CAPÍTULO diecisiete

5 0 0
                                    

Anastacia's P.O.V

Hawak ni Stefano ngayon ang braso ni Aldous para pigilan ito sa balak na gawin.

"Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa niyo ha?" seryoso tanong ni Stefano.

Agad akong binitawan ni Ximena, nakita ko ang takot sa mukha nilang dalawa ni Savanah.

"At ikaw, Par nakikisali ka sa gulo eh" baling naman niya kay Aldous na halatang nagtataka sa nangyayari.

Dumating na rin sina Marco kasama si Sierra.

"Mine, it's her again..." bulong ni Sierra.

"Jugando como una superhéroe?" mataray na tanong ni Alita, hindi ko napansing dumating na rin pala ito, at agad na lumapit kay Stefano.

Superhero? Pero bakit nga naman ako tutulungan ni Stefano? Samantalang siya ang laging pasimuno ng gulo sa eskwelahang 'to.

Nakita kong napalunok si Stefano, kinabahan ako ng bigla siyang tumingin sa 'kin bago tiningnan si Alita.

Hindi ko alam kung ano ang nakita ko sa mga mata niya, awa? concern? ewan ko.

"Bakit mas gusto mo ba ako as villain?" aniya na inilapit pa ang mukha kay Alita.

Hindi nakapagsalita si Alita, walang kahit na sino ang nagsasalita. Lahat ay nakaabang sa susunod na mangyayari, lalo na sa gagawin ni Stefano.

Kinuha ni Stefano ang bag ko na agad namang binigay ni Aldous.

"Walang kahit na sino man sa inyong pwedeng gumalaw sa kanya" saka ako tiningnan ni Stefano.

Natigilan ako sa sinabi niya, bumilis ang tibok ng puso ko. Pare-pareho ang naging reaksyon ko at ng mga estudyante dahil sa sinabi ni Stefano.

Ano bang binabalak niyang gawin? Anong klaseng laro na naman 'to?

"Liban sa 'kin..." saka binaliktad ni Stefano ang bag ko dahilan para mahulog sa sahig ang lahat ng laman niyon. Binalingan ako ng tingin ni Stefano at nakita ko ang demonyong ngiti sa mukha niya bago niya tuluyang bitawan ang bag.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay bigla akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi makakilos mula sa kinatatayuan ko.

Nagtabihan ang mga estudyante ng magsimulang maglakad si Stefano habang nakasunod dito si Aldous.

Napaka unexpected talaga ng taong 'to...

"Sira talaga ang ulo mo, Stefano!" narinig kong sabi ni Marco saka dinampot ang bag ko at isa isang ipinasok sa loob ang mga gamit.

Nilingon lang ni Stefano si Marco at dumeretso na sa paglalakad.

Unexplainable ang araw na 'to, para bang bigla na lang akong nag-register at nag-exist sa mata ng mga estudyante, ramdam ko ang mga mata ng bawat estudyanteng nakatingin sa akin san man ako magpunta. Bagay na hindi nangyayari, bago ko pa isuot ang badge na nasa damit ko ngayon.

Naglalakad ako ngayon papunta sa Gymnasium para sa P.E namin.

Naaalala ko pa rin ang tingin na 'yon ni Stefano, hindi iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng kakaiba dahil lang sa tingin niya. Napakahirap timbangin ng lalaking 'yon, o baka hindi ko lang inasahan na magagawa niya 'yon.

"Siz!" agad akong napalingon, familiar sa 'kin ang boses na 'yon.

"Siz! Okay ka lang ba? Grabe na-late ako ng pasok, nag-OT kasi ako sa part time ko kagabi" hiningal na kwento ni Marikit ng maabutan ako.

Part time? Ibig sabihin nagtatrabaho pa si Marikit after class?

"Ano Siz? Ayos ka lang ba?!" inalog alog pa ni Marikit ang balikat ko.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon