CAPÍTULO ocho

9 0 0
                                    

Anastacia's P.O.V

Pagkatapos kong mag-dinner ay dumeretso na ako sa kwarto pero bago pa ako makapasok sa loob ay may lalaking nakatayo sa katabing pinto ng kwarto ko, si Marco.

Hindi namin siya kasabay na kumain, ang sabi ni Nana susunod na lang daw at masama ang pakiramdam na ipinagtaka ko dahil mukha naman siyang maayos kanina pag-uwi namin galing sa eskwelahan.

"Estas enfermo?" Alam kong hindi ko na dapat tinanong pa dahil alam ko namang nagkukunwari lang siya.

"Pwede ba wag kang mag-spanish, nasa Pilipinas ka na, wala ka na sa Madrid" mahina pero may diing sabi niya. Nanatili ang tingin niya sa isang direksyon.

Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng loob ni Marco sa akin, hindi niya man ito sabihin nararamdaman at nakikita ko base sa pakikisama niya sa 'kin. Kung sabagay, ano bang alam ko sa pakikisama eh lumaki akong puro cariada ang kasama, kung mag-e-enumerate nga ako ng kaibigan ngayon siguro zero ang score ko.

"Financial, political, and social connections are highly valued, pero debes conocer a las personas que no importan" paulit ulit 'tong pinapaalala sa 'kin ni Papá.

"Pero hija, kapag may mali ka dapat matuto kang magpakumbaba..." sandaling nag-isip si nana "di perdón, yun!" napataas ang boses niya ng maalala ang gustong sabihin "kahit 'di sincero basta ve-verdadero" ito naman ang laging bilin sa 'kin ni Nana.

Lagi siyang ganito, kinakausap ako gamit ang Filipino language, pero kapag mayroon siyang gustong i-emphasize sibusubukan niyang sabihin sa Spanish. Kaya ngayon marunong akong magsalita ng Filipino at Spanish, hindi ko naman alam na mapapakinabangan ko pala 'to ngayon.

Nung bata ako hindi ko pa naiintindihan ang lahat ng 'yon, hindi ko rin naisip na magkaiba sila ng pananaw tungkol sa buhay. Sa pamamagitan ni Nana nakakilala pa ako ng ibang klase ng tao, ang akala ko kasi, lahat katulad ni Papá.

"Lo siento" sabi na halos hindi na marinig dahil sa hina. Iniwas ko kay Marco ang tingin ng lingunin niya ako, hindi ko alam kung tuwa ba o gulat ang nakita ko sa mukha niya, mas lamang yata ang pagtataka.

"Sorry sa'n? na nag-i-spanish ka pa rin kahit nasa Pilipinas ka, o..." tumigil si Marco at tumindig ng maayos saka humarap sa 'kin. "dahil napaka-self centered mo?"

Hindi ako makapaniwalang narinig ko 'to sa kanya. Paano ako naging self centered? Self centered na ba kapag gusto kong mapag-isa, o 'di naman kaya ayokong makipag-usap?

Napakababaw naman pala ibig sabihin nito para sa 'yo, Marco. Ito ang gutso kong sabihin kay Marco pero hindi ko magawa. Nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib, hindi ko alam kung dahil sobra kung makapag salita si Marco o dahil masakit talagang marinig ang katotohanan.

Wala na akong naisagot kay Marco, pinihit ko ang door knob ng pinto at mabilis na pumasok sa loob bago pa tuluyang bumagsak ang mga tuhod ko dahil sa nararamdamang panghihina.

Stefano's P.O.V

"Abuelo!" muntik na akong mahampas ng tungkod ni Lolo dahil sa gulat.

Hindi ko mapigil ang paghagalpak sa tawa dahil sa reaksyon ni Lolo na ngayon ay sapu sapu ang dibdib dahil sa nerbyos.

"Realmente no tienes respeto, Stefano!" inis na untag ni Lolo at sumenyas ng pagtaboy para makadaan siya papunta sa kanyang mecedora.

Hindi ko pa rin mapigil ang pagtawa dahil kay Lolo.

"Ikaw talagang bata ka, que necesitas?" napapailing na tanong niya.

Dahan dahan akong lumapit kay Abuelo suot ang nakakalokong ngiti, loko rin naman si Lolo halatang excited eh. Sabi ko kasi kanina ay babawi ako sa kanya dahil nakalabas ako ng mansion dahil sa kanya.

"Charaaan!" hindi ko maipinta ang mukha ni Lolo ng ilabas ko mula sa likod ko ang Casamigo Añejo. Ang paboritong tequila ni Lolo.

"Apo nga kita" rinig kong pagyayabang ni Lolo habang sinasalinan no ang dalawang basong hawak ko.

"Abuelo nga kita" nakangiting sagot ko saka iniabot sa kanya ang isang baso.

"Salud!"

"Cheers!" sabay na sigaw naming ni Lolo, pero syempre 'di ko ininom ang tequila sa baso ko. 'Di ko kasi trip ang lasa ng mga iniinom ni Abuelo o ni Papá.

Lumaki akong kasama si Abuelo, 'yon kasi yung mga panahon na nag retiro na siya sa kompanya at tini-train si Papá bilang kapalit niya samantalang si Mamá palaging busy sa school. Hindi ko na lang namalayan na lumaki na ko't nagkaroon ng sariling isip na kasama si Abuelo, at ang mas matanda kong kapatid.

"Lo magtira ka pa bukas ha, pahinga ka na" paalala ko sa kanya. Nagmano muna ako bago ako lumabas ng kwarto niya.

"Buenas noches nieto" rinig ko pang sabi ni Lolo bago ko tuluyang isara ang pinto.

Talagang good ang night ko, Abuelo nangingiti akong umakyat papunta sa kwarto ko. Agad kong isinalampak ang sarili sa kama at inunan ang aking braso.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nakita ko kanina hanggang ngayon ay malinaw na malinaw pa rin sa isipan ko ang bawat anggulo ng mukha niya. Hindi ko alam kong bakit nagtutunog interesado ako sa babaeng 'yon, teka, mali parang despirado yata, siguro dahil wala akong ibang nakita sa loob ng isang linggo kundi ang kasambahay namin sa bahay at ang always stress na si Mama, kaya nanibago ako sa mukha ng babaeng 'yon.

Anastacia... bigla kong natandaan ang pangalan niya na binanggit ni Aldous.

Tunog pa lang panalo na, mukhang makaka-jock pot pa yata ako ngayon sa 'yo, Anastacia.

Chill ka lang Stefano... Easy... darating din ang oras para mas makilala ko siya.




SALAMAT!

MAG-COMMENT KA PAG NA-BORED KA. MAG-VOTE KA KUNG NAPANGITI KITA. MAG-CONTINUE READING KA KUNG NAG-E-ENJOY KA.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon