CAPÍTULO diecinueve

4 0 0
                                    

Anastacia's P.O.V

Hawak ko ang cellphone ko ngayon, nasa gallery at tinitingnan ko ang naka-zoom na picture na kinunan ko sa El Retiro Park noong huling araw ko sa Madrid.

Tinitigan ko ang lalaki sa picture, siya nga kaya ang lalaki kanina na naging dahilan kung bakit tumigil si Stefano, ang pinangingilagang Student Council President?

Clueless pa ako, oo kamukha niya ang nasa picture pero nakita niya ako kanina. Hindi niya kaya ako nakilala? Kung sabagay sa dinami rami siguro ng nakilala niya sa Madrid ay hindi niya na ako natandaan.

"Grabe stressful 'tong araw na 'to, buti na lang dumating na ang Student Council President" sabi ni Marikit. Naglalakad na kami ngayon papunta sa parking lot.

"Siya ba ang Student Council President?" paniniguro ko.

"Oo Siz... si Manolo... taas ng tingin ko roon Siz, ang galing galing niya kasi talaga" nangingintab pa ang mga matang puri ni Marikit.

Manolo pala ang pangalan niya.

"Ba-bakit naman?" hesitant akong magtanong dahil baka kung anong isipin ni Marikit.

"Siz imagine, napakahectic ng schedule niya as Student Council President, tapos ang galing galing niya pa sa acads, ang alam ko siya ang Emperor sa level niya, at Siz meron pa siya na rin ang nagma-manage ng family company nila" kitang kita sa mukha ni Marikit ang paghanga sa binata.

Biglang gumuhit ang lungkot sa puso ko dahil sa huling sinabi ni Marikit, nakaramdam ako ng pagsisisi. Kung nakinig lang sana ako kay Papá noong mga oras na pinipilit niya akong mag-aral ng business management siguro hindi mawawala ang company sa pamilya ko, sa 'kin.

"Siz, okay ka lang?" nakita ko ang concern sa mukha ni Marikit.

"Ah, grabe ang galing niya nga..." pag-iiba ko sa usapan.

"Sobra Siz, kaya taas ang kamay ng mga estudyante roon eh" dagdag pa ni Marikit.

Pagdating namin sa parking area ay naghiwalay na kami ni Marikit, naglalakad lang daw kasi siya pauwi. Naroon na rin naman ang driver nina Marco kaya sumakay na rin agad ako.

Stefano's P.O.V

Hinayaan kong bumagsak ng malakas ang pintuan pagpasok ko sa mansion, nakita ko si Abuelo na nagtatakang nakatingin sa 'kin.

Lumapit ako sa kanya, umapir at nagmano pero hindi niya agad binitawan ang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Que pasó?" tanong ni Abuelo at naupo sa sofa.

"Ganyan din ang mukha ni Manolo pagdating, Que pasó" ulit ni Abuelo.

So ibig sabihin nandito na ang magaling kong kapatid, malamang nagpaka-reporter na naman ang damuhong 'yon kina Mamá at Papá.

Tumingin ako kay Abuelo, seryoso ang mukha nito at talagang interesadong malaman kung ano ang nangyari. Pero ayoko ng idamay si Abuelo sa gulo naming magkapatid, baka mamaya eh atakihin pa 'to masisi pa ko.

"Wala ho Lo, wag na kayong mag-alala. Akyat na ho 'ko" paalam ko kay Abuelo. Hindi ko na hinitay na makapagsalita pa ito at mabilis akong umakyat sa kwarto ko na hindi ko pala dapat ginawa dahil nakatayo ngayon sa harap ng pintong katabi ng kwarto ko si Manolo.

Hindi pa man ako nakakalapit sa pinto ng kwarto ko ay narinig ko itong magsalita.

"We need to talk, Stefano" sa maawtoridad nitong boses.

Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. Ito ang pinakaayaw ko sa taong 'to, napaka-bossy palagi akala mo kung sino at nagmamataas.

Dumeretso ako sa pinto ng kwarto ko nakatabi ng kwarto niya, pipihitin ko na sana ang door knob ng magsalita ulit si Manolo.

"Stop being so immature and self-centered"

Napasinghal ako. Ako pa pala ang immature at self-centered ngayon?

"Ako ba talaga? Sige anong tawag mo sa sarili mo, ha?!" hindi ko napigilan ang sarili ko na hinarap si Manolo.

"'Yan diyan ka magaling, why don't you just widen your understanding? Hindi 'yung pinapairal mo yang init ng ulo mo" daig pa ng paring sermon ni Manolo

Napatiim ako ng bagang, lahat ng pakikipag-usap ko sa taong 'to na natatandaan ko, palaging walang ibang may kasalanan kundi ako. Bi-binggo na nga ako eh.

"Alam mo kung may makitid ang utak dito, ikaw yon!" pagdidiin ko sa kanya. "Ni hindi ko nga alam kong ano ang nakain mo't nakikipag-usap ka sakin ngayon eh"

"You know what, mali ako dapat nga 'di kita kinausap ngayon. Wala namang patutunguhan 'to eh" aniya saka umakmang aalis.

"Wala ka ng magandang ginawa sa pamilyang to" saka tumalikod sa 'kin.

Tangina! Tangina talaga! Napakuyom ako ng palad dahil sa sinabi nito.

"Sandali!" sigaw ko, saktong harap ni Manolo ang pagtama sa mukha niya ang kamao ko.

"Parte pala 'ko ng pamilyang 'to brad?! Tang ina ngayon ko lang nalaman!" sabi ko. Pero mabilis na nakabawi ng suntok si Manolo.

"Nalasahan ko ang dugong galing sa labi ko, kaya malakas ko siyang itinulak at inambahan ng isa pang sapak.

"Sige! Magpatayan kayo!" saktong dating ni Papá.

Wala akong nagawa kundi ang idistansya ang sarili ko kay Manolo at ganun din ang ginawa niya.

"Hindi ka na talaga nagtanda Stefano!" sigaw ni Papá. Malamang ako na naman ang may kasalanan.




SALAMAT!

MAG-COMMENT KA PAG NA-BORED KA. MAG-VOTE KA KUNG NAPANGITI KITA. MAG-CONTINUE READING KA KUNG NAG-E-ENJOY KA.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon