CAPÍTULO once

7 0 0
                                    

Stefano's P.O.V

"Welcome back Stefano!" ang nakaakbay sa 'king si Aldous habang naglalakad kami ngayon sa hallway ng main building.

"He's really back, OMG!"

"It's been a week, then here he is reigning the EdA again..."

Rinig kong bulungan ng mga nadadaanan namin, pero dahil good mood ako, sige palalampasin ko muna yang achu-chu-chu nila.

"Iba ka talaga Par! Paano mo nakumbinsi Mamá mo ha?" nangingiting tanong ni Aldous.

Na ang tinutukoy ay ang pagpayag nitong makabalik agad siya sa eskwelahan.

"Dous naman, para namang 'di mo kilala si Abuelo?" nangingising sagot ko.

Dahil kung si Mamá lang, malamang hindi pa rin ako nakabalik sa eskwelahan hanggang ngayon at tuloy pa rin ang nakakabagot kong home schooling. Buti na lang to the rescue si Abuelo at kinumbinsi si Mamá na ibalik ako sa normal schooling.

"Iba rin talaga si Abuelo, strong" sabay pa kaming napatawa ni Aldous.

"Eh ang kuya mo... kailan ang balik?"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa tanong ni Aldous. Siguro'y napagtanto niyang hindi maganda ang tanong niya kaya umiwas ng tingin ng balingan ko siya ng masamang tingin.

"Par naman, 'di mabiro halika na puntahan na natin mga collections mo..." pag-iiba ni Aldous saka ako muling inakbayan at giniya sa paglalakad.

"Kita mong kababalik ko lang gusto mo ba ulit akong ma-suspend, ha!" sigaw ko sa kanya habang naglalakad.

Sa totoo lang sana hindi na bumalik ang kapatid ko.

Anastacia's P.O.V

"Kita mo Siz? And the devil is back" si Marikit ng makalayo sina Aldous at Stefano.

Kanina pa niya inoobserbahan ang dalawa mula sa 'di kalayuan. Parang private investigator na nakamasid at pinapakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa.

Ewan ko ba dito kay Marikit parang stalker, kung sabagay 'di ko naman sinasadyang pagmasdan sina Aldous at Stefano, 'di ko lang alam kay Marikit ha. Kasi parang interesado siya sa dalawang 'yon.

Naalala ko tuloy ng makita naming ni Marco sina Stefano sa Mall. Bumalik sa alaala ko ang kakaibang tingin niya sa 'kin. 'Yung tingin na seryoso, pero parang may kalokohan sa isip, tingin na parang na para akong magnet na naka-attract sa kanya, tingin na ayaw akong pakawalan.

Napabuntong hininga ako sa naisip at binaling ang tingin kay Marikit.

Nakangiwi si Marikit na nakatingin din pala sa 'kin.

"Siz, para kang binangungot ah. Anmeron?" usisa ni Marikit.

"Bakit naman hindi ko gugustuhing makilala si Stefano?" maang na tanong ko.

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Marikit at ang unti unting pag hugis "O" ng bibig niya dahil sa pagkabigla.

Minsan iniisip ko ang OA ni Marikit. Gaano ba kalala si Stefano, bakit siya ang lalaking hindi gugustuhing makilala ng isang babae?

"OH EM GEE! Sizz! don't tell mee?!" ang naghe-hestirical na si Marikit. "Ow, someone is interested in here" dagdag pa niya at makahulugang tumingin sa 'kin.

"Siz, ayoko naman siraan si Stefano sa 'yo no. Ayokong magsabi ng mga masasamang bagay tungkol sa kanya kasi hindi naman ako ganon Siz, okay?" bumuntong hininga si Marikit.

"Siz, nung unang taon ko lang naman dito, 'yung isang teacher eh napa-resign ng 'di oras dahil sa kanya, tapos yung sunod napilayan yung isang estudyante kasi itinulak ba naman sa hagdan, tapos meron pang estudyanteng nagpakalbo dahil nilagyan niya ng mighty bond yung buhok." Dere-deretsong kwento ni Marikit.

"Hindi pa kasama diyan kung ilang gripo, pinto, trashcan, binatana ang nasira niya Siz" dagdag pa nito.

"At ang last but not the least, ay ang bilang ng mga babaeng luhaan at sugatan sa isang linggong pag-ibig by Aegis."

Napapangiti ako sa isip ko dahil sa kwento ni Marikit.

"Hmm, ayaw mo pang magkwento niyan ha?" mahinang sabi ko.

"Ay oo Siz, kasi marami pa. Pero hanggang diyan muna tayo" nangingiting sabi niya saka tumingin sa akin na parang naninibago.

"Que?" takang tanong ko.

"Siz, pansin ko lang kakaiba yung damit mo ngayon ha..." sabi niya "pati yung shoes mo" tumingin siya sa paa ko.

Naalala ko tuloy pag-uwi namin ni Marco kagabi, agad niyang pinalabhan kay Tess ang mga pinamili namin kaya 'yon ang gamit ko ngayon.

"Pero maganda ka pa rin Siz, kahit anong suot mo swear" itinaas pa ni Marikit ang kanang kamay na parang nanunumpa.

"Grabe, ganun siguro talaga kapag laking mayaman kahit anong ipasuot mo eh bagay pa rin" aniya.

Bumuntong hininga ako at iniwas ang tingin kay Marikit.

Nana Lumen's P.O.V

"Mahal natutuwa ako kay Marco" panimila ko habang nagluluto ng tanghalian.

"Mahal kanino pa ba naman magmamana si Marco?" pagyayabang ng asawa kong si Dominador.

"Aba, aber mahal kanino?" para yatang pinapalabas nitong sa kanya nagmana si Marco ah.

"Mahal syempre sa 'ting dalawa" anito "hindi ko nga akalain na magkakasundo silang dalawa" dagdag pa ni Dominador.

Na ang tinutukoy ay ang paglabas ng dalawa kagabi.

Nagtaka naman ako sa narinig ko. "Bakit naman mahal? 'di naman mahirap pakisamahan 'yon si Anastacia"

"Hindi nga mahal, pero si Marco..."

Alam kong may hinanakit si Marco dahil hindi niya ako nakasamang lumaki, imbis na ako ang mag-alaga sa kanya ay naroon ako sa Spain at inaalagaan ang anak ng iba.

"But you know, Marco is very understanding" dagdag pa ng asawa ko. "Isa pa, since pareho sila ng napagdaanan, malamang, kung meron man ditong mas makakaintindi kay Anasatacia, si Marco 'yon."

"Tama ka mahal..." 'yon lang ang nasabi ko.

"What more concerns me is Anastacia..." parang hinaplos ang puso ko sa narinig. Hindi lang pala ako nag-aalala para sa kalagayan ng batang iyon.

"Kaya mahal ha, intindihin muna natin si Anastacia for now..."

"Mahal, iintindihin natin siya hanggang sa abot ng makakaya natin" nakangiting si Dominador.

Lumapit ako at yumakap sa asawa ko.

"Mahal tayo na lang ang meron si Anastacia ngayon..."

Talagang mahirap at masakit ang sunod sunod na danasin ang ganitong pagsubok. Pero naniniwala akong kayang kayang lagpasan ni Anastacia ang lahat ng 'to.




SALAMAT!

MAG-COMMENT KA PAG NA-BORED KA. MAG-VOTE KA KUNG NAPANGITI KITA. MAG-CONTINUE READING KA KUNG NAG-E-ENJOY KA.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon