CAPÍTULO seis

16 0 0
                                    

Anastacia's P.O.V
As usual pagbaba namin ng sasakyan ni Marco, kanya kanya na ulit. Sa totoo lang iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung tungkol sa social class system ng school. Lumaki ako sa Spain, si Papa ay purong Kastila at pagmamay-ari namin ang isa sa pinakamalaking kampanya sa Pilipinas na nakabase sa Madrid, bago ko pa makalimutang sabihin, na wala na ngayon.

"Par, mahihiya na ang langit sa EdA ngayon kasi wala ka, kailan ka ba kasi papasok?"

Napatigil ako ng marinig ko yung lalaking humarang sa akin nung nakaraan sa classroom na may kausap sa cellphone.

"May bagong bebot dito hinihintay ka na, loko!" kasunod ang hagalpak.

Napakunot ako sa narinig ko, though hindi ko naman 'yon gaanong naintindihan. Paalis na ako ng dumating ang isa pang lalaki.

"Aldous!" tawag nito sa lalaking may kausap sa cellphone, nakita ko ang pagnguso nito sa direksyon ko para ituro ako.

Lumingon sa 'kin yung Aldous suot ang nakakalokong ngiti.

"Aba... ikaw pala Miss Anastacia..." ewan ko pero bigla akong kinilabutan ng bigkasin niya ang pangalan ko.

Nanatili akong nakatayo habang papalapit si Aldous sa 'kin kasama yung bagong dating na lalaki.

"Type sana kita kaso reserved ka na eh" si Aldous.

Pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa sinabi nito. Napakaantipako!

"Pervertido!" untag ko saka ko sila tinalikuran.

"Oooy Par, palaban!..." pang-aalaska pa ni Aldous saka komorte ng hugis bote sa hangin.

"Siz! Anastacia!" nasa malayo pa lang ay kilala ko na ang papalapit na sa 'kin ngayon, si Marikit.

"Siz, anong ginawa sa 'yo nung mga 'yon" bungad niya sa 'kin na itinuturo pa ang direksyon na pinanggalingan ko.

"Wa-wala naman" pagkukubli ko.

"Hmm, buti naman, pero teka..." tumigil si marikit at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, tsaka umikot sa akin.

"Girl ang bobongga ng damit mo no pang shala talaga" aniya matapos niya akong obserbahan.

"Shala?" bulong ko, napapaisip tuloy ako kung ano klaseng language ba ang ginagamit ni Marikit minsan.

"Oo Siz, ang shala shala mo"

Hindi ko na inintindi pa ang mga kasunod na sinabi ni Marikit at dumeretso na lang ako ng lakad, sumunod naman siya sa akin.

Dumeretso kami ni Marikit sa Cafeteria, naalala kong hindi pala ako nakapag-breakfast kanina kaya kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Hindi pa rin matigil si Marikit sa kakasalita tungkol sa kung ano ano.

"Siz, tulad din ba nila ang parents mo na 'di nagwo-work? Alam mo sabi nila yung mayayaman hindi na nagta-trabaho kasi yung pera na mismo nila ang nagta-trabaho para sa kanila"

"Loca" bulong ko. Kung totoo ang sinasabi Mo Marikit sana lumaki akong kasama si Papa, at hindi ako lumaking mag-isa kasama ang criadang si Nana. Ito sana ang gusto kong sabihin sa kanya pero ayaw lumabas sa bibig ko.

"Ano Siz? Pag magsasalita ka minsan pwede lakas lakasan mo naman pabulong ka lagi eh" asik ni Marikit.

Napapailing na lang ako saka dumeretso sa pinakamalapit na bakanteng mesa. Pero bago ko pa man mailapag ang hawak kong tray ay may nauna ng maglapag ng tray mesang una kong nakita.

"Pasensya ka na Miss Beautiful, taken na to eh" napatingin ako sa nagsalita. Hindi ko napigilang iikot ang mga mata ko ng makita ko si Aldous kasama ang lalaki kanina.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon