CAPÍTULO nueve

7 0 0
                                    

Anastacia's P.O.V

Ito ang pinakamatagal na tinging binigay ni Marco sa 'kin mula ng pagdating ko sa bahay nila. Nakita ko ang dahan dahang pagbaba ng tingin niya mula sa mukha ko hanggang sa paa.

Naka-civilian pa rin ako hanggang ngayon, suot ko ang blue straight elbow sleeve with bateau neckline dress at nude spazzolato leather shoes. Ito ay parehong galing sa kilalang designer sa Spain.

Pareho na kaming nasa labas ng bahay ngayon, pero 'di katulad ng nakasanayan naabutan ko si Marco na nakatayo sa gilid na sasakyan.

Nakita siguro ni Marco ang pagtataka sa mukha ko kung bakit niya ako tinitingnan ng ganito kaya agad siyang pumasok sa sasakyan.

Weirdo. Sabi ko na lang sa isip at sumunod na rin kay Marco.

Habang nasa byahe at dahil sa kakaibang tingin ni Marco sa 'kin kanina, hindi ko tuloy naiwasang isipin ang usapang namagitan sa 'min kagabi.

"Sorry sa'n? na nag-i-spanish ka pa rin kahit nasa Pilipinas ka, o...dahil napaka-self centered mo?"

Napaka-self centered mo...

Parang nag-e-echo sa tainga ko ang mga salitang 'yon. At sa totoo lang hindi ako komportable sa tuwing naalala ko ang sinabing iyon ni Marco.

"Ganyan ba talaga ang mga damit mo?" natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko si Marco. Lumingon siya sa 'kin para ipaalam na ako ang kinakausap niya.

"Kaya mainit sa 'yo dugo ng mga babae sa school eh" dagdag pa niya.

Nabigla ako sa sinabi ni Marco. Anong ibig niyang sabihin? Naalala ko tuloy ang reaksyon ni Marikit sa tuwing nakikita niya ako at papansinin ang suot ko mula sa damit, sapatos at bag na bitbit ko.

"Shala?" inosente naibulong ko ang salitang ginagamit ni Marikit.

Napalingon sa 'kin si Marco at kitang kita ko ang pigil niyang pagtawa.

"Oo! Ang shala shala mo manamit lagi" untag niya saka muling itinuon ang pansin sa unahan. Pero sa alog ng mga balikat niya, alam kong panay pa rin ang pagtawa nito.

Ano bang shala? Bakit laging tumatawa ang mga nakakausap kong gumagamit nito? Hindi naman nakakatawa ang suot kong damit ah.

Bumuntong hininga ako at hinayaan na lamang ang tanong na sa isipan ko.

Hindi ko napansing andito na kami sa Escuela de Ademar, bumaba agad si Marco ng sasakyang pero nakakabigla lang na hinintay niya akong makalabas bago siya naglakad.

"Girl, look can you see it? Marco is with that girl again" narinig kong bulong ni Ximena na ginatungan naman pa Savanah.

"I don't want you to get paranoid, pero girl I smell something fishy"

Tamad na tinapunan ko ng tingin sina Ximena at Savanah.

Samantalang kitang kita ang inis sa mukha ni Sierra ngayon habang hindi malaman kung kanino sa 'ming dalawa ni Marco titingin.

Nandito silang tatlo sa bukana ng building hinihintay siguro si Marco.

Napasama pa yata ang paglalakad ko ng kasama si Marco, sa isip isip ko.

"Mine, answer me! Bakit lagi kayong magkasama ni Anastacia?" parang batang nagta-tantrums si Sierra. Nakakatawa ang itsura niya, buti na lang maganda siya at bumagay ang pag-arte niya ng ganyan.

Tumingin ako kay Marco, kahit siya nangingiti rin sa ginagawa ng girlfriend ni hindi man lang apektado sa halatang pagseselos ni Sierra.

"Yours naman, yours na nga ang tawag ko sa'yo diba kasi iyo lang ako" rinig kong sabi ni Marco.

"Mine nagtatampo na talaga ako..." tinalikuran ni Sierra si Marco, halatang ayaw lang ipakitang kinikilig siya.

Hindi sa naasiwa pero hindi lang ako sanay na may nakikitang ganito sa harap ko.

"Ni siquiera es mi tipo..." bulong ko saka iniwan ang dalawa.

Habang naglalakad ay hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang mukha ni Sierra kanina at ang tawagan nilang Mine at Yours. Ini-imagine ko tuloy ang mukha ni Nana kung sakaling malaman niya ang tungkol dito.

Dahil sa pag-iisip ay hindi ko namalayang may nakabunggo na pala ako.

"Aw... stupida" rinig daing ng babae at tumingin sa cellphone niyang nahulog sa sahig.

"Que?!" Nabigla ako dahil sa sinabi niya.

Tumingin siya sa 'kin, hindi pa rin naalis ang inis sa mukha niya at ganun din ako. Matapos niya akong tawaging stupida? Dios mío!

Kitang kita ko ang pasimpleng tingin niya sa 'kin from head to toe. Hindi ko napigilang mapakurba ang labi ko ng maalala sina Ximena at Savanah, ganitong ganito rin ang ginawa nila sa 'kin. Mas obvious lang sila ng kaunti.

Napansin ko ang badge na nakakabit sa uniform niya bilog iyon na may agila sa gitna, ang badge ng Roman Empire.

"Dominguez' huh" narinig kong bulong niya sa designer ng suot ko saka bahagyang pinagpag ang palda.

"Alita! Ito na phone mo oh..." biglang sulpot ni Marikit at inabot sa babae ang nahulog na cell phone.

Tumaas ng bahagya ang kilay ng babae saka kinuha ang phone na parang nadidiri pang idikit ang balat sa kamay ni Marikit.

"Gosh, I should get a new phone!" maarteng saad nito saka umalis.

"Sizz! anyare? Kaloka ka ha makikipag warla ka pa yata kay Alita" agad na saad ni Marikit ng makaalis ang babae.

Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"Alita?" takang tanong ko.

"Hay nako Siz, as usual empty minded ka pa rin talaga" napakunot ako ng noo dahil sa sinabi ni Marikit.

"Natatandaan mo yung sinabi ko sa 'yo kay Stefano? Yun din ang advice ko sa 'yo para kay Alita"

Lalaking hindi mo gugustuhing makilala, Marikit (2020)

"From Royal Empire, Peninsulares, ang alam ko may sarili silang clothing line, our current Emperor, at pretty! o diba ang perfect niya, kaso bagsak yata 'yan sa GMRC eh" natatawang sabi ni Marikit habang ako ay matamang nakikinig lang.

"Nako Siz, 'di mo pa kasi nakikitang mag full force ng lagim 'yang sina Alita at Stefano eh..." patuloy ni Marikit.

Bigla siyang napatigil ng may biglang maalala at seryosong tumingin sa 'kin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Siz, promise me ha, don't get into trouble..." naningkit ako sa sinabi ni Marikit. Talagang full of revelation 'tong taong 'to.

"Siz, baka kasi ma-SC office ka... Siz, hindi mo gugustuhing ma-meet ang Presidente del Consejo Estudiantil kalerks 'yon gwapo nga scarry naman."

Napapatango tango na lang ako dahil sa dami ng kwento ni Marikit.

Bakit ba napakaraming dapat iwasan sa eskwelahan 'to? Si Stefano, Si Alita, at ang Presidente del Consejo Estudiantil. 1 down, 2 more to go!

Dapat ko bang ipagpasalamat na si Alita pa lang ang name-meet ko?

Hays.




SALAMAT!

MAG-COMMENT KA PAG NA-BORED KA. MAG-VOTE KA KUNG NAPANGITI KITA. MAG-CONTINUE READING KA KUNG NAG-E-ENJOY KA.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon