CAPÍTULO siete

12 0 0
                                    

Stefano's P.O.V

Grounded niyo mukha niyo, ano bang akala nila sa akin wire? napasinghal ako saka dali-daling lumabas ng bahay, ay este parang museum to eh.

Tsk, talaga naman Gustavo o-oo-oh! Napakamot ako sa ulo ng makita ko ang mga lalaking nakabantay sa labas ng pinto, mga alagad ni Gustavo!

"Baka gusto niyo munang mag kape sa loob" pagbibiro ko.

Parang walang narinig ang mga ito, kahit alam kong haharangin nila ako ay sinubukan ko pa ring dumaan sa mga ito. Pero tulad ng inaasahan, parang mga militar itong sabay sabay na hinarangan ang dadaanan ko.

"Ano ba naman 'yon, para naman kayong others niyan" sinubukan ko ulit dumaan pero sa pagkakataong 'to ay mas naging seryoso ang mga ito sa pagharang sa 'kin.

"Ah ganon ha, ihampas ko kaya tong helmet sa inyo isa isa" inis kong sabi saka umakmang ihahampas ang helmet.

Kung siguro dalawa lang to eh kanina ko pa nasapok tong mga 'to kaso apat eh, tsk! napakamot ako sa ulo.

"Dar paso a él" agad na nag-alisan sa harapan ko ang mga bantay.

Aba, buti pa tong mga 'to nakakaintindi ng Espanyol. Lumingon ako sa likod ko.

"Yon! Abuelo!" lumapit ako sa kanya at sumenyas ng apir, kaso paasa si Abuelo ngayon, hindi siya nakipag-apir sa 'kin.

"Lo, badtrip ka yata, tatanda ka niya" pagbibiro ko sa kanya.

"Gusto mong matandaan 'tong caña ko?" sabay senyas na ihahataw sa 'kin yung tungkod niya dahilan para mapailag ako.

"Lo naman, 'di mabiro. Bawi ako sa'yo Lo, una ko" sumaludo ako sa kanya sabay kindat saka ako kumaripas ng takbo, baka magbago pa isip ni Abuelo eh.

Pinaharurot ko agad ang Ecosse ES1 Spirit ko. Freedom!! Kulang na lang eh sumigaw ako sa kalye dahil ngayon na lang ulit ako nakalabas ng mansion. Grabe rin naman kasi sina Mamá at Papá, malay ko ba namang tototohanin nilang hindi nga ako palabasin sa mansion dahil lang sa Standard Bearer na naman ako sa huling exam naming. Grabe! ang strict ng parents ko. (Daig ko pa dalaga)

Sa bilis na 370 Km nakarating agad ako sa Escuela de Ademar.

Normal na para sa 'kin ang scenario na nangyayari ngayon pagbaba ko ng motor, ang pagtigil ng mga estudyante, ang pagbubulungan ng mga babae, at paghanga ng mga lalaki sa akin, biro lang, di sakin, kundi sa limited edition kong titanium motorcycle. Panis! (Search mo para makita mo, kaso baka malungkot ka kasi hindi kita maangkas)

Hinubad ko ang helmet ko, at ayun! Yung mga babae hindi ko naman inaano eh parang mga kinikiliting kiti kiti.

"Ang lakas talaga ng dating ni Stefano"

"Papasok na ba ulit siya?"

"Sa wakas! Hindi na ako magtatyaga sa SocMed araw-araw para lang makita siya!!"

Tiningnan ko yung babaeng huling nagsalita, isang simpleng ngiti, tingin sa baba, tingin sa taas, at isang pangmalakasang ngiti na may kagat labi. Boom!

Kung nakamamatay lang ang kilig, patay na tong babaeng 'to ngayon.

'Di ko mapigilang mapatawa ng makita ko ang reaksyon nung babae, hindi niya malaman kung tatalon ba o ano. Hay ewan, tama na at baka sabihin niyo napaka playboy ko naman.

Kinalat ko ang mga mata ko, baka sakaling makita ko sina Aldous kaso wala eh kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya.

Nak ng, at ayaw pa ngang sagutin. Nasan naman kaya 'tong mokong na 'to? Asik ng utak ko.

May tumigil na sasakyan sa harap ko, nakalimutan ko andito pala ako sa parking area. Kala ko kasi nasa Araneta ako sa rami ng fans kong nag-aabang sakin.

Lumabas si Marco mula sa sasakyan, nakita niya ako kaya tinanguan ko na, 'di kasi kami masyadong tropa niyan. Siya kasi ang Representante de Clase, o yung Class Rep. na tinatawag, laging kj sa trip namin ni Dous.

"Mr. Stefano, buti naman naisipan mo ng pumasok"

Aba mokong to ah, lumapit pa sa 'kin.

"Eh, pe-pwede ba namang hindi?" sabi ko. "Teka nga, kapag nakita mo si Dous sabihin mo andito ako ah" bilin ko sa kanya.

Wala naman kasi akong balak pumasok, malamang magta-transform na naman si Mamá into tiger o dragon pag nakita niya ako rito.

"Andito ka naman na, ikaw na maghanap" nakangiti pang nang-aasar ang mokong.

Sabi ko sa inyo eh, panira ng trip 'yang si Class Rep palagi. Ewan ko ba naman d'yan kulang sa aruga.

Pero sandali...

At tumigil ang mundo~

Sumulpot sa likod ni Class Rep. ang isang dalagang Pilipina yeah~ ang isang babae... hindi lang basta babae... hindi ko mailarawan ang ganda ng babaeng 'to! Sa tinagal tagal kong naghanap ng ganto kaganda, bakit ngayon ko lang nakita?

Diyosa, Par!

Hanep! 

Ginulo ng hangin ang mahaba at makintab niyang buhok pero hindi iyon nakabawas sa ganda niya. Kakaiba talaga! Hindi ko matukoy kong Filipina ba o Spanish? Napaka-prominent ng kanyang almond shaped eyes, ang kanyang natural attractive eyebrows, ang kanyang reddish classic lips, at ang kanyang maliit pero matangos na ilong. Hindi ko mapigilang humanga sa kakaibang ganda ng babaeng 'di kalayuang nakatayo mula sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatingin sa mukha ng babaeng 'to.

Easyhan mo Junjun...

Hindi ko siya kilala sigurado ako roon. Sa tagal ko rito, saulo ko na ang itsura ng mga babae sa eskwelahang ito at kung may hindi man ako kilala, pwes hindi taga rito 'yon. At isa pa sa ganda ng babaeng 'to ni sa panaginip, di ko aakalaing nag-eexist ang mukhang to. Pero kung estudyante nga siya dito, sana mapatawad ako ng Diyos na hindi ko man lang napansin ang perpektong gawa niyang tulad nito.

"Par..."

"Par!" naramdaman ko ang marahang pagbatok sa 'kin ng kung sino.

Nak ng! sino 'yon? Hindi niya ba alam na humihingi ako ng kapatawaran sa Diyos ngayon? Panira ng moment eh.

"Par!" isa pang mas malakas na batok ang naramdaman ko kaya napilitan na akong lumingon.

"Par! Langya, nakailang batok ka sa 'kin ah" asik ko ng matauhan.

Ngayon lang nag-sink in sa 'kin na binatukan ako ng mokong na to at dalawang beses sa harap ng mga estudyanteng 'to.

"Eh kulang na lang tumulo laway mo kakatitig diyan kay Anastacia eh" natatawang asar ni Aldous.

"Anong tulo laway, sira ulo ka ba." lokong 'to ako pa ba matatameme sa babae eh ang daming nagkakandarapa sa 'kin. Pagtatanggol ko sa ego ko.

"Sus, Stefano! Wag ako Par!" ayaw paawat ni Aldous na patuloy pa ring nang-aasar. Hinayaan ko na, lintik lang ang walang ganti. Paglingon ko sa pwesto ng babae, wala na ito roon. Wala na rin si Class Rep.

Langya kasi si Aldous eh, 'yan nakaalis tuloy ng 'di man lang nakaporma.

"Yon yung sinasabi ko sa'yong bebot, Par" bulong sa 'kin ni Aldous. Kumalma na ito sa pang-aalaska, pero nakakaloko pa rin ang ngiti nito sa 'kin ngayon.

Aba, bebot nga, kilalang kilala nga ng tropa kong 'to ang mga tipo ko, nangingiting saad ng isip ko.




SALAMAT!

MAG-COMMENT KA PAG NA-BORED KA. MAG-VOTE KA KUNG NAPANGITI KITA. MAG-CONTINUE READING KA KUNG NAG-E-ENJOY KA.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon