CAPÍTULO dieciséis

5 0 0
                                    

Stefano's P.O.V

Carthaginian Empire siya? Ano kaya, Principalia o Indio? Imposible...

Nandito ako ngayon sa living room, naupo ako sa sofa dahil pakiramdam ko ngalay na paa ko kaparoo't parito. Hindi kasi ako makapaniwala na Carthaginian ang babaeng 'yon parang may kakaiba.

Sa suot niya, sa kilos niya, ang buong siya, hindi mo mapagkakamalang galing sa mahirap na pamilya.

Napakamot ako sa ulo.

Butiki ka Stefano, bakit mo iniisip 'yong babaeng 'yon? Ano naman kung Carthaginian siya at galing sa mahirap na pamilya?

Napakagat labi ako. Kung sabagay totoo naman, pero...

Shit! Naalala ko ang pagdampi ng labi ko sa labi niya. Iba Par! Malambot pa sa marshmallow at matamis pa sa honey bee, 'yon yung tamis na 'di nakaka-diabetes.

Natigil ako sa pag-iisip ng mapatingin ako sa wall clock, alas otso na pala kaya dumeretso na ako sa dinning area, malamang ma GG na naman sakin sina Mamá at Papá. Syempre kunwari ayaw natin ng ganon.

Aba, hindi nga ako nagkamali dahil pagdating ko sa dinning area eh nandoon na rin sila. Lumapit agad ako kay Abuelo para umapir, mano kay Papá at beso kay Mamá.

"Mabuti naman you come on time" pahaging ni Papá habang inaayos ang table napkin sa lap niya.

"Woah! Anong meron? Parang fiesta ah" pansin ko sa mga pagkaing nasa mesa imbis na intindihin ang sinabi ni Papá.

"May bisita ba tayo, Mamá?" takang tanong ko.

Paano'y hindi naman madalas na maghain ng ganito karaming pagkain kapag kami kami lang ang narito.

Makahulugang ngumiti sa 'kin si Mamá. Ewan ko pero kapag ngumingiti siyang ganito na parang si Ursula eh may hindi magandang nangyayari.

Umiwas ako ng tingin kay Mamá at bumaling kay Abuelo. Tiningnan ko si Lolo na parang Lo, anong meron?

"Malalaman mo rin hijo" tanging sagot ni Abuelo na ipinagtaka ko.

"Disfrutemos todos de nuestra comida" malapad ang ngiti ni Papá ng sabihin niya ito.

Sa totoo lang nahihiwagaan na ako sa nangyayari, parang good mood na good mood sila, bad tripin ko kaya? Kaso wag na, kakain muna ko. Gutom na ko eh.

Maya-maya kumuha na ng wine si Papá, at nilagyan ng criada ang mga baso namin.

"Esta es una celebración temprana, salud!" tumayo si Papá at itinaas ang baso niya.

"Para el éxito de la empresa" si Papá.

Yeah right, kaya sila masaya dahil may magandang nangyari sa kompanya. Bakit pa ba ako magugulat?

"Y para el regreso de Manolo" mas lumakas at sumaya ang boses ni Papá sa oras na 'to.

Pakiramdam ko'y biglang bumigat ang hawak kong kubyertos dahil sa narinig. Hindi ako bingi, narinig ko ang pangalan ni Manolo. Dahil 'di ko naman sila naintindihan tamang hula na lang ako. So ibig sabihin kaya parang may pa-fiesta kasi uuwi na ang magaling kong kapatid? Husay!

"Salud!!" patuloy ni Papá.

Itinaas ni Mamá ang kanyang baso, ganun din si Abuelo. Nagmukha pa tuloy akong kontrabida sa celebration dinner na 'to.

Tumigil si Papá dahil nakaupo pa rin ako at hindi ko itinaas ang baso ko.

"Stefano!" rinig ko ang galit sa boses ni Papá.

Tumikhim ako at ininom ang wine na nasa baso ko.

"Kayo na lang ang mag-celebrate Ma, Pa, Lo" tumayo ako.

"Eres realmente grosero, Stefano!"

Naglakad ako palabas ng dinning area, kahit anong sigaw pa at galit ni Papá wala akong paki alam at hindi ako makikipag-celebrate dahil lang babalik na si Manolo.

Anasatacia's P.O.V

So ikaw ang basis ng judgement sa school huh? Napapaisip ako habang pinagmamasdan ang hawak kong badge.

Biglang pumasok sa isip ko ang pagkabigla sa mukha ng mga kaklase ko nang makita nila ang Carthaginian badge. Sabi nga ni Marikit, big deal talaga sa kanila ang wealth and status ng bawat tao sa school, at hindi siya nagkamali sa part na 'yon.

"Anastacia, you should always remember that in our world, connections, finance, political, social connections are highly valued"

Naalala ko na naman si Papá at ang lagi niyang bilin sa 'kin. Katulad din ng kung ano ang sinabi ni Marikit, ang mga Peninsulares ang kilala lang nila ay ang kapwa nila.

Natigil ako sa pag-iisip ng makaramdam ng kaba. Napaka-uncertain ng mangyayari, pakiramdam ko nagsisimula pa lang ang pagiging miserable ng buhay ko bilang estudyante na kabilang sa Carthaginian Empire.

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi, aminin ko man o hindi ay iniisip ko pa rin ang tungkol sa badge.

At habang naglalakad ay kita ko ang mga matang mainit na nakatingin at nakamasid sa 'kin.

"My God! Is it true na bumalik na si Council President?"

"Sana naman, totoong nakabalik na siya, para maiwasan na ang mga ginagawang mali dito"

Talagang pinagdiinan pa nito ang mga huling salita ng pagdaan ko, pero hinayaan ko lang ang mga ito.

"Shh, ano ka ba, she might hear us..."

Actually, mas na-curious pa ako sa pagbabalik ng council president, bakit ba tuwing maririnig kong pinag-uusapan nila ito ang dating eh he is someone that they look up to...

At bakit lahat sila ay may buzz tungkol sa pagdating nito? Nabuntong hininga ako at sa wakas narating ko na ang classroom namin. As expected lahat sila ay biglang tumigil sa ginagawa at tumingin sa 'kin. Hindi ako manhid para hindi maramdaman na there's something going on here.

"Look, siya ba 'yon? Shocks nag-pretend siya na she belongs to Roman Empire?"

"Oo siya nga, look at her, sabagay mapagkakamalan mo nga siyang Peninsulares"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig, ano bang sinasabi ng mga 'to?

"Such a pretentious girl..." sabi sa 'kin ni Ximena pagdaan niya sa harapan ko.

"Now tell us, are you a Principalia or maybe..." sandaling tumigil si Savanah saka makahulugang tumawa "Indio?"

Wala akong balak makipag talo sa mga 'to kaya iniwasan ko sila. Kaso hinarangan ni Ximena ang dadaanan ko.

"Don't, don't, don't,... turn your back on us when we talk to you!" saka hinigit ni Ximena ang bag ko dahilan para mahulog ito.

"Ano ba" sabi ko at saka tumingin sa dalawa at akmang kukunin ang bag ko. Pero hinawakan ako ni Savanah sa braso at sinipa ang bag ko palayo sa 'kin.

"C'mon saang over run store ka bumili ng mga designer clothing mo ha?!" mapang-asar na tanong ni Ximena.

"Girls, bakit naman nagsisimula kayo ng party ng wala ko ha?" sabay sabay kaming napalingon sa direksyon ni Aldous na ngayon ay hawak hawak ang bag ko.

"Masyado naman kayong harsh kay Anastacia..." pilyong ngumiti si Aldous saka dahan dahang binuksan ang bag ko.

What? Anong gagawin niya? 

"Ako na ang gagawa girls" akmang babaliktarin ni Aldous ang nakabukas kong bag ng bigla na lang...

"Par, ano bang ginagawa mo?" biglang dumating si Stefano.








SALAMAT!

MAG-COMMENT KA PAG NA-BORED KA. MAG-VOTE KA KUNG NAPANGITI KITA. MAG-CONTINUE READING KA KUNG NAG-E-ENJOY KA.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon