CAPÍTULO doce

4 0 0
                                    

Anastacia's P.O.V

Napansin namin ni Marikit na nagkukumpulan ang mg estudyante sa labas ng classroom namin. Halatang nakikiusyoso, nagkatinginan kami ni Marikit at bahagyang binilisan ang paglakad.

"Excuse, makikiraan" si Marikit ang nauuna kaya siya ang nakikipag siksikan para makapasok kami sa classroom.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa kung ano ang nangyayari sa loob. Kahit na nagkukumpulan ang mga estudyante ay walang maririnig na kahit na anong ingay sa mga ito. Lahat sila ay nakatingin lang sa iisang direksyon.

"Shemss..." rinig kong bulong ni Marikit.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang nangyayari sa loob ng classroom.

Nakaupo sa arm chair si Stefano habang hawak hawak ang kwelyo ng isang lalaki na ano mang oras ngayon ay mapapaluhod na sa sahig. Wala itong kalaban laban at kitang kita ang takot sa mukha nito.

Sandali... ang lalaking 'yon.

"Bakit ayaw mo na kong papasukin ha" seryoso at mariing sabi ni Stefano na hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kwelyo ng lalaki.

"Wag na nga sanang pumasok 'yon..."

Naalala ko na, isa siya sa tatlong lalaki noon sa cafeteria.

"Sagot!"

Nagulat ako dahil sa sigaw na 'yon ni Stefano... hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya ngayon... hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang bagay na 'to.

Tama nga si Marikit... siya ang lalaking hindi mo gugustuhing makilala...

Walang kahirap hirap na hinila ni Stefano ang lalaki para ilapit sa bibig niya ang tainga nito.

"Gusto mo pasabugin natin ang mukha mo para ma-suspend ulit ako?"

Hindi na maganda ang nangyayari rito, ni wala man lang may lakas ng loob para pigilan ang nangyayari. Si Aldous ay maang na nakatayo lang sa 'di kalayuan na malapad ang pa ang pagkakangiti. Ganun din ang kasama nitong lalaki palagi.

Takot din ang makikita sa mukha ni Sierra na kanina pa palinga linga, samantalang nag-e-enjoy namang manuod ang kasama nitong sina Ximena at Savanah.

Sa lahat ng estudyante rito tanging si Alita lang ang walang paki alam na nakaupo pa rin sa kanyang upuan na para bang walang nangyayaring gulo sa loob ng classroom.

Kita kong seryoso ang mukha ni Stefano, hindi ko pa man siya lubusang kilala pero nakikitang kong ano mang oras ay handa niyang gawin ang mga bagay na iniisip gawin sa lalaking ito.

"Mine!" rinig kong sigaw ni Sierra.

Dumating ang humihingal pang si Marco na halatang nagmadaling pumunta rito. Kalmado ang mukha nito at hindi man lang makitaan ng pagkabigla sa naabutan.

Agad itong lumapit sa pwesto ni Stefano at hinawakan ang balikat nito.

"Tama na 'yan" marahan pero may pagbabantang saway niya kay Stefano.

Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa ginawa ni Marco. Sa dami ng tao dito na kanina pa nanunuod, ni wala man lang isa sa kanilang naglakas ng loob ng awatin si Stefano. Ngunit si Marco, na kararating lang at biglang sumulpot mula sa kung saan, ang siyang ngayon pinipigilan si Stefano.

Makahulugang ngumiti si Stefano saka itinaboy ang kamay ni Marco sa balikat niya.

"Anjan na si Propesor..." dugtong ni Marco.

Nakita ko ang pagtiim ng bagang ni Stefano saka inis na itinulak ang lalaking hawak.

"Tapos na ang palabas!" nakangiting sigaw ni Stefano na tumingin pa sa aming lahat.

Nagmamadaling tumakbo palabas ng classroom yung lalaki, at kanya kanyang alisan ang mga estudyante at ang iba ay nagbalikan na sa kanilang upuan.

Napa buntong hininga ako dahil sa napanuod ko... pinatunayan lang ng pangyayaring ito ang lahat ng sinabi ni Marikit sa 'kin tungkol kay Stefano.

Since halos lahat ay nasa sariling upuan na, naglakad na rin ako papunta sa pwesto ko. Deretso akong naglakad at iniwas ko ang tingin kay Stefano.

Kinakabahan ako ngayong palapit sa pwesto ni Stefano at ni Aldous, abala ang mga ito sa pagkukwnetuhan na parang walang nangyari kanina lang.

Ngunit parang gusto kong umatras ng mahagip ng mata ko si Stefano na umupo sa katabing upuan ng pwesto ko, siya pala ang nakaupo roon. Rinig ko ang marahang tawa nito habang kausap si Aldous.

Pakiramdam ko napakahaba ng classroom na ito sa tagal kong naglakad bago ko marating nag upuan ko. Marahan akong bumuntong hininga at nagkunwari na lang na walang tao sa upuang katabi ko.

Pero ayaw makisama ng isip ko dahil nangingibabaw ang boses ni Stefano sa pandinig ko. Ang marahan niyang pagtawa, ang pakikipag sagutan niya kay Aldous, ang boses niyang puno na ng galak ngayon.

Napakalayo ng Stefano na katabi ko ngayon sa Stefano na nakita ko kanina lang. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para pigiling marinig at isipin si Stefano.

At sa palagay ko'y effective naman dahil hindi ko na narinig ang boses niya, maging ni Aldous. Nakahinga ako ng maluwag at nagmulat ng mata.

"Swerte mo ang gwapo ng katabi mo" – Stefano

Tunog ng isang malakas na sampal ang nangibabaw sa loob ng klase, at kasunod nito ang mga mata ng kaklase kong nakatingin sa direksyon namin.

Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla ng ang mukha ni Stefano na ilang pulgada lang ang layo sa mukha ko ang bumungad sa 'kin.

Ngunit mas nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kong sinampal ko si Stefano sa harap ng mga kaklase namin.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko... maging si Stefano ay halatang hindi rin makapaniwala na dumapo ang palad ko sa mukha niya.

Ngunit mukhang hindi tumalab ang sampal na 'yon sa kanya, dahil nabigla man ay ni hindi nito inilayo ang mukha sa 'kin.

Mabilis na nawala ang pagkabigla sa mukha ni Stefano at napalitan ng pilyong ngiti.

Ang akala ko'y hindi na kapani-paniwala ang mga nangyari sa araw na 'to mula sa nalaman ko tungkol sa kanya, at nakita kong ginawa niya sa lalaki kanina hanggang sa pagsampal ko sa kanya.

Ngunit mas hindi kapani-paniwala ang sunod nitong ginawa.

Mas inilapit nito ang mukha sa 'kin at bahagyang ngumuso dahilan para magtama ang mga labi namin.




SALAMAT!

MAG-COMMENT KA PAG NA-BORED KA. MAG-VOTE KA KUNG NAPANGITI KITA. MAG-CONTINUE READING KA KUNG NAG-E-ENJOY KA.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon