CAPÍTULO trece

4 0 0
                                    

Stefano's P.O.V

Pagpasok ko sa dining area ay nandoon na si Abuelo kaya lumapit agad ako sa kanya para magmano.

"Hijo, ikaw ba ay naloloko na?" tanong ni Abuelo ng maupo ako sa bakanteng silya sa tabi niya.

Tiningnan ko siyang nagtataka.

"Lo?" tanong ko.

"Kanino mo pa hinihimas yang labi mo eh ngingisi ngisi ka pa riyan" untag ni Abuelo.

Natigilan ako at agad na tiningnan ang kamay kong galing sa labi, hala oo nga! ni ako'y hindi ko napansing nasa labi ko pala ang kamay kong 'to.

Tumingin ako kay Abuelo, makahulugan ang tingin niya sa 'kin ngayon.

"Mujer aah?" naningkit na tudyo ni Abuelo.

Malapad ang ngiting binigay ko kay Abuelo, ibang klase talaga 'to walang palya basta tungkol sa bebot.

"Eres realmente mi Nieto" nangingiting umiling iling si Abuelo.

"Ers realmente mi Abuelo" gaya ko kay Abuelo pero ang totoo hindi ko naman talaga naintindihan 'yon.

Sabay kaming napatawa ni Abuelo pero natigil din agad ng biglang...

"Stefano!" sabay kaming napalingon ni Abuelo sa pinanggalingan ng boses.

"Hindi ba't sinabi ko na sa 'yong magtino ka!" GG agad na entrada ni Papá.

Agad kong iniwas sa kanya ang tingin ko. Hays eto na naman kami.

"Pinagbigyan ka lang ng Mamá mo, but look! Iyan ka na naman"

Hindi ko man tingnan ni Papá ay kitang kita ko sa isip ko ang panggagalaiti nito sa 'kin.

"Alam mo hindi ko na alam ang gagawin sa 'yon Stefano, sige sirain mo ang buhay mo kung 'yan ang gusto mo"

Kasalanan ko na naman pala ngayon na ipagtanggol ang sarili ko sa mokong na 'yon. Napapailing ako habang kuyom ang aking palad.

Naramdaman ko ang mahinang tapik ni Abuelo sa aking braso.

"Itatak mo naman sa kokote mo ang mga sinasabi naming sa 'yo" rinig ko ulit galing kay Papá.

"Wala kang mararating kapag nagpatuloy kang ganyan, patapon!"

Tiim ang bagang na tumayo ako mula sa aking upuan.

"Detener! eso es suficiente, Gustavo!" maawtoridad na sigaw ni utos ni Abuelo.

Napatingin ako kay Abuelo, ngayon ko lang siya narinig na ganito, ngayon ko lang nakita ang ekspresyong ito sa kanyang mukha.

"Papá, hayaan mo akong disiplinahin ang batang 'yan, kaya lumalaking sutil at suwail!"

Nanatili akong nakatayo, sabagay hindi pa ba ako nasanay sa ganito? Buong buhay ko wala na akong ibang narinig sa bahay na 'to kundi "Stefano!" "Magtino ka!" "Sayangin mo ang buhay mo" kung may pa Quiz Bee lang tungkol diyan, champion na 'ko.

Hinayaan ko ng maglitanya si Papá, pasok sa kaliwang tainga labas sa kana o balikad, bahala na. Buti na lang wala si Mamá, dahil kung andito siya malamang na double kill ako.

"Tama na 'yan, nasa harap kayo ng pagkain"

Oops... sana pala hindi ko na lang ipinagpasalamat, ayan nabalis tuloy biglang pasok ni Mamá.

Kitang kita ko ang mariing pagsapo ni Papá sa kanyang ulo. Stress level 101.

"Sigurado akong hindi na ulit mangyayari 'to, pag nandito na si Manolo" makahulugang ngumiti sa 'kin si Mamá.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon