa iyo, hijo bumalik ka agad dito sa Pilipinas para sa celebration."

Nakangiti ako habang tumatango, hindi ko kasi alam ang isasagot.

"Siya hijo descansa bien, te veo pronto."

"Opo Pa, see you soon po" bumuntong hininga ako saka ko ibinaba ang telepono.

Minsan kung kailan madilim, saka mo makikita ang magandang liwanag. Napapaisip ako habang pinagmamasdan ang kagandahan ng gabi. Mula sa ikatatlumpung palapag ng gusaling ito, kitang kita ko ang kabuuan ng Madrid. Gabi na pero buhay na buhay pa rin ang siyudad dahil sa mga makikinang na liwanag ng ilaw mula sa naggagandahan at naglalakihang gusali.

Pero bigla na lang sumibol ang kaba sa dibdib ko ng maalala ang imahe ng isang babae. Hindi ngayon ang unang beses na naramdaman ko ito makalipas ang isang linggo. Sariwa pa sa isipan ko ang mukha ng dalaga at ang mga luhang pumatak mula sa mga mata nito.

Inilapag ko ang hawak kong kupita.

Kinuha ko ang telepono at tinawagan ang taong alam kong makatutulong sa akin.

"Ha? Sa hotel din na ito?" napataas yata ang boses ko.

"Sigurado po kayo, tio?" paniniguro ko.

"Sige po, salamat."

Mas lalo yatang lumakas ang kabog ng dibdib na naramdaman ko kanina. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, nanlalamig din ang mga kamay ko.

Siguro, mas magiging okay kung lalanghap muna ako ng sariwang hangin sa labas.

________________________________________________________________________________

"Hija, kumain ka na." katok ni Nana Lumen.

Pinunas ko kaagad ang mga luha sa mukha ko, bumuntong hininga bago ako lumabas sa kwarto. Sumalubong sa akin ang mga mata ni Nana, nakita kong itinatago niya ang pag-alala sa akin.

Dumeretso ako ng lakad sa hapag, nangatog ang mga tuhod ko, nanlambot ang katawan ko, parang gusto kong sumigaw at pumalahaw sa iyak. Pero hindi pwede, tiim ang bagang na naupo ako sa mesa habang nakatayo sa kanan ko si Nana Lumen.

Katulad ng dati, pinagsilbihan niya ako habang kumakain.

Kung anong tahimik ng hapagkainan noon ay mas dumoble pa ngayon. Hindi ko malasahan ang pagkain, ni parang hindi matapos tapos ang pagnguya sa pagkaing nasa loob ng bibig ko. Iniabot ni Nana Lumen ang baso ng juice, pagkatapos kong uminom ay tumayo na ako at dumeretso sa kwarto.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, ilang araw na ba akong ganito? 3, 5? Isang linggo na mas lumala sa ikalawang linggo. Napabuntong hininga ako ng maalala ang mga nangyari dalawang linggo na ang nakakaraan.

Para akong nasa isang masamang panaginip. Bangungot. Gustong ko ng magising, gustong gusto ko na. Pero, alam kong nagsisimula pa lang ang bangungot na ito.

________________________________________________________________________________

Ininom ko ang natitirang wine sa kupitang hawak ko saka ulit pinagmasdan ang napakagandang view ng siyudad mula sa roof top ng hotel.

Tahimik at presko ang hangin, mas makakapag-isip ako nang maayos dito. Pero teka? Ano ba ang kailangan kong isipin?

2 weeks ago, naisara na namin ang deal, ah mali, napabagsak na namin ang isa sa pinakamalaking kompanya sa Pilipinas na naka-base sa Madrid. Dahil sa achievement na ito, mas malawak, malakas, at makapangyarihan na ang kompanya ng pamilya ko.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon